Chapter Sixteen - Behind Daniel's Sorrow

1.6K 38 4
                                    

(Kath's PoV)

"Sam..."

napabulong ako sa hangin. Nakangiti siya habang lumapit sa kinaroroonan namin ni Daniel.

Kasunod ni Sam ang Kuya Isaac nila. Nakadama ako ng kaba, ewan ko itong si Daniel kasi tila nagbago ang mood ng marinig ang kanyang pangalan.

"Hi Kath, ikaw pala ang kasama nitong si Daniel, akala ko pa naman kung sinong babae" then I saw him tinapik ng malakas si Daniel sa likod.

"Aissh, nang-iinis kaba?" singhal ni Daniel sa kapatid.

"Tinapik ka lang, nang-iinis na? Chill ka lang bro, init agad ng ulo mo sa akin ahh" sabay hands up sa dalawang kamay sa ere. But Daniel didn't stop, nakikipag argue pa talaga.

"Shut up! Nagpapaliwanag ka pa, suntukan nalang para magkaalaman na"

"Daniel, take-on easy please" naitugon ko

"Daniel, hindi kana nahiya sa kadate mo." Kuya Isaac seriously told him, tapos itinuro ako.

Ngumiti lang ako, pilit na ngiti, nagulat kasi ako sa sinabi ni Kuya.

Kadate daw? Ano itong iniisip ni Kuya Isaac, baka maniwala si Sam na nagdidate kami ni Daniel. I saw him smirked kasi, tapos tumingin pa sa malayo.

"Gusto ata ni Daniel madagdagan ang pasa niya! nabugbog ka raw ni Kuya Jac kahapon? at isinama mo pa talaga sa eksena si Kath" pangungutya ni Sam sa kapatid. Nadama ko ang concern niya sa akin. Haba ng hair ko.

Agad naman sumagot itong si Daniel. Na animo estudyanteng nagmamadaling sumagot sa katanungang itinatanong sa kanya.

"Bakit mo alam yun? Ano bang paki alam mo ha? Huwag ka nga umastang kuya diyan. Para kang Engot" Kitang-kita ko ang galit sa kanyang mga mata.

"Hindi ko na kinakailangang umastang Kuya mo, dahil kahit bali-baliktarin mo man ang mundo hindi mo maaalis ang fact na KUYA mo ako! I was born almost Three years ahead of you!" Galit na rin si Sam. Natakot na ako, baka magsuntukan na nga sila, buti nalang nagsalita na si kuya Isaac.

"Samuel, Daniel tama na yan" awat niya sa dalawa "Hindi naman kayo ganyan dati, ang close niyo pa nga. Halos ipagpalit nyo na nga mga identity nyo noong bata pa kayo."

Ano raw? Hindi ko na gets masyado ang sinabi ni Kuya.

When Ugly Duckling turned into SwanWhere stories live. Discover now