Sumandok akong muli sa lugaw at isinubi iyon sa nakabukang bibig n'ya. Halos mabilaukan s'ya dahil doon pero agad din s'yang naka-recover.

"May sakit ka ba? Biglang bumalik 'yong ugali mo?"

Inirapan ko na lamang s'ya at nagpatuloy na muli sa pag-kain. Sinubuan ko na lang din s'ya kahit na sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. Paano ba malulunasan 'tong nakakainis na sakit ng puso ko?

"Huwag ka na munang pumasok sa school. You look like a mess." Sabi ko pagkatapos naming kumain at inililigpit ko na ang tupperwear.

"Ikaw?"

Nag angat ako ng tingin sa kanya at tumango. "Papasok ako, wala namang ibang problema sa akin. Isa pa, sigurado akong na-kicked out na si Jayson."

Inayos ko na ang sarili ko. Naka-pajama pa ako at malaking damit. Without any make up. Sanay naman kasi ako na ganito ang itsura. Kahit nga makarating yata ako sa palengke na nakaganito.

"Uuwi na ako, maliligo pa ako."

Kinuskos n'ya ang ilong n'ya at nangunot ang noo. "Kaya pala ang baho, hindi ka pa pala naliligo."

Pinanlakihan ko s'ya ng mga mata.

"What? Hindi ako mabaho 'no!"

Tinawanan n'ya ako at tumayo saka lumapit sa akin. Bigla tuloy akong na-conscious sa amoy ko! Ano bang problema ng lalaking 'to? Balak na naman yata akong asarin.

Sininghot n'ya ang amoy ko at bigla s'yang napatakip sa ilong n'ya. Lumaki ang mga mata ko at hinampas s'ya sa balikat.

"Grabe ka ha! Hindi naman ako mabaho!" Inis na sabi ko sa kanya. "Ikaw rin naman hindi pa naliligo, ah!"

Tinaas n'ya ang kamay n'ya at ipinakita ang kili kili n'yang may mumunting balahibo. Mandidiri sana ako kaya lang bakit parang ang sexy n'yang tingnan? Diyos ko...

"Here, amuyin mo kung may maaamoy ka."

Lumayo agad ako sa kanya at madaling binuksan ang pinto sa likod ng bahay nila. Nakakahiyang dumaan doon sa restaurant nila. Alam kong may mga kumakain na doon.

"Hoy! Amuyin mo muna!" Pang aasar pa n'ya.

"Tse!"

Nagtatakbo na ako palabas ng kwarto nila at dumiretso pabalik sa bahay. Iiling iling na pumasok ako sa bahay at naabutan si kuya at lola na kumakain na ng lugaw.

"Oh, saan ka galing?" Tanong ni kuya.

"Kila Uno, dinalhan ko ng lugaw saka nagpasalamat at nag-sorry na ako as you want me to do."

Tumango s'ya at napangiti.

"I see, kumain ka na ba?"

Tumango ako at nagmamadaling umakyat na sa hagdan. Hindi ko alam kung anong oras na pero I bet kung hindi pa ako kikilos ay mali-late na ako.

Tama nga ako nang makarating ako sa classroom ay sakto lang ako sa oras. Umupo ako sa tabi ni Madeline na ngayon ay puno ng tanong ang mga mata n'yang nakatingin sa akin.

"Marami akong tanong mamaya." Mataman n'yang sabi. Magsasalita pa nga sana s'ya kaya lang ay pumasok na si sir Dulce.

Pagkatapos ng klase ay nagpasya kaming lahat na magpunta sa bakanteng apartment na pagmamay-ari ni mommy at daddy. Ito 'yong apartment na palagi naming pinupuntahan sa tuwing mag iinuman kami.

"Si Jamila, hindi na nagkukwento sa'tin 'yan, eh." sabi ni Harold habang naglalakad kami.

Nagpasya kaming maglakad na lamang dahil na-miss namin iyon. Nakahawak si Mikaela sa akin habang si Harold at Cash ay sabay na naglalakad. Nauuna si Madeline at Shivan sa paglalakad. Nararamdaman ko naman at kitang kita ko na may kung anong namumuo sa kanila pero hinahayaan ko na lamang dahil wala akong magawa. Halatang gusto rin naman kasi ni Madeline si Shivan. Noong nakaraang linggo lang ay nalaman ni Madeline na may ibang babae pala si Harvey kay binasted n'ya agad ito.

Undeniable FeelingsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon