Chapter 14

31.6K 798 68
                                    

Chapter 14

Timeout

It's my third day skipping the practice. They kept bombarding me with messages but I never responded to them. I'm taking a break. Kailangan kong paghandaan ang pagbabalik ko dahil siguradong uubusin ni Gio ang pasensya ko. Gusto niya akong mag-quit ngunit sa paraang sumusuko na talaga ako hindi dahil sa simpleng rason lang. Sadista ba siya?

"No practice?" tanong sa 'kin ni Tamara habang nag-aayos siya ng gamit. Naghahanda na siya para sa afternoon class.

My class ended an hour ago so I was just lying on my bed doing nothing. In a short amount of time that I spent with the basketball team, staying in the dorm without doing anything bores me. Dati ay nakakaya kong mag-stay sa dorm buong araw pero ngayon ay wala pang ilang oras ay nababagot na ako.

"I'm taking a break from managing them until I'm ready," sagot ko.

"Will they be alright?" Tamara chuckled. "Erzo texted me and he said it was hell."

Iniabot niya sa 'kin ang kaniyang cellphone at binasa ang mga text ni Erzo sa kaniya. They've been messaging each other frequently. Mukhang gumagana ang mga moves ni Erzo sa kaibigan ko.

Natawa na lang ako nang mabasa ang mga text ni Erzo na puro reklamo tungkol sa kaniyang team. Hindi raw katulad no'ng nando'n ako na may nakahandang pagkain, towel at malamig na tubig sa kanila. Ngayong wala ako, kulang na lang ay mamatay sila sa uhaw at sila pa ang bibili ng sarili nilang inumin.

"They're in chaos," sabi ni Tamara. I handed her the phone. "You should go back. Para silang mga sisiw na iniwan ng inahing manok nila."

"At least they're practicing." Bumangon ako at kinuha ang aking cellphone. Naka-mute ang group chat namin pero nasa limang daan na ang chat na puro mention nila sa 'kin. "They can manage on their own for now."

"Well, yeah, that's a great improvement." Kinuha niya ang kaniyang bag. "I'm going now." Lumapit siya sa 'kin at humalik sa 'king pisngi.

"Ingat!"

Napangiti na lang ako hanggang sa sarahan na niya ang pinto. Para na kaming magkakapatid. Bago umalis ay nasanay kaming hahalik sa pisngi ng isa't-isa. Si Tamara ang nagpauso no'n dahil simula bata ay 'yon na ang kinalakihan niya sa pamilya niya.

Isang buwan at ilang linggo na lang ay magsisimula na ang Intercollegiate Sports Competition kung saan maglalaban-laban sa sports ang mga private schools dito sa bayan. There is a total of eight schools in the prefecture. They will probably divide it into two brackets.

Kinuha ko ang aking notebook at inilagay sa kaniya-kaniyang bracket ang mga pangalan ng schools. They'll probably put our team on the first bracket and St. Benedict's team on the second bracket. Sa tuwing may sports competition, palaging ganito ang ginagawa nila dahil inaabangan nila palagi ang laban ng Black Bulls at Blue Angels.

So, if they defeat the other teams in the bracket, they will compete with Blue Angels. That's how it always goes. Hindi na namin dapat hayaang mangyari ang nangyari sa practice game.

Tiningnan ko ang schedule para sa araw-araw nilang training. It's Friday today so their drill will be about agility and strengthening the lower body. I hope they're doing it properly. Hindi ko sila nabigyan ng copy nitong training plan ko.

I could feel my palms tingling while holding the notebook. Kinagat ko ang aking ibabang labi. "Ah, seriously?" bulong ko. "Hindi ko sila matiis."

Kinuha ko ang nakasampay na towel sa 'king swivel chair at dumeretso sa banyo.

I'll pay them a visit.

I'll pay them a visit

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Love Me, Hate MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon