Day 17

16.3K 943 728
                                    

2:03 PM

Exis.

Mamamatay na ata ako huhuhu

Hindi ganito kasakit ulo ko nung last time na naglasing ako

😭😭😭😭😭

Gaaahd. Stop the pain! 😞😞

Seen, 2:06 PM

Alexis Ran: Kasalanan mo yan.

Alexis Ran: Uminom kang lomotil.

Ahahahh bwisit wag mo kong patawanin, masakit.

Alexis Ran: What happened?

Argh!

Pinagalitan ako nila mama at papa.

Bakit daw ako naglalasing sa bar kung pwede naman sa bahay.

Bah. Ewan ko rin. Ahahahahah

Alexis Ran: Anong nangyari kagabi?

Hindi ko masyadong maalala 😞😞

Isa pa 'yon sa kinagagalit ni mama. Kung hindi raw may naghatid sakin, baka kung saan na ako napunta.

Alexis Ran: Sino naghatid sayo?

Soulmate ko siguro

AHAHAHAHAHAHA

Ang tanga ko kagabi Exis. Ngayon ko na-realize na kabobohan ginawa ko. Huhu

May naghatid daw sa 'king lalaki kagabi sabi nila mama. Naka-shades daw then pagkahatid sa 'kin umalis din agad. Matangkad. Naka-pormal. Van yata pangalan? Di rin naintindihan nila mama kasi nag-alala na sila sa 'kin 😔

Hindi ko maalala nangyari pati hitsura nung lalaki. Huhu naalala ko lang amoy niya. Mabango 😅

Sinuotan pa nga akong jacket nung lalaki. 'Yung jacket na formal ha. Andito pa nga 'yong jacket sa 'kin. Ang bango. Joke! Ahahaha

Juskoh. What if bad guy 'yon? Tapos wala akong malay kasi lasing ako. Huhu.

Hindi na ako uulit! Kagaya ng sabi mo, hindi nga advisable na uminom o mag-bar mag-isa.

Buti na lang mukhang matino 'yong lalaki at hinatid ako pauwi. Gusto ko ngang mag-thank you kaya lang di ko siya kilala 😞😔

Seen, 2:28 PM

Alexis Ran: Bakit ba?

Hmm?

Alexis Ran: Bakit ka naglasing?

Later, Exis.

Sesermunan daw muna ako nila papa 😱

Seen, 2:35 PM

3:03 PM

Huhuhuhu I'm already twenty-two years old pero grounded pa rin ako 😭😭😭😭😭

Alexis Ran: Dapat lang.

Maki-sympathize ka naman sa 'kin!

Alexis Ran: You've been stupid yesterday.

Never Ever After (Ekis Babies #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon