Chapter 2

21 1 0
                                    

  Euni's POV 

 Alas sais akong nagising at nagluto na ng almusal. Papasok pa ako ang unang klase namin ay seven thirty pagkatapos yung long quiz na kay Mrs. Madrigal. Hayyssh. Kain. Ligo. Bihis. Ready to go na ako.

 "Euni! Nice battle kahapon!" Pagbungad sakin ng kaklase kong si Micki. Wala naman kasi talaga akong kaaway dito sadyang inaaway lang nila ako. 

 Pumasok ako ng room at napansin kong wala pa yung dalawa. Nauna ako sa kanila? Imposible. Ano yun? Sabay nasiraan ng kotse? Umupo na muna ako sa silya ko at nagbasa ng pocket book. Malapit ng mag oras asan na ba yung dalawang yun? 

 "Eunii!" Hinihingal na tawag sakin ni Aly kasabay ni Momo sa likuran niya. San ba galing ang dalawang to?

 "Ohh san kayo ga--- 

 "SA OFFICE!" Hah? 

 "Tapos?"

 "Nay! Nagreklamo si Alexa sayo! Baka may posibilidad na tanggalin ang scholar mo kapag nangyari yun! Ayun ang agang magulo sa Office! Sayo lahat ang panig ng mga Prof pero ang Head Admin Nay!" May magagawa ba ako kung Tita ni Alexa ang Head Admin? Kung matatanggal yun di na ako makakapag aral dito dahil masyadong mahal ang tuition fee nila dito.  

"Bat masyado kayong OA? Kayo ba matatanggalan ng Scholar? Dba ako? Hayaan niyo siya lilipas din yan." Kung matatanggalan ako ng scholar, malaking problema yun pero anong magagawa ko? Walang wala ako kina Alexa, mayaman sila wala lang ako. Kumbaga China sila Pilipinas lang ako sa liit ng sakop na lupang pagmamay ari ko.

 "Ano!? Pagkatapos namin makipagdebate dun yan lang sagot mo?" Ano bang dapat kong isagot sakanila?

 "Umupo na nga kayo mamaya na tayo mag usap tungkol diyan." Halatang napagod sila kakatakbo. At hinihingal pang umupo. Sakit talaga sa ulo ang babaeng yun tss. 

 Paano ko ba masusolusyunan ang bagay na to? Kahit ang matalinong katulad ko sasakit ang ulo sa mga kaabnormalan ni Alexa. Natapos yata ang First Subject namin na solusyon ang nasa isipan ko. May long quiz pa kami pagkatapos ng break ano ba yan! 

 "Uyy di ba kayo kakain?" Tanong ko sa dalawa habang aligagang nagmamadaling ayusin ang gamit nila.

 "Wag ngayon Euni magrereview kami ni Momo sa Library, sige na byebye!"..................wow. yan lang ang masasabi ko. 

 Bahala na kung anong mangyayari kahit naman anong gawin ko alam ko na ang kalalabasan. Mukhang nagmakaawa talaga si Alexa sa Tita niya. Ano ba kasing nakita ng babaeng yun sakin?

 ~~

 "Oh nakapagreview naman ba kayo?" Tanong ko sa dalawa oagbalik nila sa room.

 "Aba syempre no! Ayokong mapahiya lalo na't mainit ang ulo ni Mrs. Madrigal sating tatlo. Nanay yata ni Alexa yun eh may issue sating tatlo." Agree. Lahat naman yata ng matataray dito sa university may issue saming tatlo. Alam kong maganda at mayaman si Momo at Aly pero bat pati ako kasama issue na rin ba ngayon ang pagiging matalino? Hindi ako nainform sorry. 

 "SIT DOWN! GET A WHOLE SHEET OF PAPER" Ayan na ang dragon. Hanggang ilan naman kaya ang quiz namin ngyon? Nung isang araw kasi 1-50 lang. At may isa akong mali.

 "No. 1! What is the blah blah blah"

 ~~ 

 "Lastly No. 100! State what is blah blah blah blah blah. Pass your papers forward!" Tiningnan ko sina Momo at Aly. Pasado to. Malawak ang mga ngiti eh. 

He and SheWhere stories live. Discover now