CHAPTER 5 : A little HOPE :)

72 2 1
                                    

Alison's POV

Maaga akong pumasok sa school para makausap si Angellie. Pero wala pa yata siya hindi ko pa siya nakikita. Pupunta muna ako ng garden.

 Garden..

“It's sad how the people you were once so close with can become just another stranger you don't know.” Akala ko pa naman magiging magkaibigan kami ni Alyssa hanggang sa huli, hindi pala. Ang masaklap pa doon hindi ko alam kung may nagawa ba ako o ginawa na ayaw niya. Para lang akong tanga na tinitingnan siya tapos kapag tumingin siya at nagsmile ako tapos iisnaban ka lang. Dafuuqq! Akala ko tanggap niya ko hindi rin pala. Hayyy. Walanjo! Nakakainis!!! Nagtiwala kasi ako kaagad eh. >.<

“Huy!!” Ay!

“Ay palakang kinalbo!” Nag-eemo nga ako dba?

“HA?? May palakang kinakalbo ba?” Tanong ni Angellie.

“Ahh.. Ehh. Wala.. Haha!” Sagot ko sabay tawa.

“Bat ang aga mo? Di ka pa rin ba pinapansin ni Alyssa?” Tanong ulit niya.

“May gusto akong kausapin eh. Ewan? Haha. Di ko pa siya nakikita eh.” Sagot ko naman.

“Ahh. Sino naman?” Tanong niya. Feeling ko magkakilala na nga kami dati pa. The way na magtanong siya parang close talaga kami.

“Ikaw. Hehe. May itatanong lang.” Sabi ko. Halatang nagulat siya.

“Ako? Ano naman? Wag lang math. Haha.” Sabi niya sabay biro. Ehh? Haha!

“Ahh. Ikaw talaga. Ano.. hm, unang una sa lahat gusto kong mag-sorry. Pangalawa gusto ko sanang humingi ng tulong hindi sa studies ah.” Sabi ko mukhang naguguluhan siya.

“S-sorry? P-para s-saan?” Tanong niya. Sa lahat. >:(

“Sa pag-iwan ko sa'yo at paglimot? Gets mo naman diba?” Nagulat siya sa mga sinabi ko. Ako rin. Hindi ko expect na yan ang lalabas sa bibig ko.

“CHARRIE!!!” AY!

“Ay kalbo!” Sino ba naman kasi yun?!!

“HUH?! Kelan pa ako naging kalbo?” Tanong ni Kurt.

“Nagyon lang. Kakasabi ko lang.” Sabi ko sabay smirk.

“Eh! Gusto mong mapagalitan?” Tanong siya sabay bigay ng death glare. Luuu! Ano ginawa ko?

“Ehem. Ehem.” Singit ni Angellie.

“Ay sorry Angellie.” Sabi ko kay Angellie. “Lumayas ka nga dito! Girls talk oh.” Sabi ko naman kay Kurt.

“Ayoko nga! Hindi naman sa'yo 'tong lugar na 'to eh. Binili mo ba?” Sagot naman ni Kurt. Pakshit! Ang kulit ng pinsan ko! >.<

“Bakla ka no? Tapos chismoso ka pa! Alis na kasi!” Pangungulit ko sa kanya. At nagawa pang umupo sa tabi ko ah.

PAK!

“ARAY! Bakit ba kailangan mangbatok?!” Iritado kong tanong kay Kurt.

“Ahm. Sige Alison, maya na lang tayo mag-usap.” Sabi ni Angellie. Buti pa nga.

“Sandali lang AA.” Sabi ni Kurt kay Angellie. AA? I bet yun yung nickname niya. “Sabihin mo na kasi yung sasabihin mo!” Pasigaw na sabi niya. Eh bat ba nangingialam?! Umupo ulit si Angellie.

“Eh bat ka galit?!” Tanong ko kay Kurt. “Angellie, sorry talaga ah? Alam ko naguguluhan ka ngayon kasi nakita mo kung paano kami magaway ng sira ulong 'to” Sabi ko sabay turo kay Kurt.

When Their World's CollideWhere stories live. Discover now