Chapter Sixteen - Behind Daniel's Sorrow

Start from the beginning
                                    

"Kuya stop it!" Nagtaas ng boses si Sam. "Ito kasing si Daniel napaka hard headed. Ewan ko nakakapagod na rin magreach-out sa kanya" I saw Sam's face na tila namumula sa inis.

"Makikipag-ayos ako, when it's right time! Kaya pwede ba? h'wag nyo akong kulitin tungkol diyan." Salamat naman at humina na ang boses ni Daniel. "Alis na kami.. halika na Kath" As usual hinila na naman niya ako.

"Daniel... te--ka, mauna na kami Sam, Kuya Isaac" Paalam ko sa kanila.

Hawak niya parin ang kamay ko, mahigpit na para bang ayaw niyang mawala ako sa tabi niya.

"Daniel, ano ba talagang problema mo?" I ask him, kasi naguguluhan narin ako sa pag-uugali ng taong ito. Gusto kong isipin na totoong may Bipolar disorder siya. Sometimes kasi grabe siya magalit, tulad ng nangyari dito, may mga times din na super masaya siya. Hindi ko siya maintindihan sometimes, subalit kumakalma naman siya kapag kasama ako.

"Gusto mo bang malate? or magskip nang klase?" mahina niyang wika sa akin. Umiling ako, siyempre gusto kong pumasok kasi malapit narin ang examination.

Naku ayaw akong sagutin sa tanong ko kanina. Pinagbuksan niya ako nang pinto ng kotse bago nagsalita ulit.

"Okay.. sumakay ka na" pagmamando niya sa akin.

"Fine!" naiinis kong wika.

Katahimikan ang bumalot sa paligid habang nagdrive siya pabalik ng school. Ilang sandali pa naramdaman kong naiiyak na si Daniel.

My God he was  really crying! I was astonished sa nakita ko when his startwd to fall. Hinawakan ko ang kamay niya, bigla niyang inihinto ang sasakyan.

"I'm sorry Kath, sabihin mo nang mahina ang loob ko pero hindi ko na talaga mapipigil to" I saw him sob. For the first time nakakita ako ng lalaking kasing Hunk niya na umiiyak. Maybe malalim talaga ang problema nilang magkapatid.

"Okay lang, ilabas mo lang iyan" I pat his back to comfort him.

"Wala akong hinangad kun'di masaya at kompletong pamilya. Si Kuya Jac left us to marry the woman he loves. Naging napakahirap ng buhay namin ng piliin niya si ate Christine, dahil doon, sa amin natuon ang paghihigpit ni Dad. When Kuya Isaac reached his legal age iniwan din niya kami para matupad ang sarili niyang mga pangarap. I've tried to follow Kuya Isaac sa Spain last summer para umuwi na siya, pero wala eh, mas importante mga pansarili nilang pangarap kaysa sa amin. Pero okay lang naiintindihan ko naman siya. Si Kuya Jac naman mahirap tanggapin ang naging decission niya. First born siya, dapat siya ang napripressure ni dad ngunit kaming mga mas nakababata ang pumasan nun." napahawak siya sa noo.

When Ugly Duckling turned into SwanWhere stories live. Discover now