chapter #6

659 45 65
                                    

jaemin's pov

"jaemin?" nadinig kong may tumawag sakin. tumingin ako sa kanan ko pero wala akong maaninag... nanlalabo yung paningin ko.

"anong ginagawa mo dito sa labas ng bahay nyo? bakit ka umiinom? bata ka pa!" narinig kong sigaw nya sakin. nakaramdam naman ako agad ng inis, di ko parin alam kung sino ba sya.

"ano bang pake mo?! di mo kasi alam yung sakit na nararamdaman ko eh! di mo alam kung gano kasakit na iba yung gusto ng taong mahal mo! di mo alam, wala kang alam sa nangyayare!" sigaw ko at uminom ulit ng isang baso ng alak. wala na akong pake sa mundo. parang nawala na lahat sakin eh.

"alam ko, wala akong alam. pero ma re-resolba ba yang problema mo sa pag-inom?" tanong nya sakin. tinakpan ko yung mukha ko gamit yung dalawa kong kamay at dun umiyak.

"mahal na mahal kasi kita dan eh. bakit... bakit di mo ako kayang mahalin pabalik?"

"shh... sa kanya mo sabihin yan. wala namang mawawala eh?" tanong nya sakin. napatawa ako ng mahina, yung tawang mapait? yung tawang bitter? yung tawa ng mga nasasaktan

"hindi na siguro, si jeno kasi yung gusto nya at hindi ako. sinabi nya mismo sa harap ko, pina-mukha nya mismo. siguro wala na... wala nang patutunguhan kung aamin pa ako..."

"...siguro di lang talaga kami para sa isa't isa."

____

danica's pov

tuesday palang ngayon, isang araw palang mula nung 'nag-away' kami ni jaemin pero bakit parang sobrang tagal na? i long for his presence, i long for the sound of his voice, i long for his everything.

bakit ba nahantong lahat sa ganito? hays.

"uy dan, bat nandito ka pa? di ka ba papasok?" napatingin ako kay daehwi sa nasa baba ng bintana ko. may hawak syang isang supot ng jolens.

napatingin ako sa orasan, lagpas 8:00 am narin, magkaka-detention slip pa ako kapag pumasok pa ako eh.

bumalik yung tingin ko kay daehwi, "hindi na siguro, wala namang mag-aalala o makakapansin man lang na wala ako eh." sagot ko sa kanya. ano pa nga ba yung gagawin ko dun kung yung kaibigan ko, ayaw akong kausapin?

"ah, tara! laro nalang tayo! kakabili lang sakin to oh." sabi nya sakin at tinaas nga yung dala nyang supot ng jolens. natawa ako ng mahina, ang cute ng uhuging bata na to!

"sige teka lang!" sabi ko sa kanya at kinuha ulit yung peyborit kong cap atsaka ito sinuot. parang ang tagal ko nang di nakapag-laro ulit ah?

dali-dali akong bumaba ng hagdan at lumabas ng bahay. sinalubong naman ako ni daehwi ng ngiti.

"nice ah, sino bumili sayo ne'to?" tanong ko sa kanya. napatingin sya dun sa jolens nya.

"si kuya jaemin. nakita ko kasi sya kagabi sa daan tapos ewan ko ba parang lasi-"

"oo na, tara na maglaro na tayo. dami mo pang dinaldal eh." sabi ko at tinulak-tulak sya ng dahan dahan palabas ng gate namin. teka, pano nga pala naka pasok tong bata na to dito sa loob?!

di pa naman masyadong mainit ngayon kaya sa gilid ng daan kami naglaro- as if naman nag-alala ako tungkol sa init na yan. eh ayos nga lang sakin ang mabilad!

"dan, usog kaya tayo dun? medyo umiinit na eh." sabi ni daehwi sakin. aba! perstaym ito!

"luh sya, eh dati nga, ikaw pa nag ya-yaya sakin sa gitna ng init ng araw eh. tapos ngayon?" tanong ko sa kanya. napakamot sya ng ulo nya,

"dan kasi, di mo man naitatanong eh..." panimula nya at lumapit sa tenga ko para bumulong, "....may nililigawan ako."

napalayo ako sa kanya at tiningnan sya ng parang di ako makapaniwala. etong uhuging dugyot na bata na to, may nililigawan?! "weh, di nga?! sino naman yang nililigawan mo aber?"

tumango-tango sya sakin, "oo nga! si ano po... si bae jinhyeon!" sabi nya sa akin. binatukan ko naman sya,

"yung nakilala mo sa park noon?! aba, magpatuli ka muna bata!" sabi ko sa kanya. hinimas naman nya yung ulo nya at binatukan din ako,

"loko to, tuli na ako! pakita ko pa sayo eh!" sabi nya sakin. tiningnan ko sya ng nakakadiri,

"no thanks, yaq. eww. kadiri." sabi ko at inirapan sya. oha!

"sus, para namang ipapakita ko sayo. baka kung ano pa gawin mo sakin." sabi naman nya at inirapan din ako. aba :D?! etong maldita mahadero na to!

"mandiri ka nga sa sinasabi mo daehwi, kahit kelan di kita pagnanasahan noh."

"sino rin ba magnanasa sayo?! atleast ako may nililigawan na, eh ikaw wala pang nanliligaw sayo! mag-ayos ayos ka naman kasi, para kang lalake eh." sabi nya sakin at tumayo na. pinagpagan nya yung kamay at yung damit nya. "maliligo na ako."

then umalis na sya. iba na talaga si daehwi! parang nung isang araw, alas-sais na naliligo yan ah!

napangiti ako, buti pa si daehwi, ang tapang! kaya nyang manligaw, malaki na talaga sya. hays...

biglang dumaan sa isip ko si jaemin... ayos na kaya sya? masaya ba sya kahit wala ako? siguro. siguro nga mas nakakapag-focus na sya dun sa ka-chat nya eh. kasi wala na ako

dati, kapag nagtatampuhan kami, sya unang mag a-approach. bakit ngayon, wala pa rin sya? bakit hanggang ngayon, di pa rin sya gumagawa ng paraan? dapat ba ako naman yung gumawa ng first move?

napa-iling ako. siguro hanggang dito nalang talaga yung pagkakaibigan namin... mukhang wala na syang pake sakin eh.

pero... bakit nya ako hinalikan?

pumasok na ako sa loob ng bahay at kinuha yung cellphone ko. binuksan ko yung messenger at saktong online sya.

hays. tatanungin ko ba?

jaemin na
active now

me: jaemin?
️seen

me: pwedeng magtanong?
✓️seen

me: kung ayos lang at hindi ka busy sa ka-chat mo
✓️seen

me: alam ko namang may mas mahalaga ka pang ginagawa eh
✓️seen

i bit my lower lip. ayaw nyang magreply eh! napabuntong hininga nalang ako. it's now or never. kakapalan ko na mukha ko.

jaemin na
active now

me: since nandito na ako, itatanong ko pa rin sa ayaw o sa gusto mo
✓️seen

me: bakit... bakit mo ako hinalikan?
✓️seen

me: . . . .
✓️seen

me: fine! kung ayaw mong sumagot edi wag, madali akong kausap
✓️seen

jaemin is typing...

jaemin: wala lang, gusto ko lang

me: eh hayop pala jaemin eh. waw! petmalung lodi! ano tingin mo sakin ha?

jaemin: but you didn't even pushed me away
✓️seen

jaemin: kala ko mahal mo na ako

you can't reply to this conversation. learn more.

bakit 'di ka crush ni na jaemin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon