Chapter 11

8 2 0
                                    

  Euni's POV

"Kiss me." Kiss? What!??

"What!? Nahihibang kaba Trystan? Sa dami ng pagpipilian mong kondisyon bat yan pa?" Patayo kong sabi pero he just smirked. Tumayo rin siya at hinarap ako. 

"Then I'll give you a choice. Kiss me or I will kiss you?" Sabay hawak niya sa baba ko. Seriously choices pa bang matatawag yun kung iisa lang naman ang kalalabasan? 

"Nakadalawa kana. Once is enough Two is too much Three is poison that can kill a person." Sabi ko sabay tapik sa kamay niya at umakmang lalabas na pero muli niya akong napatigil. 

"Friday na bukas Euni. It's your last chance." Nang aasar niya sabi. Hawak hawak ko na ang doorknob at hindi ko man lang magawang buksan iyon. Umisip ka Euni, matalino ka kaya makakaisip ka ng paraan tungkol dito. Bakit naman kasi pag si Trystan na natatameme na ako.

Huminga muna ako ng malalim tsaka muling naglakad sa direksyon kung saan kami nakatayo kanina. 

"Cheeks lang!" Pagde demand ko pero mukhang di niya nagustuhan. 

"That's unfair, yung unang dalawa nga nakuha ko ng libre sa lips pa tapos ngayon sa cheeks lang? I don't like your offer Euni." God! Anong gagawin ko sa lalaking to? Hindi ko naman kayang umalis sa school na yun isa pa edi magdamag ako di nakatulog pag di na naman niya ako kinausap? 

"Ayoko." Matigas kong sabi. Ilang minuto ang nakalipas na walang kumikibo saming dalawa pero tinititigan ko ang bawat galaw niya. Nang aakma na siyang tatalikod hinila ko siya at....

*tsup

Hinalikan sa lips. Euni nakakahiya ka. Pumikit nalang ako habang naramdaman ko naman ang pag ngiti niya at ang kamay niya sa leeg ko. Nagtagal yung halik namin ng ilang minuto dahil nagenjoy ang loko. T.T Nakakahiya ka Nicolay! 

"Well done honey. Now go to sleep may pasok kapa bukas." Kumaripas ako ng takbo at dali daling sinara ng pabagsak yung pinto. Nicolay! Anong ginawa mo! T.T

~~ 

Kinabukasan, dahil iilan lang ang kasama namin sa bahay walang kibuan pero nakikita ko sa mukha niya ang ngiting aabot hanggang langit. Umiiwas ako ng tingin kapag alam kong nakatitig siya sa akin. Hanggang sa paghatid niya sakin sa school di ko siya kinikibo. 

"I will deal about the tuition later. May gagawin lang ako sa Office." Tumango nalang ako at naglakad na papuntang school. Pangatlo na yun, bakit ba sa tuwing hahalikan niya ako nawawala ako sa sarili? 

"Nay! Alam kong malapit na ang undas pero masyado kanaman yatang atat sa costume party? What happened to you? Mukha kang Zombie!" Bulaslas ni Momo habang papalakd ako sa silya, pag upo ko sumukob agad ako. 

"Euni! I tried to talk to Mom pero sabi niya mahigpit talaga ang Stalford kaya di ka talaga namin matutulungan. Sorry." Hindi naman yun yung pinoproblema ko eh! Tapos nako diyan. 

Natapos ang unang subject namin na talagang tigang na tigang ako, ewan ko lang kung may maisagot pa ako pag nag exam na kami walang pumapasok sa utak ko kahit isa. 

"Oyy Euni, ano nang gagawin mo niyan? Pag di tayo nakaisip ng paraan last day mo nato rito!" Nag aalalang sabi ni Aly hindi ko pa sinabi na tutulungan ako ni Trystan dahil ayoko munang pag usapan siya ngayon. 

"Euni! Ano na! Matatapos na ang break wala pa tayong naiisip. Tara na nga doon nalang tayo sa room." Tumayo na kami sa table namin pero may masamang hangin na dumaan kaya yun pagiging matamlay ko nabuhayan, kasalanan ng babaeng to kaya ko nagawa yun eh! Kung pwede lang sabunutan ito gagawin ko! Nanggigigil ako sa kanya! 

He and SheWhere stories live. Discover now