Chapter 5

6 1 0
                                    

  Euni's POV

"Sige bye! Kita nalang tayo bukas!" BRENT!!!!!!!!! PATAY AKO NETO!!!!!

 "Ahem... Would you mind to explain it Eureiasha?" Mahinahong tanong ni Momo, kung sakanila lang easy lang iexplain eh pero kung nakita ng iba ibang issue yun.

"Siya yung tinuruan ko kahapon sa Library." At sabay silang nakahinga ng maluwag. 

"NAGPATUTOR LANG SI BRENT KAHAPON SA KANYA OKAY? NO MORE ISSUE." sigaw ni Momo sa klase kaya pati mga kaklase ko nakahingang maluwag ano akala nila? Inaakit ko si Brent? Hayyss. 

"Tara na nga. May trabaho pa ako" lumabas na kami ng room at nagpunta na ng parking lot. Habang naglalakad kami napansin ko ulit yung kotseng pamilyar. Ano na namang kailangan niya ngayon? 

"Oh napano ka? Para kang nakakita ng multo" Saad ni Aly pakatapos kong mag stop sa paglalakad. 

"Ikaw ba naman makakita ng Gwapong Multo talagang gaganyan ang mukha mo. Tara na Aly may sundo na ang Prinsesa ntin." Nang aasar na sabi ni Momo kaya tiningnan ko siya ng masama. Nakita niya rin pala si Trystan. Linapitan ko muna si Trystan bago ko sila pauwiin. 

"Gusto mo na naman ba akong makita?" Bungad ko sa kanya at ngumiti naman siya. Gagawin niya ba talaga ang lahat mapapayag lang niya ako?

 "Nothing more nothing less. Come on ihahatid na kita sa trabaho." Sinenyasan ko sina Momo na mauna na sila. May hiya pa naman ako sa sarili ko, ang ganda ko naman masyado para tanggihan ang alok niya na ako mismo sinadya niya rito. 

"Hindi kaba nagsasawa sa mukha ko at kailangan mopa talagang makita araw araw?" Tanong ko habang nagmamaneho siya. 

"I can't see any reason para pagsawaan ang maganda mong mukha." Napangiti ako sa sinabi niya. Nagstay pa siya sa Café hanggang matapos ang shift ko. Tinutukso pa nga ako ng mga kasamahan ko dahil nakita nila kaming sabay na dumating. 

 "Di ka ba napapagod? Nagtatrabaho kapa dba? Usually kase lagi ka dapat may meeting." Hindi siya sumagot bagkus itinigil niya ang sasakyan sa may gilid kung saaan may park. Bumaba siya kaya bumaba rin ako at sinundan siya papasok sa park. Umupo ako sa swing habang siya nakatayo at pinagmamasdan ang buwan. Lobo lang ang peg eh yun bang kakahol na anytime. 

"Euni?"

"Hmm?"

 "Am I a boring person? Malungkot ba akong kasama?" I stop swinging nang magtanong siya. Ano namang klaseng tanong yun? Magdadrama pa yata kami dito eh.

 "San naman galing yan? Mag eemo ka rin ba pagkatapos mokong paiyakin nung isang araw? Of course you're not. Wag mo ngang dinodown sarili mo." Humarap siya sakin at naglakad palapit.

"Can i get a good night kiss now?" Kiss kisin ko kaya to sa pader? Pagkakamalan kong manyakis to ng wala sa oras eh.

"Kiss yourself! Tara na nga! Gabi na kung saan saan moko dinadala pagkamalan kapang kidnapper nyan eh." Nauna na akong maglakad sa kanya at hinatid na niya ako sa apartment ko. 

~~

"Nay, seryoso ah. Simula nung nag usap kayo ni Trystan wala ka ng naikukwento samin. Nanghihinala nako Nay ah!" Natawa ako ng bahagya sa sinabi ni Momo. Oo nga pala nalimutan kong ikwento yung nangyari. 

"Masyadong mahaba kasi kaya nalimutan ko hehe." Kinwento ko yung sa buhay ko sa kanila. Siguro kahit private life ko na yun, they still have the rights to know it because they are my friends my bestfriends.

He and SheWhere stories live. Discover now