Chapter 7

12 2 0
                                    

  Euni's POV

"Tatayo na nga lang sa daanan pa." Agad akong gumilid at naglakad na palayo. Hindi ko na pinansin kung sino man yung taong yun. 

Habang naglalakad ako nakaramdam ako na parang may sumusunod saking sasakyan. Wag mong papansinin Euni mag lakad kana lang. Nang medyo naramdaman kong nasa gilis ko na yung sasakyan nag stop na ako sa paglalakad at tiningnan ko siya. 

"Anong problema mo at para kang stalker dyan?" Mataray kong sabi kay Trystan.

"You, what's your problem? Ni hindi moko pinapansin kanina. Tapos ngayon parang di moko nakikita." Pagmamaktol siya sakin habang itinigil ang kotse niya.

 "Bakit? Kailangan ba habang nagtatrabaho ako nakatingin ako sayo?" Natameme naman siya sa sinabi ko. 

"I didn't say that." 

"Eh yun naman pala eh bat mo ko sinusundan?" 

"Hindi kita sinusundan, sinusundo kita." Natahimik ako sa sinabi niya kaya naglakad nalang ulit ako at pinaandar na naman niya yung sasakyan niya. 

"Euni? Are you jealous?" Automatic akong nagstop sa paglalakad ng magtanong siya nun. Hah! Ako nagseselos? Saan naman ako magseselos? Tsaka anong ikakaselos ko sakanya?

 "Ako!? In you dreams Trystan." Binilisan ko ang paglalakad ko hanggang sa makapunta na ako sa may paradahan. Agad akong pumara ng taxi at nagpahatid na sa Apartment. 

Assuming naman pala yung lalaking yun. Anong akala niya ako magseselos dahil sa kanya? Duhh. Maganda naman ako dun sa babaeng kasama niya no! Nagkulang lang ako sa ayos! Agad akong natulog at di na kumain dahil nawala ako sa mood. 

~~

Pumasok ako ng school na nakabusangot ang mukha, maghapon akong wala sa mood at walang gana.

"Napano ka ba hah? Napaka unusual ng mga galaw mo pati sa quizes ang dami mong mali!" Di ko pinansin si Momo at nagpatuloy lang sa pagkain ng malamya. Sabado na nga pala bukas. Sigurado gabi gaganapin ang party. Note: Pag mayaman gabi lagi sanay nako dyan.

"Di ba kayo bibili ng regalo bukas? Sama niyo ko bibili rin ako." Matamlay kong sabi sa kanila. Ano bang klaseng babae yung ate ni Brent? Paano ako makakabili ng regalo kung di ko man lang siya kilala. 

Lumilipas ang oras na walang pumapasok sa isipan ko. Hindi nga nagpaparamdam si Trystan sakin. Tapos bukas aalis pa kami. Hayyy.

 ~~

Nandito kami ngayon sa Mall para bumili ng panregalo. Medyo nakaka get over narin naman ako at medyo nasa mood na ako ngayon. 

"Anong klaseng babae ba ang ate ni Brent? Paano ako makakabili ng regalo sa kanya neto?" Nasa may boutique na kami yung pinuntahan namin ni Trystan dati. 

"Basta mahilig siya sa mga damit at singer kasi yun tsa---

"Hi Ma'am. Hindi niyo po ba kasama yung pogi last time?" Tanong ng isang saleslady sakin. Kaya naintriga yung dalawa.

"Ahh ehh. Ano kasi.....wala siya ngayon." Ang tangi kong nasabi. Nakatingin kasi yung dalawa. Ayoko kasing sabihin na nagdate kami nahihiya ako tutuksuhin lang naman nila ako pag nalaman nila. 

"Ahem" pagpaparinig ni Momo. 

"Dali na! Tulungan niyo na kong pumili ng regalo." Pinagsawalang bahala nalang nima yung kanina at nakapili nakami ng panregalo. Heels kay Momo. Dress kay Aly yung akin? Accessories para partner partner daw yung mga regalo namin. Pagkatapos naming mamili kumain muna kami. 

He and SheWhere stories live. Discover now