chapter #7

643 42 29
                                    

danica's pov

3 days. 3 days na simula nung huli kaming nag chat. since then, di naguusap o nagpapansinan man lang ni jaemin. sa tatlong araw na yun, di ko maiwasang di sya isipin. di ko mapigilan yung sarili kong tingnan kung ayos lang ba sya.

sa tatlong araw din na yun, lalo akong nag-aalala sa kanya. lagi kasi syang late pumasok, di sya kumakain ng lunch, tapos gabing gabi na sya umuuwi sa bahay nila. magkapitbahay lang kasi kami kaya gabi-gabi, nakikita ko syang umuuwi ng bahay. lumalalim pa lalo yung eyebags nya at ang payat na nya lalo, parang isang ubo nalang eh!

"uy bes, ano? hanggang tingin ka nalang dyan?" tanong sakin ni koeun atsaka umupo sa tabi ko. napabuntong hininga ako,

"wala eh. atsaka, para na rin makalimutan ko yung nararamdaman ko sa kanya, sawa na akong magpaka-tanga eh." sagot ko at ngumiti nalang sa kanya. hinimas nya yung likod ko at tumingin sakin ng nag-aalala.

"dan naman kasi, yun na yung pagkakataon mong umamin. bakit si jeno pa yung naisip mo? bakit ka naduwag? ang lakas lakas mo dan eh, pero bakit pagdating sa pag-ibig, wala kang laban?" tanong na naman nya sakin. napatingin ako sa baba at natawa ng mahina,

tanong ko rin sa sarili ko yan. bakit nga ba? dahil ba natatakot ako na mareject? natatakot akong tuluyan nyang ipamukha na magkaibigan lang kami? natatakot akong masira pa lalo yung pagkakaibigan namin?

hell yes.

pero dahil sa kaduwagan ko, lalong nasira. dahil kaduwagan ko, lalo syang napalayo sakin. kung tutuusin, wala naman sigurong mangyayareng masama kung umamin ako diba? baka nga di pa yun maniwala sakin eh. edi sana ayos parin kami hanggang ngayon. kahit naman magkaibigan lang kami, ayos lang eh...

aamin na ba ako para maayos na ang lahat?

pero pano?

"oh sya, aayusin pa namin yung booth namin. dedication booth yun, punta ka sa foundation week ah?" sabi nya sakin at tinapik yung balikat ko. ngumiti ako sa kanya at tinanguan sya.

ah! alam ko na kung pano!

kinuha ko yung cellphone ko at may tinawagan,

"hello, jeno?"

"oh, dan. bakit?"

"err- alam mo naman siguro na di totoo na ikaw yung crush ko diba?"

"sus, alam ko namang yung bespren mo yung gusto mo."

"h-ha? pano mo nalaman?"

"halata, dan. ang manhid nyo lang na dalawa. oh, bakit ka nga pala napatawag?"

"uhm... sanay kang mag-gitara diba?"

"oo, haharanahin mo ba sya?"

"basta! kakantahan ko sya, bibigay ko sayo yung kanta mamaya. magpractice ka ah."

"sabi na at ikaw talaga yung lalake sa inyong dalawa eh. practice tayo mamaya?"

"sige sige, salamat jeno!"

"welcome, lamporeber parin."

"teka, nasan na nga pala sya?"

"di namin sya kasama... di ko pa sya nakikita buong araw eh."

"ah ganon ba... sige salamat nalang."

sabi ko then binaba ko na yung tawag. halata na gusto ko si jaemin?

bakit di naman nya napapansin?

nagkibit-balikat nalang ako at tinext kay jeno kung ano yung kakantahin namin. um-oo naman sya at sinabing madali lang kaya alam na raw nya yung chords nun. buti na nga lang at dala nya yung gitara nya.

hays, sana through this way, malaman mo na yung nararamdaman ko para sayo. di ko na kayang itago eh.

_____

jaemin's pov

nandito ako sa soccer field, sumali kasi ako sa soccer team para sa foundation week. wala kaming practice ngayon, but wasting my energy is nothing compared to wasting and draining my tears everynight.

may nagawa ba akong mali? ako tong laging nasa tabi mo pero parang wala lang ako para sayo.

kelan mo makikita na gusto kita, na mahal kita. ginawa ko naman ang lahat ah? bakit di pa rin sapat? bakit di pa rin kita makuha kahit abot-kamay na kita?

napatingin ako sa puno malapit sa quadrangle ng school,

it is dan... with jeno. may hawak na gitara si jeno, at si dan naman, nakangiting kumakanta.

sinipa ko yung bola nang napakalakas, di ko na alam kung san yun napunta. wala na akong pake at napaupo nalang sa lapag, dun ko naramdamang umiiyak na pala ako. umiiyak na naman pala ako.

nung hinalikan kita, nakaramdam ako ng tuwa. kasi sa wakas, eto na. malalaman mo nang mahal kita. nung di mo ako tinulak palayo, naisip ko na baka ganun rin nararamdaman mo para sakin.

kaso naalala ko, bespren mo lang ako. bespren mo na lagi mong tinatawag na bakla.

the most clear action to show that you love someone is through a kiss diba? why can't you see na mahal kita? why can't you see na hindi lang hanggang kaibigan ang tingin ko sayo? why can't you see?!

ah, kasi may iba ka nang nakikita.

narinig kong nag-bell, kaya ang ibig sabihin nun, uwian na. napatingin ulit ako sa puno kung nasaan silang dalawa, and before i knew it, my tears are falling again. "pesteng mga luha na to, wala naman kayong natutulong eh."

pagkausap ko sa sarili ko habang pinupunasan yung mga luha ko gamit yung mga kamay ko.

buti ka pa, nagagawa mo pang ngumiti, samantalang ako, heto sirang sira na. ano bang ginawa mo sa akin dan? bakit ako nasasaktan ng ganito dahil sayo? bakit ba kasi minahal kita? eh hindi naman ikaw yung type ko sa babae. kung tutuusin, mukha ka talagang lalake kumilos eh.

"oh." nadinig kong may nagsalita kaya tinanggal ko yung kamay ko sa mukha ko. may panyong nakalaan para sakin,

pag-angat ko, nakita kong si jeno pala to.

ngumiti sya sakin. napatingin lang ako sa kanya, naiinis ako. nagagalit ako. bakit sa lahat ng tao, si jeno pa? bakit sa kaibigan ko pa?

"bakit ikaw pa, jeno?" tanong ko sa kanya. napa-kunot yung noo nya at tiningnan ako ng nagtataka.

"bakit sa lahat, ikaw pa?!" sigaw ko at tinaas yung kamao ko para suntukin sya, pero napahinto ako at lahat ng galit ko, naging iyak nalang.

naramdaman kong hinawakan ni jeno yung kamay ko at pinapatama yun sa katawan nya para saktan yung sarili nya.

"sige jaemin, sige ituloy mo! suntukin mo ako, galit ka diba? galit ka kasi ako yung gusto ng babaeng mahal mo! pero ano bang ginagawa mo ngayon, may ginagawa ka ba para kuhanin ulit sya? may ginagawa ka ba para bumalik lahat sa dati? may ginagawa ka ba para magkaayos ulit kayo? may mangyayare ba kung puro iyak at galit nalang papairalin mo? wala jaemin eh! wala! wag ka naman maging duwag! magpaka-lalake ka naman oh!" sigaw nya sa akin atsaka ako iniwan dito sa gitna ng field. napaupo ako ulit sa lapag, my tears falling again. ang tanga ko. ang tanga tanga ko! salamat jeno lee for knocking off some sense to your dumb friend. i owe you one

pinunasan ko yung mga luha ko at tumayo. nakita ko si dan na naglalakad na papalabas ng campus. tama sya... pero pano ko sisimulan? pano ko sisimulan ulit lahat mula sa pinaka-umpisa?

bakit 'di ka crush ni na jaemin?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon