Day 30.6 (Narration)

17.8K 693 362
                                    

Day 30: Mata sa Mata (part 2)

NAMILOG ang mga mata ni Arisa.

"As if naman iki-kiss kita ngayon!" nakaingos na aniya.

Umangat ang kilay ni Exis bago ito humalukipkip. "Ngayon? So you really have a plan to kiss me but not now?"

Kahit hindi nakikita ang sarili, alam niyang pulam-pula na ang mga pisngi niya. Todo-iling siya. "Hindi! Don't twist my words!"

"Naniniguro lang kasi..." He leaned towards her. Ipinahid nito ang daliri sa gilid ng kanyang labi. "Hindi naman kita pipigilan."

"W-what are you doing?!"

"May ice cream."

Hindi makapagsalita si Arisa. Napipi siya. Hindi niya alam kung dahil ba 'yon sa sinabi ni Exis o sa ikinilos nito. O both?

Umayos ito ng upo. His face was so serious but his eyes were not. She could see the softness in them. At first, she thought his eyes were like diamonds but she was wrong.

His eyes were like the skies. Changing. Flowing. Shining. Endless.

"Hindi ko alam kung ano ang unang matutunaw. 'Yang ice cream mo, o ako dahil sa pagtitig mo," seryosong anito.

Umingos si Arisa. "Hindi kita tinititigan!"

"Okay."

Ngumuso siya. "Hmp."

"Bakit hindi ka na naman sinipot ng pinsan mo?"

Nanggigigil na kumutsara ng ice cream si Arisa. "Inuna ang pagsinta kay B niya. Hay nako talaga 'yan si Jemarie. Hindi na siya makakaulit sa 'kin."

"Huh."

"Ikaw, bakit nandito ka pa? May dinner ka pa with your family!"

Nagkibit ito ng balikat. "Maaga pa."

Nakagat ni Arisa ang ibabang labi. She did not know what to say to him. Sa chat, ang daldal niya pero ngayong kaharap na niya si Exis, parang umurong ang dila niya. Napangiwi siya. Halos lahat yata ng kahihiyang nagawa niya, nakuwento na niya kay Exis. Ano pang mukha ang ihaharap niya dito?

Yumukyok siya sa mesa.

"What's wrong?" narinig niyang tanong ni Exis.

Umungol lang siya bilang sagot.

Naramdaman ni Arisa ang pagpatong ng palad nito sa ulo niya. Naramdaman din ni Arisa ang paghaplos nito sa buhok niya.

"What's wrong, Arisa?"

Shuta. Ang sarap pakinggan ng pangalan niya mula sa mga labi nito.

"Nahihiya ako sa 'yo," sagot ni Arisa.

"Bakit?"

"Nakakahiya 'yong mga kuwento ko sa 'yo sa chat!"

"Like your Valentine LBM?"

Umangat ang mukha ni Arisa saka tiningnan nang masama si Exis. "Don't remind me! Argh! Bakit ko ba kasi 'yon kinuwento pa?!"

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon