"You know what? I don't think pretending to be your girlfriend will help you since you're still luring girls to your trap!"

Tiningnan niya ako na para bang hindi niya ako naiintindihan. "Please speak human."

Hinilot ko ang aking noo at bumuntong-hininga. "Listen, if you want them to stay away from you, you should do it first! Binibigyan mo pa kasi sila ng motibo, eh!"

"It's not my fault that they're assuming things," sabi niya habang nakakunot ang kaniyang noo. "I was having a few drinks, they'll approach me and when I let them sit with me, they'll think I'll start dating them after that!"

This is more troublesome than I thought it would.

"I can't stop you from drinking but if you want to stop them from assuming things, turn them down."

He clicked his tongue. "Girls are fucking pain in the ass," inis na sabi niya. "I already tried that but they still keep pushing."

Napakamot ako sa aking ulo. "Then try harder!" Tinapik ko ang kaniyang likod. "You damn heartbreaker!"

Tumawa ako nang madinig ko ang munti niyang ungol dahil sa lakas ng hampas ko sa likod niya. Tumakbo ako patungo sa kinaroroonan ng ibang tukmol. Abala sila sa kani-kanilang cellphone kaya hindi man lang nila napansin na dumating na kami ni Gio.

"Busy kayong lahat, ah?" Bigla silang tumigil sa pagpindot sa kanilang cellphone at nanigas sa kinauupuan nila. "Nakapag-jogging na ba kayo?"

Hindi sila tumitingala sa 'kin at kitang-kita kong pinagpapawisan na sila.

"Twenty laps!" sigaw ko.

Kaagad silang tumayo at binitawan ang mga cellphone nila.

"Yes, Mabebs!"

Nagsimula silang tumakbo palibot sa court. Paano ko sila iiwan kung ganito sila? Para silang mga bata na minsan ay kailangan pang sabihin ang kailangan nilang gawin bago nila talaga gawin 'yon.

Tumingin ako kay Gio na nakaupo sa kabilang bench. "Hoy, hindi ka pa ba tatakbo? 'Wag mong gamitin ang pagiging captain mo para maging tamad."

Pinigilan kong matawa nang tingnan niya ako nang masama. Padabog siyang tumayo at sumabay sa pagtakbo ng labing isang tukmol nang dumaan ang mga ito sa harap niya.

Isang linggo na lang ay magsisimula na ang Intercollegiate Sports Competition. Minsan ay tamad talaga silang mag-practice pero hindi na sila 'yong tipong kailangan pang pilitin. Sa loob ng isang buwan ay nagkakaroon kami ng ilang practice game kasama ang ibang school kaya mas namo-monitor namin ang progress nila.

Nang matapos sila sa pagtakbo ay drill naman ang sinunod nila. Hindi ko na rin kailangan pang banggitin sa kanila kung anong gagawin nila ngayong araw dahil saulado na nila ito. Atsaka nandiyan naman si Gio para sabihin sa kanila ang mga tamang drill. Minsan kasi ay nalilimutan nila kung anong drill ang gagawin nila para sa partikular na araw.

Habang abala pa sila sa training ay ginawa ko ang palagi kong ginagawa. 'Yon ay ikuha sila ng pagkain sa cafeteria. I brought my phone and my wallet with me. I'll buy myself breakfast while I'm waiting for them to prepare the food for the team.

"You're Lian Isabelle Solis, right?"

Napatigil ako sa paglalakad nang harangin ako ng dalawang babae. Just like the woman from earlier, they looked like models. Based on their attire, they're probably from the Tourism Department.

"Yes, I am. Do you need something from me?" I politely asked although I know where this is going.

Their faces showed disgust and hate as they looked down at me.

Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon