Elmo's POV:

"Wala pa rin?" Kunot noong tanong sa akin ni Arkin habang patuloy kong dina-dial ang number ni Joanna pero wala pa rin talagang sumasagot. Nakabalik na kami sa Zambales at si Julie naman ay nagpapahinga.

"Wala" I replied. I tried to dial it again but this time, cannot be reached na. Pinatay na siguro. "Damn!" Inis kong sabi at sinipa ang upuan. Napasapo sa ulo niya si Arkin.

"Oh God please don't let anything bad happen to her" I hear him whisper. "Sasabihin ba natin na ang Daddy nga nina Ate Julie ang may gawa ng sunog?"

"We can't do that, Ark. Kailangan muna natin ng proof, and the only way to get it is for Joanna to answer my calls!" Napahilamos ako ng aking kamay. "For now, we have to take good care of Julie. Kung kinakailangang lumipat muna tayo, gagawin natin. Remember, alam ni Chantal ang lugar na ito. Hindi tayo puwedeng makampante"

"I think that's a good idea, Kuya. Pero we need to consult Mom and Tita Ivic first"

"Of course" I said and immediately dialled Mom's number.

Maghahapunan na nang bumaba si Julie. Ang payat na niya talaga and kita sa mukha na pagod siya. Inalalayan ko siya patungong dining table.

"Moe, I'm fine. Hindi ako baldado" biro niya. She smiled... but it didn't reached her eyes.

"Shhh, just eat. Damihan mo ha kung hindi malilintikan ka sa akin!" Untag ko sa kaniya at nilagyan ng maraming kanin at ulam ang plato niya.

Tahimik siyang nagsimulang kumain habang nakatingin ako sa kaniya. Sanay na iyan sa akin kaya hindi na iyan maasiwa na nakatingin ako sa kaniya habang nakain siya.

"Lilipat muna tayo for now, Juls" panimula ko.

Napatigil siya sa pagkain at napatingin sa akin.

"Mahirap na. Alam ni Chantal ang lugar na ito. Baka kung ano ring gawin niya sa iyo. Mabuti nang sigurado, Julie" tahimik lang siya. "Bukas na bukas rin tayo aalis dito. Gusto ko na sana ngayon kaya lang nahirapan akong makahanap nang malilipatan"

Nakita kong nagu-unahan sa pagtulo ang luha niya. Bigla ko siyang niyakap. Hindi ko maatim na nakikita siyang umiiyak. "Bakit, Julie? H—hey, stop crying. I'm here, I'm here" paga-alo ko sa kaniya.

"P..pasensiya ka na ha? Masiyado na kaming pabigat. Pati kayo nadadamay at nahihirapan sa sitwasiyon namin. Sa totoo lang, hiyang hiya na ako. Sorry, Elmo kung nahihirapan ka ha? Sorry kung napapagod ka..."

"Shh, hey don't say that! Hindi na kayo iba sa amin at tama lang na tulungan naming kayo. After all your mom and my mom are good friends. At saka don't ever think na pabigat kayo sa akin, kasi gagawin ko talaga ang lahat ng kaya ko maprotektahan ka lang" I told her and hugged her tightly. I just let her burst her tears. Maya maya nahimasmasan rin siya and I made her drink a lot of water. Nawalan na rin siya ng gana kumain kaya naki-usap siyang magpapahinga na lang muna. Hindi sana ako papaya kasi matutulog nanaman siyang kaunti ang laman ng tiyan pero I can really see na she's really tired kaya hinayaan ko na and she promised me that she will eat well tomorrow morning.

Nag half bath muna ako at saka pumasok sa kwarto ni Julie. Nakita ko siyang mahimbing na natutulog sa kama niya. I smiled and kissed her forehead. Naglagay ako ng extra foam bed sa sahig at saka nahiga at hindi namalayang nakatulog na rin.

Good night, Julie. You're safe with me, I'm assuring you.

Julie's POV:

I woke up early. Puro tulog na lang kasi ata ang ginawa ko. Umupo muna ako at sumandal sa head board ng kama at napansin ang extra foam bed sa sahig. Dumungaw ako at nakita ko ang natutulog na si Elmo. I smiled. Seryoso talaga siyang po-protektahan niya ko. I'm so lucky to have them, Ninang Pia, Elmo, and Arkin in my life. I texted my mom a good morning message and nagdahan dahang tumayo para magtooth brush at maghilamos. Ginising ko rin si Elmo pag tapos.

"Moe, hey. Gising na" I told him but he just moaned and humarap sa kabilang side. "Uy" I whispered softly.

Nang wala talaga siyang balak bumango ay pumatong ako sa kaniya but wait not really nakapatong, nakatapat lang iyong body ko sa body niya habang nakasupport iyong braso ko sa foam bed, iyong posisyon ko ay parang nagco-crawl.

"Psssst"

Naalimpungatan ata siya kasi bigla siyang dumilat tapos mapula iyong mata niya tapos bigla niya akong nahila kaya bumagsak iyong braso ko dahilan para bumagsak rin iyong katawan ko sa katawan niya. Shit! This is embarrassing.

Matagal kaming nagtitigan. Mukhang wala pa nga siya sa wisyo. Babangon na sana ako nang higpitan niya ang yakap niya sa akin at muling pumikit. Sabi sa inyo wala pa ito sa wisyo eh. Itinagilid ko na lang iyong katawan naming, bali naka higa na rin ako sa kama habang magkatapat kami sa isa't isa at nakayakap pa rin siya. Magsa-sampung minuto ko nang tinititigan ang mukha niya. Words can't explain how thankful I am for having him. Medyo hindi lang maganda iyong pagkakakilala namin pero ngayon nag-iba na. I can't help but to admire every part of his face. Yumakap na rin ako sa kaniya.

"Thank you, Elmo. Thank you" I whispered.

Maaga pa naman at medyo inaantok pa ako kaya hindi ko namalayang nakatulog ulit ako sa ganoong puwesto.

365 Days With You (JuliElmo)Where stories live. Discover now