Day 9

18.5K 816 431
                                    

1:35 AM

Alexis Ran: Kapag nag-PM sayo si Wade, wag mong sagutin.

Yes, sir!

Di naman ako nakikipag-chat sa stranger 😱

Alexis Ran: Kaya pala kinukulit mo ako.

Iba ka naman eh.

Hindi ka stranger.

Alien ka.

Ahahahahahaahahaa!

Seen, 1:40 AM

Alexis Ran: Night.

SUSMARYOSEP SI WADE KA BA?!

Bakit may "Night?!"

What's happening?!

Alexis Ran: Bwisit.

Alexis Ran: Di talaga lilipas ang araw na di mo ako binubwisit.

Ahahahahaha

Sorry na.

Good night, Exis 😊☺️

Seen, 1:45 AM

4:43 AM

Bakit kaya kung sino pa 'yung taong mahal na mahal natin, sila pa 'yung mananakit sa 'tin ng sobra?

Binigay mo na nga lahat sa kanya. Ginawa mo na lahat para sa kanya. Tapos nagawa pa rin nilang saktan tayo.

Nasa ending na kasi ako nang sinusulat kong nobela kaya ako nakaramdam ng ganito.

Alam mo ba, sa bawat nobelang sinusulat ko, naglalagay ako ng isang bahagi ng puso ko, ng pagkatao ko, ng buhay ko.

'Yung mga "should have been," "could have been," "what if's," nilalagay ko sa nobela.

Unlike kasi sa totoong buhay, sa nobela, kapag nagkamali 'yung characters, puwede mong gawan ng paraan para umayos.

Sa tunay na buhay, puwede rin. Pero hindi ganun kadali. Minsan para umayos, kailangan mo na lang eh closure. Tanggapin na maglalakad na kayo palayo sa isa't isa.

#MadalingArawBlues

💔💔💔💔💔

Seen, 5:00 AM

5:01 AM

Alexis Ran: Morning.

Hanep ka talaga! Idol na kita AHAHAHA

Nagda-drama ako tapos ang sasabihin mo lang "Morning."

Tapos first time ever mo akong binati ng "Morning." Huhuhu

Kanina "Night." Ngayon, "Morning."

Nagbibinata na si baby boy! Ahahaha next time lagyan mo na ng "good" ha!

Good morning! 😁😊

Alexis Ran: Ang aga-aga nambubuwisit ka, Merry Arisa.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon