1: Introduction

108 3 1
                                    

(Vote kayo mga guuuyseu then i'll try na mas bilisan ang ud, lalalabyu.)



"A-aalis na ko. B-bye.." Sabi niya nang hindi manlang nag-iiwan ng kahit anong mensahe bukod pa diyan. Kusa nalang siyang umalis.



"AAAAAAHHHHHH!!!!!" Muntikan na siyang mabangga dahil sa sasakyang papunta malapit sakanya.



Viannara's POV



"AAAAAHHHHH!!!" Halos malaglag ako sa kama ko sa napaginipan. Napasigaw pa ako, baka may mabulabog ako. Paano ba naman kasi, nakakagulat naman 'yung panaginip ko. Akala ko totoo na.



"HOY?! Anong nangyayari sayo?!" Sigaw ng pumasok na si Alli kaya mas lalo akong nagulat. Tamo, hindi lang ata siya ang nabulabog ko sa sobrang lakas ng pagka-sigaw ko. "Wala, pre. Sige, matulog ka na ulit." Yaya ko dito tsaka muling humiga.



"Tanga, alasyete na ng umaga! May lakad ako ngayon." Sabi nito kaya napa-'ahh' nalang ako. "Ge, ingat ka. Tigilan mo na pang-chichix mo. Umuwi ka ng maaga para kahit papaano naman, dumating din ang araw na hindi ka masesermonan ni Inay at Itay!" Napairap ako. Oo, mayaman kami at 'yun ang tawag ko sakanila. Simple lang..




"Oo na, andami mo pang sinasabi, eh. Sige na! Una na ko, kapatid! Bye!" Sabi nito tsaka nagflying kiss pa kaya pinakyuhan ko siya. "Gago! Umalis ka na nga." Inis na sabi ko tsaka pinilit na makatulog pero wala na, gising na ang buong diwa ko.



Oo nga pala, hindi pa ako nagpapakilala sainyo. Unang una sa lahat, ako si Viannara /vyanara/ Valderama. At 'yung babaeng pumasok sa kwarto ko, ay si Alli Venus Valderama.



Madami akong business, actually. Kagaya nung mga coffee shop. Yes, and isa ito sa pinakasikat na coffee shop sa Pilipinas. Minsan naman, photographer. Minsan lang kapag hindi ako busy, madaming opportunity ang ibinibigay sakin pero dahil masyado pa akong busy nun sa coffee shop ko, dinecline ko.



At ngayon, pupunta ako sa coffee shop ko para bisitahin ito para naman may magawa ako kahit papaano.



———
Pagkalipas ng dalawang oras, natahak ko na ang aking coffee shop. Oo, ganto lang naman ako kalayo at inabot pa ako ng dalawang oras. Hahaha, andami ko kasing bahay pero minsan naman, dun ako nags-stay sa condo ko. "Aysh." Bulong ko nang biglang bumuhos ang ulan. Parang kanina lang grabe ang sikat ng araw, huh?



Lalabas na sana ako ng kotse ko nang makita ko ang mga batang nasa lansangan at tuwang tuwa sila habang naliligo sa ulan. Ang cute lang tignan. Kaya naman ako, dali dali kong kinuha ang aking DSLR at pinicturan sila. "Ang saya nila tignan.."



Bumalik lang ako sa aking katinuan nang sumigaw ang isa sa mga crew ko sa loob. "Andito na si Ma'am!!" Sigaw nito. Wala namang customer na magagalit dahil ngayon pa lang naman ito magbubukas.



Tumatakbo akong lumabas ng sasakyan dahil wala akong dalang payong. "Goodmorning, Ma'am!" Magalang na bati nila kaya nginitian ko nalang sila. "Goodmorning din."



"Ano? Wala naman bang problema dito sa coffee shop?" Tanong ko habang gumagawa ng coffee na iinumin ko. "Wala naman po, Sir." Wow, ha. Minsan sir, minsan ma'am.



Love Square ft. MikaSa, AraDenحيث تعيش القصص. اكتشف الآن