Chapter Twelve

Magsimula sa umpisa
                                    

Pumalakpak s'ya ng dahan dahan at nilingon ako.

"Ang tapang talaga ng pantasya ko."

Pantasya pa rin talaga ang tawag n'ya sa akin.

"Can I get your number?"

"Hindi ba, may number ka na sa akin?"

Umiling s'ya at inilabas ang phone n'ya.

"Nagpalit ka ng number, pantasya ko. Cannot be reach ka na."

Dinilaan n'ya ang labi n'ya at ngiting ngiting tumayo ng diretso. Nagmamadaling nagsilabasan iyong bagong syota ni Uno sa banyo pati ang kasama n'ya.

Kinuha ko ang phone n'ya at itinype doon ang numero ko saka ibinalik agad iyon sa kanya.

"Hard to get ka parin ba?" He said then chuckled.

"Hard to get parin, bakit? Akala mo ba tayo na porque ibinigay ko ulit sa'yo ang bagong number ko?"

Nagkorteng letrang 'O' ang bibig n'ya saka humakbang palapit sa akin. Hindi ako umatras tulad ng ginagawa ko sa kahit na sinong lalaki dahil matapang ako.

"Pero may pag asa pa ba ako? Nahinto lang naman ang panliligaw ko, eh."

Ang mahahaba at makapal n'yang pilik mata agad ang nakapukaw ng pansin ko. Iyon talaga ang asset n'ya. Nahinto ang panliligaw n'ya sa akin noon dahil kami na ni Jayson that time.

"Hindi ba, girlfriend mo si Paula? Ayoko sa two timer." Iiling iling na sagot ko sa kanya.

"Break na kami. Okay na ba 'yon?"

Tumawa ako at hindi sinasadyang napansin si Uno na papadaan sa banyo. Sa kaba ko ay hinawakan ko ang kwelyo ng uniform ni Yael at inilapit ko ang mukha n'ya sa akin.

"I am not easy to get," bulong ko sa ibabaw ng mukha n'yang gulat na gulat saka ko s'ya bahagyang itinulak. "Bye babe!"

Nilagpasan ko na s'ya at sinalubong si Uno. Napansin ko ang nag iigting na panga n'ya. Nginitian ko s'ya bago balak sana na lang s'yang lagpasan ngunit hinuli n'ya ang siko ko. Napansin ko naman kaagad iyong syota n'ya hindi kalayuan sa amin. Tangina, nagsumbong yata.

"Why did you do that to Ysa?"

Kinalas ko ang pagkakahawak n'ya sa siko ko at matapang na tiningnan s'ya pabalik.

"Wala akong ginawa sa kanya, siya ang tapang tapangan na humarang sa akin."

"Sa lahat na lang ba magiging ganyan ka, Jamila? Palagi ka na lang bang siga kung umasta?"

Napasinghap ako sa sinabi n'ya. Tangina, ako pa pala ang mali? Ako itong hinarangan kanina at tinaas taasan ng kilay.

"Lumaki na yata ang ulo mo, Uno."

Nag-isang linya ang labi n'ya at tumingin sa likuran ko.

"Anong problema? Bakit mo inaaway ang pantasya ko?" Rinig kong sabi ni Yael.

"Tara na, Yael. Mali-late na ako sa klase."

Hinawakan ko ang kamay ni Yael at hinila s'ya palayo kay Uno. Alam ko rin kasi ang ugali ni Yael, kahit na matalino ay minsang nasasangkot rin sa gulo.

Huminto ako sa paglalakad nang nasa tapat na kami ng pinto ng classroom. Wala pa ang teacher namin ngunit alam kong maya maya rin ay darating na iyon.

"Pumunta ka na sa third floor. Mali-late ka. Text mo 'ko mamaya."  Nginitian ko s'ya.

"Sige, pantasya ko." Malaki ang ngiti na sagot n'ya.

"Hoy, hindi pa tayo ha!" Paninigurado ko sa kanya.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon