3: Via

68 4 0
                                    

Alli's POV



"Saan daw gaganapin 'yung shooting?" Inis na tanong ko sa kabilang linya. Nakakairita, wala nanaman akong pahinga. 'Yung imbis na nagrerelax ako ngayon, bigla namang eepal 'yung shooting. Tss. "Sa palengke.." At mas nagulat ako sa venue ng shooting namin.



What?! Palengke?! This is bullshit. "Are you serious?! Palengke?! Like yuck!" Sigaw ko. At feeling ko halos mabingi na 'yung kausap ko sa telepono dahil sa sobrang sigaw ko. Sobrang nakakadiri. Ambaho baho dun, maingay at nandun pa ang mga cheap na tao. Feeling ko talaga eto na 'yung pinakaworst day ko sa buong buhay ko, tss.



"Yun po talaga 'yung napag-usapan namin matagal na.. At pumayag naman po 'yung Dad niyo." Sabi nito kaya mas lalo akong nanggigil. Ang kakapal, nagdedesisyon sila without knowing kung papayag ba ako o hindi. Like wtf, ako 'yung gaganap dito. Pwede akong hindi sumipot kung gusto ko. Dahil pinaka-ayoko sa lahat ay 'yung pabigla bigla. Tss.



"Syempre, papayag 'yun! Kasi gusto niya 'yung nakakasama sakin, eh!" Inis na sabi ko. Totoo naman. Mas gusto niyang lagi akong may consequence. Annoying. "Hello?! Allizia?!" At biglang nag-iba 'yung boses ng kausap ko. Si Dad. Tch.



"What again?!" Inis na sabi ko. Palibhasa kasi hindi naman siya 'yung pupunta sa palengke. Hindi naman siya 'yung magtitiis sa kabahuan dun kaya sobrang bilis niyang pumayag. "Sa ayaw at sa gusto mo, sasama kang palengke!"



"Really? Who are you para magdecide ng gagawin ko sa buhay?" Inis na sabi ko tsaka binaba ang tawag ko. Binato ko ng pagkalakas lakas 'yung phone ko.



"SO F*CKING ANNOYING!!!" Inis na sigaw ko tsaka sinuntok 'yung pader. "Nakakainis kayong lahat!!!" Sabi ko tsaka tumayo na para kuhanin 'yung towel ko. Maliligo na ako. Hindi naman din kasi talaga ako makaayaw. Kailangan ko lang ng sariling pera ko para naman makaalis na ako dito sa Pilipinas.



Gusto kong matahimik buhay ko kahit sandali lang. Psh, matatahimik nga ba? Eh sa pagkakaalam ko last time na umalis ako ng bansa pinahanap ba naman ako kung kani-kanino. Imbis na magtatagal tuloy ako sa SG, napauwi ako ng maaga. At hindi lang 'yun, grounded pa ako. Lintek na buhay 'to, oo.



Pagkatapos ko maligo, hindi na din ako nagtagal magbihis. Nagdrive ako papuntang coffee shop ni Vic. Iinom muna akong kape don para naman mawala kahit papaano ang stress ko.



Tsaka ipapakuha ko din kasi doon 'yung sasakyan ko, ayoko ngang dalhin 'yung sasakyan ko sa palengke. Susunduin nalang nila ako doon sa coffee shop ni Via. "Yun ulit." Sabi ko sa isa sa mga crew nila. Madalas kasi akong pumupunta dito. Pero hindi naman ako nagbabayad. Libre lang daw pag ako sabi ni Via, eh. Pababagsakin ko negosyo niya, kada oras pupunta ako dito para malugi sila. Bwahahaha. Joke, kidding aside.



"Eto po, ma'am." Sabi nung lalaki tsaka ngumiti sakin pero pinabayaan ko nalang siya at kinuha 'yung coffee ko tsaka umupo sa pinakadulong side.



Kung tutuusin, ayoko talagang tanggapin 'yung offer na 'yun. Nakakagago. Gagawin pa nila akong babae dun sa ganap ko, so expected na straight ako. Hindi ako pwedeng kumilos dun na panlalaki. Hindi ako pwedeng manamit dun ng panlalaki. Pero okay lang, kasi sobrang laki ng offer. Hindi ko naman tatanggapin 'yun kung hindi papasa sa standards ko 'yung sweldo, eh.



Kahit nakakainis talaga sa paningin ko, gagawin ko 'to. Never kasi akong humingi sa pamilya ko ng kung ano mang bagay, eh. Ayoko kasi silang kausapin. Kapag mag-uusap lang kaming magpamilya, sila lagi 'yung nangunguna ng conversation. At kakausapin lang din nila ako about sa business. Laging business. Walang iba. Sounds stupid, right?



Yayımlanan bölümlerin sonuna geldiniz.

⏰ Son güncelleme: Nov 10, 2017 ⏰

Yeni bölümlerden haberdar olmak için bu hikayeyi Kütüphanenize ekleyin!

Love Square ft. MikaSa, AraDenHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin