Chapter 3

15 2 0
                                    

  Euni's POV 

 Dumeretso nalang akong trabaho at hindi na pumasok sa hapon. Nag text narin naman ako sa dalawa at dadaan nalang daw sila mamaya dito. Pinapataas ang dugo ko ng lalaking yun. Kailangan lang pala ng Fiancé ako pa hinablot, pwede naman kasing kumuha nlang dyan sa kanto tutal ako rin pala yung tipo niya. 

 Hindi ko rin naman siya kilala. Ang malala pa.............. Naiiyak ako pag naaalala ko na siya ang FIRST KISS KO. huwaahhhhh! Mama! Papa! Yung First Kiss ko! 

 "Huyy! Parang wala ka sa katinuan! Tignan mo yang tinitimpla mo umaapaw na!" Tiningnan ko naman ang kapeng tinitimpla ko. Umaapaw na nga. Aysshhh. Nabubuysit nako uyy!

 "S-sorry may iniisip lang" 

 "Hala sino naman? Boyfriend mo?" Boyfriend? WALA NGA AKONG BOYFRIEND EH KAILANGAN IPANGALANDAKAN? 

 Mag gagabi na at dumarami na ang customer namin pero wala pa yung dalawa. Ang tagal naman nila grabe.

 "Euni! May naghahanap sayong dalawang babae. Puntahan mo muna kami na dyan" pinuntahan ko yung dalawa na nakaupo at halatang maraming itatanong. Umupo ako na ako. 

"Euni! Sino yun?" 

 "Nay! Sabi mo wala kang Boyfriend?"

 "Why did he kiss you?"

 "San ka niya dinala?"

 Hayss. Kinwento ko sa kanila ang nangyari at alam niyo kung anong reaksyon nila? 

 "Sayang! Bat di ka pumayag?" 

 "Fafa na nga yun tinanggihan mo pa!"

 "Oo nga Nay! Maayos namang naki usap!" 

 Ayos dba? Imbes na sakin sila kumampi kinampihan pa yung lalaking yun. May problema pa ako sa school na dapat ayusin tapos sumabay pa yung lalaking yun naku naman! 

 "Iwan ko muna kayo dyan, maraming ng customer eh" Tumayo ako at nagtrabaho na ulit. 

 "Euni table 8 Regular" Kinuha ko ang order na black coffee at isang cake. Inilapag yun sa table 8 na may nakaupong lalaki. 

 "Thank You for coming sir" pagtalikod ko nagsalita siya. 

"Didn't I tell you don't call me Sir?" Y-yung boses niya. Lumingon ako at nakita ko na naman siya. Si Trystan. Ano na naman bang kailangan ng lalaking ito. 

 "Ano na naman ba?" Mataray kong tanong sa kanya. He just smile again. 

 "What? Did I do something again that makes you so mad?" Natatawang sabi niya. Nang aasar ba to? 

 "Eh bat ka nandito?" 

 "Hindi mo ba narinig? Table 8 REGULAR" Doon lang pumasok sa isip ko yun. Regular? Regular siya dito? Araw araw siyang nandito? Eh bat hindi ko siya napapansin? At hindi ko siya namukhaan? Natahimik ako bigla sa sinabi niya. At walang ano ano ay umupo ako sa upuan na kaharap siya. Humarap muna ako kina Aly at Momo at mukhang nakita rin nila siya. 

 "Look Trystan, I'm not interested on your offer. I can live by myself." Humigop muna siya ng kape bago magsalita. 

 "I didn't say it is an offer. It is an order." Nang aasar yata talaga tong lalaking to eh! 

 "What? Order? Ano order from God? Pwede ba I'm done with your silly jokes Trystan! Ni hindi nga kita kilala tapos sasabihin mong it is an order?" Inilapit niya ang mukha niya sakin at ngumiti.

He and SheWhere stories live. Discover now