Chapter 20: Surrendering to Love

Mulai dari awal
                                    

            "Sa lahat, dapat na unawain mo si Eunice. Siguro siya na ang mali pero hindi mo dapat ipagduldulan pa sa kanya iyon, hijo," malumanay na sabi nito. "Huwag mong hayaan na kainin ka ng galit mo. Hindi kita pinalaking ganyan."

            "Rachelle's pregnant," mahinang sabi niya. "Hindi ko siya mapanagutan."

            Idinantay ng mama niya ang kamay sa kanyang balikat. "Hindi rason iyon para lalo kang magalit kay Eunice."

            Nagtagis ang mga bagang niya. Bakit ba lahat na lang ay kampi kay Eunice? Bakit ba lahat ng mga nakakausap niya ay ipinipilit na intindihin niya ang babaeng iyon?

            "Hijo, bigyan mo ng panahon si Eunice na matutunan niya nang tama ang mga bagay na kailangan niyang matutunan," his mother softly said. "Also, let Rachelle go for a while. Kung magpapakasal na siya, ibig sabihin binigyan niya ng ibang pagkakataon ang sarili niya para naman sumaya at may mag-alaga sa kanya."

            So what? He needs to choose between his bratty wife and Rachelle? "Mas kailangan ako ni Rachelle, Mama," pilit niya pa. "Magpapakasal lang naman siya sa iba dahil nga wala-"

            "Bigyan mo si Rachelle ng pagkakataon na makapag-move on."

            "I'm the father of her child, Ma! Hahayaan ko bang lumaki ang anak ko na hindi ko nakikita? Hahayaan ko na ibang ama ang makilala niya?" 'di niya mapigilang itaas ang boses.

            Bumuntong-hininga ang kanyang ina at umiling-iling. "Pero may asawa ka naman na kailangan mong intindihin-"

            "Na wala naman dapat talaga kung hindi niyo ipinilit na makasal ako kay Eunice! I don't want this marriage!" Napatayo na siya at nagpalakad-lakad. Humugot siya ng mga malalim na hininga. "Napaka-komplikado ngayon ng sitwasyon dahil sa kanya."

            "Why do you blame everything to Eunice?" singit ng kanyang ama.

            Napatingala siya at nakitang pababa ito ng hagdanan.

            "Hindi mo rin ba sisisihin ang sarili mo? Hindi mo rin ba itatanong sa sarili mo kung ano bang nagawa mo at nandiyan ka rin sa sitwasyon mo ngayon?" dagdag pa nito. Bumaling ito sa kanyang ina. "Magpahinga na tayo, Theresa. Hayaan mong mag-isip nang mabuti ang anak mo. Pinapairal kasi ang galit kaya hindi makapag-isip ng tama."

            "Papa..."

            Humarap ito sa kanya. "Walang pumipilit sa'yo na habulin si Rachelle. Kahit siya, gusto nang lumayo muna sa'yo. Respect that. Huwag kang gumawa ng mga problemang wala naman."

            Napayuko siya. Hindi alam kung anong isasagot sa ama.

            "Now, you're married to Eunice. Kahit mali pa ang rason ng pagpapakasal niyo, subukan mong pakisamahan nang tama ang asawa mo," dagdag pa nito. "Stay here if you want to. Gamitin mo ang gabing 'to para makapag-isip ng tama, Terrence."

❤❤❤

MAAGANG nagising si Terrence, kaya naman mabilis na rin siyang umalis sa bahay ng mga magulang. He doesn't feel like going to work. Ayaw niya pa ring umuwi sa bahay nila ni Eunice. Wala na rin naman siyang mapupuntahan na kamag-anak ni Rachelle para mapagtanungan kung nasaan ang dalaga.

            Napakaraming iniisip ni Terrence habang nagmamaneho kaya naman hindi niya agad napansin ang pagtawid ng isang matandang lalaki. Nanlaki ang mga mata ni Terrence at mabilis na tinapakan ang brakes.

            "Damn it!" he loudly cursed when he hit the man. Mabilis niyang tinanggal ang seatbelt at bumaba ng kotse. Mabilis niyang nilapitan ang matandang lalaki na nakahiga na ngayon sa lupa at tila namimilipit sa sakit. Hindi naman ganoon kalakas ang pagkakabundol ng kotse niya rito kaya naman baka nabalian ito.

Love at its Best (Love Series #1)Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang