Yung para bang matagal na kaming magkakilala.
Yung tipong normal na lang 'yung pagbibiro namin sa isa't-isa at hindi na siya nagsusungit gaano saken.
"Ako mahihirapan mag-move on? Eh nakapagmove-on nga ako agad sa ex ko after kita makilala eh."
Medyo matagal akong hindi nakarinig ng sagot mula dito.
"Huy! Hindi ka na nagsalita dyan? Siguro ikaw, hindi ka pa nakakapagmove-on sa ex mo, no?"
"Ano bang pinagsasabi mo dyan? Hindi mo naman alam 'yung nangyari kaya wala ka karapatan magsalita nang ganyan saken." medyo inis na sabi nito. Ramdam ko mula sa tono ng boses nito.
"Eh bakit ba kasi ayaw mong ikwento saken 'yung nangyari sa inyo ng ex mo?"
"Bakit ko ikukwento? Nagkwento ka na ba saken tungkol sa inyo ng EX-GIRLFRIEND mo?!"
"Oh bakit parang nagagalit ka na? Uyyy.. Interesado siya malaman 'yung tungkol samen ng ex ko oh!"
"Di wag! Hindi naman kita pinipilit ikwento, no! At excuse me, hindi ako interesado sayo! Dyan ka na nga! Matutulog na ako."
"Uyyy! Ikukwento ko na nga eh! Wag ka na muna matulog, Angela!"
"No need! Sige na, goodnight! Bye!"
"Tek--" Hindi ko na natuloy pa sasabihin ko dahil bigla na nitong pinatay 'yung tawag.
Ikukwento ko na nga eh, nagalit pa tuloy.
Tsk tsk!
Napakamot na lang ako ng ulo sa inis eh.
Mukhang nainis nanaman siya saken.
To: Angel
"Okay, ikukwento ko na lang dito sa text 'yung tungkol samen nung ex kong si Cindy at kung ano 'yung nangyari samen nung gabing na wrong number ako sayo.."
Sinubukan ko munang isend sakanya 'yun para malaman kung ano reaction niya, kung interesado nga ba siya talagang malaman 'yung samen ni Cindy.
Nagulat ako nang bigla kong makita ang pangalan nito sa screen ng phone ko.
From: Angel
"?"
Ano ba namang reply yan?
-_________-
To: Angel
"Cindy was my girlfriend for 3 years and was soon-to-be my fiancée kung hindi lang nangyari 'yung gabing 'yun. Nung una pa lang, ayaw na saken ng parents niya kaya pilit kaming pinaghihiwalay nito. Model kasi si Cindy at ako, isang hamak lang na vocalista sa isang banda. Kumbaga, langit siya at ako naman lupa. Kaya para sa mga parents niya, hindi kami nababagay para sa isa't-isa. At dahil hindi kami mapaghiwalay ng parents niya, sinet up ako nito. Kinuha nila cellphone ni Cindy at nagpanggap na sila si Cindy habang tinetext ako. May gig kami nung gabing 'yung tumawag ako sayo, naglasing ako after ng gig namin kasi akala ko nakikipagbreak na talaga saken si Cindy, 'yun pala parents niya lang 'yung nagtetext saken..."
At dahil masyado na mahaba 'yung text ko, sinend ko na muna 'yun bago ko ipagpatuloy 'yung kwento ko.
To: Angel
"Then, hindi ko alam kung paano ako nakarating ng apartment ko kasama ang isang babaeng hindi ko kilala. Hindi ko alam na pupunta pala si Cindy sa apartment ko rin nung gabing 'yun para sabihin 'yung tungkol sa mga ginagawa ng parents niya para paghiwalayin kami. Kaso nahuli niya kami nung babaeng hindi ko kilala na parehas ng nakahubad ang pangtaas at naghahalikan. Inaamin ko, wala na ako sa katinuang pag-iisip nun. Ang tingin ko dun sa babaeng kaharap ko ay si Cindy.. Yun pala, kasama pala sa plano ng parents ni Cindy 'yung babaeng 'yun kaso nakita niya akong hinahalikan ko rin ito kaya sobra na lang ang galit nito saken at tuluyan na nga siyang nakipagbreak saken."
YOU ARE READING
It Started With A Wrong Phone Call
Teen FictionAfter being dumped by her long term boyfriend and her first love, Angela Monique Garcia meets a guy named Kean Luis Dela Vega when he accidentally dialed a wrong number. He was crying and asking for her to come back and don't break up with him who h...
Chapter Eleven: Finding out the truth
Start from the beginning
