CHAPTER 6: Kahit Sandali Lang

Start from the beginning
                                    

"If I can't stop you, dadamayan nalang kita." Sabi nito habang nakamasid din sa dagat.

Ang tanging maririnig lang ay ang hindi gaanong malakas na tutog mula sa Party. HInigop ko ang alak na kinuha ko, gumuhit ang matinding pait sa lalamunan ko. Kamuntikan pa akong mapaubo nang higupin iyon. Nang malaon ay nasana'y na ako sa lasa n'on. Nang sa tingin ko ay mauubos ko na iyon, nakaramdam ako na ako ng hilo. Pero, hindi pa rin mawala sa isip ko si Dylan. Bakit? Utak ko lang at ang gustong makalimot. Hindi ang puso ko.

Si Skyler, naiintindihan niya talaga ako. Nagi-guilty tuloy ako na sinaktan ko siya.

"Skyler, I— Can you—" Huminga ako ng malalim at nilingon ito. "..forgive me."

Nilingon din niya ako. Lalong umangat ang kagwapuhan nito dahil sa pagtama ng liwanag ng buwan sa mukha nito. "Bakit? Ano ba ang kasalanan mo sakin?"

Nag-iwas ako ng tingin. Paano ko ba ito sisimulan? Its now or never. "That I broke our promise? Hindi kita nahintay. Nagmahal ako ng iba."

"It's okay. Tingin ko ay iyon ang naging karma ko dahil nakipag-flirt ako sa ibang babae sa States. I was young and stupid. I want to apologize to you, pero na-block mo na ako sa halos lahat ng website na meron ka." Huminga ito ng malalim. "Your existence is precious to me, Luna. I still love you. Luna, kung maibabalik ko lang ang oras at hindi ko ginawa ang mga iyon, siguro ay ako na ang pinakasalanan mo."

Lumayo ito sa akin saka sinakop ng mga kamay nito ang mukha ko. Nakita ko na naman ang mata niya na puno ng kalungkutan.

"Me too, Sky.. I wish I could love you back." Niyakap ko ito ng mahigpit. Tumulo ang luha ko nang yakapin niya ako pabalik.

I wish I could.

--------

SKYLER MADRIGAL

Hinaplos ko ang pisngi ni Luna. Nahiga ito sa buhangin samantalang ang ulo nito ay nakapatong sa hita ko kaya malaya kong naagmamasdan ang malaanghel nitong mukha. Kilala ko ang kakambal niya, si Camille. Hindi sila magkatulad na dalawa kahit na kambal sila. Mababasa mo sa awra nila kung sino si Camille at Luna. Si Camille ay mahilig magsuot ng mga mahahalay na damit, matapang din ang mukha nito na parang palagi nang mamaliit ng tao. Samantalang si Luna ay matitinong damit ang sinusuot, at walang bakas ang mukha nito ng katapangan. Kung pagmamasdan mo si Luna, para siyang nawawalang tuta sa gubat. Parang kapag hinawakan mo siya, iiyak na siya. She's fragile.

Makikita mo rin kung gaano niya kamahal ang tatay niya kahit na ganoon ang trato nito sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit sa mata ni Mr. Garcia ay si Camille ang pinakamabait na anak nito. Sa haba ng panahon na nakasama ko si Luna, nakikita ko lang ang saya sa mga mata niya kapag pinupuri siya ng Tita niya, Si Tita Vivian o 'di kaya'y nahahawakan niya ang laruan ni Camille na bigay ng Papa niya.

Yumuko ako saka hinalikan ito sa noo.

"Me too, Babe. I wish you could love me back." Pumikit ako at inalala ang araw na kausap nito ang sarili.

Kahit na highschool palang kami n'un, tinatak ko na isip ko na siya ang babaeng pakakasalan ko. At kapag nakabalik na ako dito, aangkinin kong muli siya.

Huminga ako ng malalim saka dumilat. Ibinaba ako ang tingin ko kay Luna ng gumalaw ito at tumagilid. Inayos ko ang buhok na tumabing sa mukha niya. Namutla ako nang mapansin ang namumulang marka sa leeg nito. Yumuko pa ako para lang makita ng lapitan iyon. Shit! Am I too late?!

"Get your hands off my wife, Madrigal!" Napalingon ako sa taong nagmamay-ari ng ma-awtoridad na boses na iyon. Nakitang kong papalapit sa gawi namin si Dylan. Mabilis ang paglakad nito. Dahan-dahan kong tinaas ang ulo ni Luna saka ibinaba iyon sa scarf na binilot ko para maging unan. Nang makatayo na ako ay hinigit ni Dylan ang kuwelyo ng damit ko. Mabalasik ang mukha nito. "Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?"

Wife? The nerve! Ni hindi nga niya suot ang wedding ring nila, e. Samantalang si Luna ay palaging suot iyon.

Ngumiti ako ng nakakaloko. "Sana narinig ni Luna kung paano mo sabihin na asawa mo siya. She'll be happy to hear that."

Marahas akong binitawan nito. "Ano ang gusto mong iparating? Na hindi siya masaya sa piling ko?"

Pinamulsa ko ang dalawa kong kamay sa suot kong khaki shorts. "Kailangan ko pa bang ipamukha sa'yo, Reyes? Sa tingin ko kasi, hindi na. Alam mo na ang sagot."

Kung masaya si Luna sa piling niya, hindi sana siya iinom ng alak ngayon para lang makalimot. Kung masaya si Luna, tunay na ngiti niya ang ipapakita niya at hindi yung peke.

"Wala kang alam, Madrigal. Hindi mo alam kung—"

"Hindi ko na kailangan pang malaman, Reyes. Mas una kong nakilala si Luna." Putol ko sa sasabihin nito. Tiningnan ko si Luna habang payapang natutulog ito. "Nakikita ko sa mukha niya ang pahihirap. At kapag sumuko na siya sayo.." Matalim kong tiningnan si Dylan. "..Ako ang sasalo sa kanya."

Wala siyang karapatang saktan ang babaeng mahal ko.

Nagpalitan kami ng matatalim na tingin sa isa't-isa. Nakayukom ang kamao naming dalawa. Hindi ko na hahayaang maging malungkot si Luna. Aba, puta! Mahal na mahal ko ang babaeng tinatrato niya na parang wala lang. Mabait si Luna, karapat-dapat siya sa isang taong hinding-hindi siya sasaktan.

Bakit ba kasi, hindi nalang ako Luna? Ako nalang.

Nakita kong papalapit sa kinaroroonan namin sila Trey. Marami na palang nanonood sa aming mga bisita. Marami na kaming nahatak na atensyon. "Easy lang tayo, P're. 'Wag nating sirain ang party ni Mama."

Hindi pinansin ni Dylan ang sinabi ni Trey. Naglakad lang ito papunta sa gawi ni Luna. Walang sabing binuhat niya iyon.

Ako dapat ang gumagawa n'un kay Luna. Ako dapat ang kasama ni Luna ngayon. Pinipigilan ko ang aking sarili sapakin si Dylan dahil alam kong kapag ginawa ko iyon at nalaman nitong ako ang may gawa n'un ay kasusuklaman niya ako. Natatakot akong baka magalit sa akin si Luna at layuan ako. Hindi ko na kaya pang malayo sa kanya. Marami na akong nasakrispisyo para sa kanya.

Ang tanging nagawa ko lang ngayon ay ang tingnan ito habang buhat ni Dylan. Papunta ito sa direksyon ng kinaroroonan ng hotel. Naramdaman ko ang kamay ni Trey na humawak sa balikat ko.

-----

DYLAN CADEN REYES

Agad kong pumasok sa elevator pagbukas niyon. Tiningnan ko ang babaeng buhat-buhat ko ngayon. Huminga ako ng malalim. Hindi ko na alam kung ano ang gagawin ko sa kanya. Tumingala ako at pinagmasdan ang pag-iiba ng numero sa itaas ng elevator. Hindi ko alam pero, gustong-gusto kong nasa bisig ko siya.

"Dylan.." Ungol nito. Parang may kung anong mainit na kamay ang humaplos sa puso ko. "I.. wuv.. you.."

Hindi ko dapat maramdaman ito. Kinamumuhian ko ang babaeng ito. Ano pa ba ang dapat kong gawin para lang mawala ang nararamdaman niya sa akin? Ang gusto ko ay kamuhian niya rin ako, gusto kong mawala ang pagmamahal niya sa akin. Mahal ko si Camille. Siya lang ang sineryoso ko ng ganito kaya hindi ko matanggap na iniwan niya ako. Ayos lang sana kahit na iwan nalang niya ako nung kasal namin o tumakbo siya, mahahanap ko naman siya e. Kaso— Shit! Bakit kailangan niya pa akong itali sa kakambal niya.

Ang hindi ko maintindihan ay nakakaramdam ako ng inis kapag may kasama siyang iba. Parang gusto kong sapakin yung lalaki na lalapit sa kanya.

Hinalikan ko ito sa noo.

"My walls already has a crack because of you, Luna."

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now