CHAPTER 29 - Hello Sa MagPinsan

Magsimula sa umpisa
                                    

"Actually, she's not invited" nalungkot naman ako sa sagot nya, "Sorry ha? Wala ng space na room para sayo eh" sabi nya then he smirk at umalis sa classroom.

Napaupo ako sa tabi ng upuan ko at sinubsob ko yung mukha ko sa mga braso ko, "Myrtle, nagbibiro lang yung gagong yun. Sure akong invited ka. Alam kong galit ka sa kanya at ewan ko sa kanya kung galit din sya sayo pero sure akong welcome ka sa party nya bukas" sabi ni Max habang hinahagod yung likod ko. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako.

Pinunasan ko yung mga luha ko at hinarap si Max, "No. I won't come. Sya na nagsabi" sabi ko at tumayo tapos umuwi na ng bahay.

Dumiretso ako sa kwarto ko at sinalampak yung katawan ko sa kama habang umiiyak akong nakatingin sa ceiling at yakap yakap ko yung stufftoy na binigay nya sakin nung nasa Palawan kami.

Pagkatapos kong umiyak, nagbihis ako ng pambahay at nagsuot ng jacket. Humingi ako ng pera kay Mommy.

"Myrtle! Can you buy me some Kitkat?" tanong ni Alixia. Inabot nya yung pera sakin tapos tumango lang ako at lumabas ng bahay. Naglakad lakad ako sa malapit na 7/11 sa subdivision namin. Binili ko muna yung Kitkat ni Alixia tapos nagorder ako ng siopao tsaka coke.

Umupo ako sa dulo at tinignan yung pagkaing nakalagay sa table ko. Maya maya, may umupong nakahood na black na lalaki sa katapat kong upuan. May nilapag syang maliit na card sa table.

"Mom wants to see you tomorrow. I meant what I said earlier. Sya ang nagiinvite sayo" sabi nya habang nakatitig sakin. Kinuha ko yung invitation card tapos tumingin ako sa kanya at ngumiti ng pilit, "Tell your Mom, thanks" sabi ko. Tumango lang sya tapos umalis na din sya agad.

Xander, why? :(

=====

Nandito ako sa tapat ng bahay namin at inaabangan ko yung van. Pumunta pala sa bahay kagabi si Tita Melody (mom ni Xander) para sabihin na susunduin nya na lang ako sa bahay namin.

Napatingin ako sa wrist watch ko. 3:30 AM pa lang at kinakain ako ng lamig dito. Nakarinig ako ng tunog ng kotse at napalingon ako sa left side.

Bumaba sya mula sa sasakyan nya at lumapit sya sakin, "Sakin ka na daw sumabay" sabi nya at kinuha nya yung mga gamit ko.

"A-akala ko ba van ang susundo sakin?" tanong ko sa kanya. Tumigil sya sa paglagay ng bag sa likod ng sasakyan nya, "Puno na yung van. Ngayon, kung gusto mong sumisik pa dun hindi kita pipigilan" sabi nya kaya napayuko na lang ako.

"Ngungulit pa eh" bulong nya pero rinig ko naman =___=

Binuksan ko na yung pinto sa passenger seat tapos pumasok na din sya at nagstart na syang magdrive.

XANDER's POV

Palinga linga ako sa katabi ko. Wala eh. Miss ko na sya.

Tumigil ako sa isang gilid. Nasa NLEX kami papuntang private resort namin. Pinatay ko yung engine tapos naglean down ako sa katabi ko.

Mahimbing lang syang natutulog. Inayos ko yung ilang strands ng buhok sa mukha nya.

Ang tanga ko kagabi. Masisisi nyo ba ako? Tao lang naman din ako, may pakiramdam, nasasaktan. Kaya lang naman ako nagiging cold sa kanya dahil gusto ko ng lumayo, para di na masyadong masakit sakin.

Pero...

Kahit anong layo ko pala, babalik at babalik pa din ako sa kanya.

Bumalik ako sa upuan ko nung nakita kong gumalaw sya kaya dali dali kong pinaandar yung sasakyan.

Ang Girlfriend Ng Hearthrob Ay Isang TOMBOY ??!! O__O ITahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon