CHAPTER 6 : Blaming & Jealousy

Start from the beginning
                                    

“Gulo mo. Straight to the point kasi.” Reklamo ko sa kanya.

“Fine. Akala ko kasi inaagaw ni Alison ang popularity ko. Dahil sa pinaniwalaan ko yung sinasabi ng iba, biglang lumayo na loob sakin ni Alison pati si AA.” Ahh. Yun pala yun.

“Pinaniwalaan mo yung so called bestfriends mo? Eww sis. Saka bakit mo naman naisip yun? New student siya dba? Paano mangyayari yun? Dahil dun sa Quiz bee? Dahil dun sa exchange student? Ano ba yan sis. Saan attitude natin? Saka mukha namang mabait yun eh kaso mataray.” Sabi ko sa kakambal ko natawa kami pareho sa sinabi ko.

“Feeling ko nga matagal ko na siyang kilala eh. Parang si Ate Rierie lang. Basta, mahirap i-explain eh.” Sabi ulit ng kakambal ko. Bipolar eh.

“Ako din. Pero parang ang imposible? Ang layo ng Rierie at Abhie sa Alison. Dba?” Tanong ko sa kanya. Imposible naman talaga eh.

“Oo nga eh.” Sagot naman niya.

Pero nung nabalitaan ko yung ginawa ni Kurt sa canteen? Pakshit! Nahulog na nga siya dun sa Alison? Psh. Ang bilis lang. PBB TEENS?? :DD

Kurt's POV

Hindi nanaman namamansin ang aking pinsan! Jusko! Napaka bipolar! Iwan daw ba ako? Tsk. Saan nanaman kaya nagpunta yung dalawa yun?!

Bzzt bzzt

From : Patrick

Pre? Ano tong nabalitaan kong gumawa ka raw ng eksena sa canteen? May bago ka raw chix? Pakilala mo samin.

To : Patrick

Ngayon mo pa lang nabalitaan? Haha! Kilala na nina Ellory at Kenric. Di ko na papakilala sa'yo, baka agawin mo eh. JOKE

Sending..... Sent!

Bzzt bzzt

From : Patrick (Ang bilis magreply ng g*g*! Haha)

Walangya pre! Ganyanan na tayo ngayon? Pakilala mo na dali! Di mo pa pinakilala samin nina Gab at Syed eh. Asan ka ba ngayon? Kasama mo?

To : Patrick

Oo na. Hindi eh. Pumunta ka na lang ng park. Wag ka na ngang magreply! Sayang ang load ko!

Sending..... Sent!

Pagdating ko sa park, binggo! Andun sina Cha at AA. Sakto din ang pagdating nina Ellory.

“Hi Ali!” Sabay bati ni Ellroy at Kenric. “Hi babe.” Bati din ni Kenric kay AA.

“Pre!” Sigaw din nina Gab. “Woah. Siya ba si Romerie?” Tanong ni Syed sabay turo kay Ali. Nag nod lang ako. Napatingin ako kay Patrick simpling ngiti lang.

“Hi! Gab nga pala.” Bati ni Gab at sabay abot ng kamay kay Ali. “Hello! Ali.” At nakipagshake hands kay Gab.

“Hi! Ako si Syed!” Bati naman ni Syed at sabay abot din ng kamay kay Ali. “Hello! Ali.” At nakipagshake hands kay Syed.

“Patrick” Tipid na sabi ni Patrick. “Alison.” tipid na sagot din ni Cha.

“Kung okay lang sa inyo kasama ko kakambal ko.” Sabi ni Patrick.

Napatingin kami ni AA kay Cha na nag-iba ang aura ng mukha. Umupo yung kambal dun sa tabi ni Ellory. Biglang sumigaw si Cha...

“WAAHH! SYED! SERIOUSLY?” Gulat at pasigaw na tanong ni Cha. Ano nangyari?

“Haha! Unfortunately, YES!” Sagot naman ni Syed.

“WAAAHHH! NO! YOU'RE RIDICULOUS!” Sagot ulit ni Cha. Psh.

“Anong meron?” Sabat ni AA.

“WALA!” Sabay nilang sabi sabay tawa. Close na sila agad? Wow ah!

Kanya kanyang kwentuhan na, humiwalay ng konti si Cha samin.

Let me hold you for the last time

It's the last chance to feel again

But you broke me, now I can't feel anything.”

Kumakanta si Cha. Shet. Ngayon ko na lang ulit siya narinig kumanta.

“Galing pa rin nating kumanta ah.” Sabi ko sa kanya. Natawa lang siya.

“Anong ginagawa mo?” Tanong niya sakin. Tumabi ako at niyakap siya.

“Wala. Na'miss mo ko no?” Biro kong tanong sa kanya. Sa, totoo lang na'miss ko siya kahit lagi ko siyang kasama. Mahirap kasi ang sitwasyon namin eh.

“Ayokong sagutin yang tanong mo. Baka kiligin ka.” Banat naman niya. Syete! Marunong pala ng ganun 'to. Haha!

“Wag na nga. Badtrip ako ngayon.” Sabi ko sa kanya.

“Bakit? Nakita mo na mukha mo sa salamin?” Basag ako dun ah! Babawi ako.

“Oo eh. Mas cute pala ako sa'yo. Sorry Marie.” Sabi ko sa kanya sabay smirk. Aba't andito na rin tong mga 'to? Natatawa mga kasama namin eh.

“Anyenye! Haha.” Wala na siyang masabi. Pero ang cute niya. Pft.

Masarap sa feeling na nakikita mo yung cousin mo na masaya. Amp. Kabadingan. =_______= 5pm na nung naisipan naming umuwi sabi ko sa kanila sabay na kami ni Cha sagot naman ni Syed “Iba na yan! Haha.” Walangya siya eh. Haha.

When Their World's CollideWhere stories live. Discover now