CHAPTER 6: Kahit Sandali Lang

Start from the beginning
                                    

Isa siguro iyon sa mga ginawang party ni Tita. Bigla ko tuloy naalala na, inimbitahan nga pala kami ni Tita doon. Agad kong isinara ang kurtina at saka nagsimulang magbihis. Nag-shorts nalang ako at white sleeveless shirt saka lumabas ng kwarto. Dahan-dahan kong sinara ang pinto para hindi magising si Dylan. Nakahiga ito sa sofabed. Pumasok ulit ako ng kwarto at kinuha ang kumot. Dahan-dahan kong sinarado ang pinto atsaka pumunta sa kinaroroonan ni Dylan. Kinumutan ko ito, mabuti nalang at hindi siya nagising.

Umupo ako sa harap nito saka tahimik na tinititigan ang payapang mukha nito. Ngayon ko nalang natitigan ng ganito si Dylan. Ngayon ko lang nalaman na mahaba pala talaga ang pilik-mata nita. Ang mapupulang labi nito na dumampi sa labi ko kanina.

Sana dumating yung araw na mahalin mo rin ako. Ako na siguro ang pinakamasayang tao kapag nangyari iyon.

Napangiti ako ng mapait. Hindi naman masama kung hihiling ako diba? Tumayo na ako. Hindi ko na siya gigisingin. Ako nalang ang magpapakita kay Tita, sasabihin ko nalang na tulog si Dylan. Maiintidihan naman niya ako.

Saka gusto ko ring makalimot ngayon. Parang gusto kong uminom, maglasing. Parang gusto kong maranasan kung paano yung walang iniintinding problema. Nakipagsiksikan ako sa mga tao para hanapin sila Trey. Nakita ko ito, kasama si.. Skyler. HUminga ako ng malalim bago lumapit sa gawi nila. Ngumiti si Trey nang makita akong palapit.

"Cousin! Bakit parang wala si hubby mo?" Inakbayan niya ako. "LQ?"

Umiling ako saka ngumiti. "Nakatulog siya. Hinayaan ko muna. Baka mamaya, nandito na iyon."

"Okay! Party na, Cous!" Sigaw nito. Binitiwan niya ako saka inakbayan yung isang babaeng naglakad sa harapan namin. Binaba nito ang beer sa lamesa saka dinala ang babae sa dance floor. Hindi man lang nagreklamo ang babae sa ginawa ni Trey. Napailing ako sa ginawa ni Trey. Boys are boys. Nakita ko naman agad si Kristian, may kasayaw din itong babae. Nakatingala ito habang sumisigaw. Mukhang nag-e-enjoy sila.

Naiwan kami si Skyler dito. Huminga ako na malalim.

"Gusto mo ng makakausap?" Narinig kong sabi ni Skyler. Napatingin ako sa kanya. Sumalubong sa akin ang malatsokolateng mata nito na kapag tiningnan ka ay tagus-tagusan. Parang kapag sa oras na tininingnan mo ang mga mata nito ay wala ka ng magagawa kundi sumunod sa mga utos niya. May hawak itong sa ka kaliwang kamay at inaalog ang laman niyon.

"Kilalang-kilala mo talaga ako, 'no?" Nakangiti kong sabi. Pero alam kong nahalata niyang peke iyon. Ilang taon rin kaming nagkasama ni Skyler. Alam kong kilalang-kilala niya ako kapag may problema ako. "Pero, isa lang ang gusto ko makausap. Alak."

Tumaas ang isang kilay nito. "Hindi ka umiinom, Luna."

Tumawa ako ng pagak. "Paano mo nalaman? Ilang taon na ang lumipas, Skyler Madrigal."

"Luna—"

Tinaas ko ang isang kamay ko para patigilin ito sa sasabihin. Yumuko ako at saka kumuha ng beer sa cooler na nasa gilid nito. May mga coolers kasi ang nagkalat sa paligid. Wala naman kasing booth na inilagay dito dahil open area ito. My iba't-ibang alak sa loob n'un. Pero ang pinili ko lang ay yung mild.

Pagkakuha ko n'un ay naglakad ako patungo sa lugar na wala masyadong tao. Nakahanap na ako. Hindi iyon gaanong malayo sa ginaganapan ng party. Ayos na d'on. Nang makahanap ako ng puwesto ay umupo ako sa buhangin. Naramdaman ko ang lamig ang pino ng buhangin sa mga hita ko. Binuksan ko yung beer saka payapang pinanuod ang alon sa dagat.

Gusto kong makalimot. Kahit sandali lang. Sandaling-sandali lang.

Naramdaman kong may tumabi sa akin. Hindi ko na nilingon iyon dahil alam ko ng si Skyler iyon.

MARRIED BY MISTAKE (COMPLETED)Where stories live. Discover now