9. Romantic Night

Start from the beginning
                                    

I saw James smiling from ear to ear. Binatukan ko nga. Napakamot lang siya. "Ang saya natin ah?"

Tumingin siya sa akin at kumindat. Putek! Mud! Makalag-lag panty ang bruho. Namula na naman ako. "I like the fiercer Trina. It makes me so turned on."

Nanlaki ang mata ko sa sinabi niya. Umakyat na lahat ng dugo ko sa mukha. How can he be so blunt? Dahil sainis ko ay sinapak ko siya ng malakas sa braso niya. Shocks!

"Bwisit ka! Ang manyak manyak mo." Sigaw ko sa kanya habang hinahampas siya. Siya naman ay tatawa-tawa lang kaya lalo akong nainis.

"Shit!" Napatigil ako sa pag-hampas sa kanya nung narinig ko siyang magmura at itinigil iyong sasakyan. Napaliko kasi ito bigla na para bang may iniwasan para hindi mabunggo. "Stop, Trina. Hindi pa kita nagiging girlfriend, baka madisggrasya tayo dito."

Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Ang naintindihan ko lang sa sinabi niya ay 'Stop, Trina' and the other ay hindi na dahil pabulong iyon. Hindi ko na lang binigyang pansin. Inirapan ko siya at umayos na ako sa upo.

Narinig ko siyang bumuntong hininga at nagdrive na siya ulit. May mga binubulong pa siya pero hindi ko na maintindihan yung iba dahil sobrang hina ng boses niya. Bulong nga diba?

"San ba tayo pupunta?" Pagtataray ko.

"Magpapalamig tayo, Manager."

 He's still looking at the road while smiling sheepishly. Damn!

Pinagsawalang bahala ko na lang. Nilibang ko na lang sarili ko sa pagsasaulo ng mga plate number ng mga dumadaang sasakyan. I don't know whats in me why I did that or why I let him travel me, kiss me. And why should I reacting that way. Or why I kisses him back when he kisses me. Ito na ba yung tinatawag ni Vasha na bugso ng damdamin?

Tumigil kami sa isang matayog na building. If I was right, Ito yung Triumphant Condominium Building. Pag-aari din ng mga Dela Fuente.

I opened the car.

"Wait!"

Nagulat ako ng biglang sumigaw si James. "Pasok ka ulit." Pinapasok niya ako. He's weird. So ako umupo naman. Sinasakyan ko na lang trip ng lalaking to. Binuksan niya ulit at nilahad niya kamay sa akin. I looked at his hand and to his face questioningly. "Nangangawit na ako manager." Namula yung mukha niya sa hindi ko alam na dahilan, "Look, Im trying to be ge---"

I cut him off. "Oo na Boss kong gentleman." I said with sarcasm as I took his hand. He just laugh. Mukha talaga siyang masaya ngayon. Nasayahan ba siya sa pang-aasar sa akin?

He guided me to the elevator. Hawak niya yung kamay ko. Relax lang ako but deep inside, nagsisimula na naman ang drummers sa puso ko sa pagtugtug. I tried to get my hands off of pero hinigpitan lang niya iton.

"Boss, nawiwili ka na sa kakahawak sa kamay ko ah." Sinabi ko habang tinataas yung kamay naming dalawa. Tumawa lang siya kaya binalewala ko na lang.

Bumukas yung elevator. The whole floor has yellow hue which I found very alluring. I'm so amazed. Every room has its painting of different exotic filipino foods like daing, tuyo, dilis and even kamote tops. Ang galing lang! The floor itself is color yellow, too. I like to live here na. Para lang a--- "Ay! malaswang dilaw!" Para akong nauntog sa pader. We'll its James's back.

"I assume that you are enjoying the whole floor?" May ngisi sa labi niya.

"Yes!" I answered giggling. "Ang ganda ganda." I said with matching clapping of hands pa. He just shrugged. He swiped the card and open the door. It is when I realize that we are in his condo unit. Anong ginagawa namin dito?

Ends With A BetWhere stories live. Discover now