Masaya ako na nagkita ulit kami ni Jeric, nakapag-usap at naayos namin 'yung naging problema between sa aming dalawa.
Wala na akong pakeelam kung hanggang ngayon galit pa rin saken 'yung mom niya.
Wala na rin naman kami ni Charlie, 2 years ago na.
Ang mahalaga eh, naibalik namin ni Jeric 'yung magandang pagkakaibigan namin nung mga college pa kami, 'yung time na bago pa dumating sa buhay ko si Charlie.
Hindi ko man ineexpect na mangyayari 'yung ganito samen ni Jeric after all, hindi naman ako nagsisisi na nagkita ulit kami matapos ang mahabang panahon.
Somehow, gumaan ang pakiramdam ko after mangyari 'yung gulong naidulot ko sa event nila ngayong gabi.
Pabalik na kami ni Jeric sa hotel.
Kailangan ko na ihanda ang sarili ko, sesermunan kaya ako ni Sir Joe?
For sure kapag nalaman ni Ma'am Helen 'tong nangyaring 'to, kahit hindi siya ang manager ng Banquet, sesermunan ako nun kahit sa Front Office department pa siya naka-assigned.
"Naaalala mo ba 'yun? Nakakatawang isipin na nangyari 'yung ganon saten, Monique." sabi ni Jeric, sabay tawa.
We're currently having a good time habang pinagkukwentuhan namin 'yung mga memories namin nung college pa kami.
"Nakakatawa talaga! Hindi ko nga lubos maisip na kaya mong gawin 'yun eh mapagselos mo lang si Charlie."
"Pero ano na kayang balita dun kay Charlie? Wala na rin kasi akong naging balita sakanya after n'yo mag-break eh."
Natahimik ako.
Baliw talaga 'tong si Jeric eh.
Pinaalala nanaman saken si Charlie.
"Ay sorry, Monique.." Napansin kasi nitong bigla akong tumahimik.
"Okay lang.. Alam ko namang sinasadya mo eh."
"Uy, hindi ah! Bigla ko lang naisip. Sorry.."
Natawa na lang ako sa reaction nito.
"Joke lang! Ikaw naman oh!"
"Hindi ka pa rin nagbabago."
"Maganda pa rin ako?" pagbibiro ko dito.
"Sobra!"
Pabiro ko itong hinampas sa braso.
"Pinagtitripan mo nanaman ako, Jeric!"
"Jeric? Monique?" gulat na sabi ni Ian na nakatayo malapit sa kotse na naka-park sa may harap ng hotel.
Napatigil kami ni Jeric sa pag-uusap at paglalakad.
Kasama niya 'yung..
knight shining in armor ko.
Biglang lumabas si Jenika na galing sa loob ng kotse.
"Monique!!" sigaw nito habang tumatakbo palapit saken.
Bigla itong napahinto nang makita niyang magkasama kami ni Jeric.
"Magkakilala kayo??" gulat na gulat na tanong niya.
Magsasalita na sana ako kaso inunahan ako ni Jeric sumagot sa tanong ni Jenika.
"Yeah! Kilala mo din siya Jenika?"
Hindi ako sumabat sa pag-uusap nila, naalala ko pala, nagtatampo pala ako kay Jenika dahil sa hindi niya pagsabi saken na kasama pala siya sa event.
"Dito ka din nagtatrabaho sa hotel diba?" dugtong ni Jeric.
Nagkatinginan kami nung knight shining in armor ko. Pero umiwas agad ako ng tingin dito.
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
