Day 5

19.4K 954 395
                                    

3:00 AM

Alam mo minsan pakiramdam ko aping-api ako.

Kagaya ngayon. Nag-PM kasi pinsan ko. Eng-eng din 'yun eh. Gising pa kahit madaling-araw na tapos mukhang zombie pagpasok sa school.

Mabalik tayo sa original kong sasabihin.

Alam mo ba 'yung larong Color Switch? Search mo sa app store! Dali.

So ayun. Nagpapataasan kasi kami dun ng score kasama ng iba kong pinsan pati mga ate ko. Ako high score nung una. 35. HAH!! Ano sila ngayon.

Kaya lang etong pinsan ko, naabutan ako!! 😡😡 45 na high score niya.

Syempre sinabi ko sa kanya, "Hindi ka ba natutulog?!"

Sagot niya, "Hehe! Sabi ko kasi last game na tapos hindi ko matantanan."

Reply ko sa kanya, "Ganyan talaga eh. Kahit ilang beses mong sabihin sa sarili mo na ayaw mo na, hindi mo naman mapigilan ang puso't isip mong isipin at mahalin pa rin siya."

Aba sagot ba naman ng pinsan ko eh tumataginting na LECHE!! Ang sama!

Alexis Ran: Puro ka pagmamahal.

Syempre! The world will become a sad place if there's no love in it.

I, thank you.

Alexis Ran: Matulog ka na lang.

Tinatapos ko lang 'tong isang chapter. Eh ikaw? Bakit gising ka pa?

Alexis Ran: Naalimpungatan.

Sorry. Wag mo kasi ako masyadong pakaisipin.

Ahahahaha

Alexis Ran: Bwisit.

Wag ka na mabuwisit. Lalo kang magmumukhang matanda. Ahahaha

Ocia. Tulog ka na baby boy. May pasok ka pa mamaya.

Sweetdreams!

Alexis Ran: Wtf Merry Arisa!

Sshh! Tulog na baby boy. May gagawin pa ako.

Alexis Ran: Stop calling me baby boy!

Seen, 3:35 PM

Alexis Ran: Bwisit talaga.

2:05 PM

Good morning!

Good afternoon pala. Kagigising ko lang eh.

Kaen tayo!

5:35 PM

Sakit sa puso nitong sinusulat ko. Huhu damayan mo ko, Exis!

Masaktan ka rin!

7:35 PM

JUSKOH EXIS!!

SI LACUS!!!

*LAXUS

HUHUHU AKALA KO HUHUHU BASAHIN MO NA UPDATE NG FAIRY TAIL!

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon