Day 7

18K 770 286
                                    

3:45 AM

Matagal ko nang gustong magkaron ng kuya.

Hindi kaya ikaw ang kuyang matagal ko nang hinihingi kay Lord?!

Kuya Exis!!

Ahahahaha

Tulog ka na po?

Sabagay may work ka pala, Engineer.

Anong engineer ka pala?

Computer? Mechanical? Electrical? Civil?

4:32 AM

Naalala mo ba 'yung nag-post ako ng picture ng mangas na binili ko?

Jusmeh kung nakalimutan mo inom ka nang memo plus gold! Nung Saturday ko lang kinuwento 'yon!

May katalinuhan kasi akong ginawa nun. Chika ko sayo.

Kami lang kasi ng pamangkin ko pumasok sa Fully Booked, naiwan sa labas ate ko kasi may bitbit siya.

Punta kami ng pamangkin ko sa manga section. Nakita ko agad 'yung dalawang manga na 'yun (Fairy Tail and Kiss Him, Not Me). Gusto ko talagang bilhin!!!! Kaya lang 300php lang cash ko 😞

Nasa ate ko 'yong another 300php. Kulang pa rin pera ko!! 480php kasi each manga huhu

Eh ayokong iwan 'yung manga kasi baka pagbalik ko wala na o may kumuha na. So ginawa ko, tinago ko sa likuran ng mga magazine 'yung dalawang manga. Ahahahhahaah

Ang talino ko no? 😁😏

Sabi ko, "Babalikan ko kayo, guys. Hintayin niyo ako."

Alam mo, Exis, na-realize ko na hindi man ako nahintay ni Lex, may ibang maghihintay sa 'kin.

Kasi after namin kumain nila ate, nag-withdraw ako ng 400php tapos pagbalik namin sa Fully Booked, nandun pa rin 'yung dalawang manga sa pinagtaguan ko.

Ahahahahaha

Naghintay sila.

Hindi nila ako iniwan, sinaktan, o pinaasa.

#MayForever

Ayon.

Goodnight!

Good morning pag nabasa mo 'to. Ahehe!

Seen, 6:03 AM

Alexis Ran: Ang daldal mo talaga.

Seen, 1:03 PM

1:04 PM

Sa dinami-rami ng sinabi at tinanong ko, 'yan lang reply mo?

Ikaw na talaga si Exis! Akala ko pa naman close na tayo 😞😅

Ahahahaha

Good afternoon.

Kaen. Sarap ulam ko. Pancit canton.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon