Chapter Two: When everything's falling apart

207 13 5
                                        

Point of View:

[Kean Luis]

**

"Luis!"

"Tol, buksan mo 'tong pintuan, si Christian 'to!" Patuloy pa rin ito sa pagkatok ng pintuan dahilan para tuluyan na nga akong magising nito.

Nakapikit akong bumangon.

"Grabe! Kanina pa ako nakatok! Halos mabutas ko na 'yung pintuan sa kakakatok e! Ang hirap mong gisingin."

Hindi ko ito pinansin. Bumalik ako kaagad sa higaan ko pagkatapos ko itong pagbuksan ng pintuan.

Nakadapang bumagsak ako sa kama ko para bumalik muli sa pagtulog.

"Walanjo! Kaya naman pala ang tagal buksan ng pintuan e. Naglasing nanaman kagabi ang tropa ko!" 

"Tol, bumangon ka na dyan, alas-dos na ng hapon oy! May rehearsal pa tayo! Patay nanaman tayo nyan kay manager!" sabi nito habang niyuyugyog ako nito at nagtatalon-talon sa kama ko para lang gisingin ako.  

"Christian!" sigaw ko at napabangon na nga ako nito sa inis.

"Odi bumangon ka rin!" pang-aasar pa nito.

Para akong lantang gulay na bumangon at naupo muna sa gilid ng kama ko habang nakapatong ang dalawang siko sa magkabilang hita ko at hinihilot-hilot ang ulo ko.

"Hangover tol? Sarap nyan!"

"Sobrang sakit ng ulo ko. Lintik na alak 'yon!"

Ang dami ko kasing nainom na iba't-ibang alak kagabi after ng gig namin sa Eastwood.

Tama, may banda ako at isa akong vocalist.

Simple lang ang banda namin, hindi kami ganoon kasikat pero magagaling kaming tumugtog. Tuwing gabi, may gig kami sa iba't-ibang mga bar.

"Mukhang.. may problema nanaman tayo sa pag-ibig tropa, ha? Kilala kita Luis, hindi ka magpapakalasing nang sobra dahil alam mong magagalit sayo si Cindy.. unless.. siya ang dahilan nitong pagpapakalasing mo." sabi nito na nakatayo sa harapan ko na para bang sinesermunan ako.

Hindi ko muna pinansin 'yung sinabi nito. Sa halip ay tumayo ako at dumiretso sa ref para kumuha ng maiinom na tubig.

Naalala ko nanaman kasi 'yung pag-aaway na nangyari sa amin kagabi ng girlfriend este, ex-girlfriend ko na pala ngayon dahil nakipagbreak nanaman siya sa akin kagabi.

"Nag-away nanaman ba kayo ni Cindy my loves mo, tropa?

Huminga ako nang malalim bago ko sagutin si Christian.

"Hindi lang away.. nakipagbreak nanaman sa akin si Cindy, tol."

Napailing ng ulo si Christian at ngumiti nang bahagya. 

"Tsk tsk! Sabi na nga ba eh! Hindi ka pa nasanay dun! Ako kasi sanay na sanay na sa ganyang sitwasyong niyong dalawa mag-jowa e! Magbebreak tapos magbabalikan tapos magbebreak nanaman tapos mamaya-maya magbabalikan nanaman. Ang gulo niyo tol!"

"Grabe ka naman tol.. Parang kayo ng girlfriend mo hindi parang aso't pusa, ah?"

"Para nga kaming aso't pusa pero hindi naman kami nagbebreak pa! Oha? Saya-saya nga namin kagabi e!"

"Alam na! Wag ka na mang-inggit pwede tol?

"Sus, hintayin mo lang, mamaya-maya tatawag 'yun sayo para makipagbalikan.. ULIT! Chill ka lang dyan tol!"

"Sana nga.. dahil hindi ko kayang mawala sa akin si Cindy.."

**

"As what I expected, late nanaman kayong dalawa!" bungad sa amin ng manager namin pagkapasok namin sa studio.

It Started With A Wrong Phone CallWhere stories live. Discover now