Chapter Eleven: Finding out the truth

Comenzar desde el principio
                                        

Medyo sumakit 'yung kamay ko sa pagtatype ah.

Ang haba kaya nung tinext ko kay Angela.

Haaay.

Sana naman magreply siya, gusto ko malaman reaction niya at ang kwento naman nila ng ex niya.

Sana hindi masayang 'yung effort ko sa pagtetext ng mahaba.

Hindi ko binibitawan 'yung cellphone ko at nakatingin lang ako sa screen ng phone ko, hinihintay lumabas 'yung pangalan ni Angela.

Mga ilang oras na rin ang nakakalipas at hindi pa rin ako nakakatanggap ng reply mula dito.

Ang aga naman masyado kung nakatulog na 'to?

9:45 pm pa lang sa orasan ko eh.

**

Point of View:

[Angela Monique]

...

Naalipungatan ako at nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang dumilat 'yung mga mata ko.

Ang weird lang.

Kinuha ko 'yung cellphone ko sa ilalim ng unan ko para i-check kung anong oras na.

Ano?!

3:45 am pa lang?!

3 messages?

Kanino naman kaya galing 'to?

Inopen ko 'yung inbox ko at nakita ko ang pangalan ni Kean na may dalawang messages at isa galing kay Jenika.

Una kong binasa 'yung message ni Jenika.

From: Jenikaaa

"Nique! Mag-ready ka for tomorrow. Puntahan ka namin ni Christian. Mag-impake ka na rin ng mga konting damit. Kikidnapin ka namin, okay? Hahahaha! Love you! Goodnight :*"

Ano daw?

Ano nanaman kaya pinaplano nitong mag-jowang 'to?!

At talagang kikidnapin pa nila ako, ha? Eh kung umalis kaya ako mamaya bago sila pumunta dito sa condo? Ewan ko lang kung makidnap nila ako.

>:)

Hindi ko na lang muna nireplyan si Jenika, hintayin ko na lang text nito ulit mamaya.

Mukhang lakas trip nanaman 'yung dalawang 'yun!

Pwes, pagtitripan ko rin sila!

>:)

Sunod ko namang binasa 'yung dalawang napakahabang messages ni Kean.

Nawala 'yung antok ko eh, matapos ko mabasa 'yung pagkahaba-haba ng mga messages niya about sakanilang dalawa ng ex-gf niya.

Wow, ha? At talagang kinuwento niya saken 'yun.

Pero grabe naman pala 'yung nangyari sakanila.

Kung ako rin naman kasi 'yung Cindy na 'yun at mahuli kong may kahalikan 'yung boyfriend ko kahit na alam ko pang sinet up lang siya ng parents ko eh, makikipagbreak talaga ako!

Hindi naman yata tama 'yun, sana nung una pa lang, lumayo na siya dun sa bruhang 'yun!

Hindi ko alam kung ano irereply ko rito. Ang haba kasi ng message niya eh.

At hindi ko pa naman nararanasan 'yung ganon kaya hindi ko alam kung ano irereact ko.

Buti na lang, hindi ganon 'yung nangyari samen ni Charlie.

Has llegado al final de las partes publicadas.

⏰ Última actualización: May 09, 2014 ⏰

¡Añade esta historia a tu biblioteca para recibir notificaciones sobre nuevas partes!

It Started With A Wrong Phone CallDonde viven las historias. Descúbrelo ahora