Mariner's Heart 24

2.8K 90 30
                                    

MARINER'S HEART
Written by: MyProperty_

All Rights Reserved 2017






~~~~~




Lance's POV




I am trying to adjust to my new environment. Sa isang linggo na nakalipas ay masasabi kong masaya dahil habang vacant ay nakasanayan ko na sa tambayan namin ako pupunta. Magpapahinga at mag-aaral. Araw-araw ko na rin silang nakakasama at sa araw-araw na iyong ay mas lalo akong nahulong kay Vince.




Hindi mawawala ang asaran, bangayan na parang aso at pusa pero ang mas lalong nakapahulog ng loob ko sa kanya ay kanyang pagiging sweet, maaalahanin at pagiging pagka protective niya sa akin. Walang sinuman ang hindi naghahangad ng ganito. Ganitong trato ng isang lalaki sa ming kagaya ko na nabibilang sa LGBT community. Kaya laki ang pasasalamat ko sa kanila at kay Vince.









Isang typical na hapon na akala ko papauwi na kami eh yun pala may pupuntahan daw kaming dalawa. At sa sobrang pagod naman ay nakatulog ako ngunit nagising nalang ako ng ninakawan na ako ng halik. Babangayan ko sana ito ng napa tulala ako sa lugar kung saan kami ngayon.




Humahampas sa aking balat ang preskong simoy ng hangin at ang ginaw nito dahil sa gabi na at kitang kita ko mula dito sa taas ang city lights. Yes, nasa pinaka tuktok kami kung saan lahat ng ilaw na nanggaling sa baba, pati mga buildings ay kitang kita dito. Mukhang pinaghandaan iyon ni Vince dahil may dala pa itong tent at mga pagkain.





Kaya sa gabing iyon ay sobrang saya ang aking nadarama dahil sa good vibes na tanawin, at dahil sa aking kasama.






Nakaupo ako sa may carpet habang siya ay may kinuha sa loob ng sasakyan. Tinatanaw ko ang nasa baba. Hindi naman sa first time ko dito pero iba talaga pagka mahal mo ang kasama mo.





"It is not about where you are, it is about who you with."






"Lalim ng iniisip natin ah." Sabi nito havang umupo sa tabi ko.




Ilang segundo akong hindi umimik at tumingin ako sa kanya sabay ngiti at bigkas, "Thank you Vince."



"For what?"




"For making me special, regardless of what I am."





Natahimik ito habang nakatitig sa akin. Tumingin ako sa kanyang mata na wari ay may gustong sabihin ngunit hindi niya masabi. Kaya nakipagtitigan lang ako sa kanya.






Hindi ko namalayan na sobrang lapit na pala namin sa isa't isa. Isang urog na lang ay maglalapat na ang aming labi kaya pumikit ako. Pinapaubaya ko na ito sa taong mahal ko. At hindi tumagal ay lumanding na nga ito sa aking labi.




Isang masuyong halikan bago ito bumitaw.





"You are more than enough Lance. I know how stupid it is but if it comes with you, I will be stupid. Pero sa iyo lang ako nagkakaganito..." tumigil muna ito sandali at nagpatuloy, "...alam ko malaki ang kasalanan ko dahil ako ang dahilan ng pagkawalay mo sa mga kaibigan mo. Dahil sa akin nag away kayo. Pero Lance, mas masama kung ipilit ko ang sarili ko sa isang taong hindi ko na mahal."





"Noong unang kita ko pa lang sayo ay may iba na akong naramdaman na hindi ko ma wari. Noong una akala ko wala lang ito, marahil ay namangha lang ako pero hindi Lance eh. Sa mga sandaling magkasama ang tropa natin mas lalo pa akong nahulog sayo. Noon pa lang ay pilit ko ng linalabanan ito Lance pero nabigo ako. Dahil kahit na anong pilit ko, ikaw parin ang tinitibok at hinahanap dito." Sabay kuha sa aking kamay at nilagay sa kanyang dibdib. "Mahal kita Lance, at sana ay hayaan mo akong iparamdam sa iyo ang tunay kong nararamdaman." Dagdag nito habang hinawakan ang kamay ko.





Mas lalo akong namangha dahil sa bawat linya na kanyang pinakawalan ay punong puno ng emosyon at sinseridad.





"Hindi ka masama Vince. Ako, dahil hinayaan ko ang sarili kong mahulog sa boyfriend ng kaibigan ko. Kaya deserve ko kung gaano sila kagalit sa akin." Panimula ko.




"Pero laking pasalamat ko dahil andyan ka, andyan kayo. Oo Vince, noon pa lang may iba na rin akong nararamdaman sayo. Pero natatakot ako sa lahat ng pwedeng mangyari. Natatakot akong masaktan. Natatakot akong matulad ni mommy. Natatakot ako na baka isang araw ma realize mo na sa babae ka talaga sasaya. Natatakot akong....."




Hindi ko na natapos ang aking sasabihin dahil hinalikan na niya ako. Sa una ay smack lang ngunit kinalaunan ay nagpumilit itong pumasok kaya pinaubaya ko nalang. Naghalikan kami at para sa akin ay punong puno ito ng pagmamahal. Saksi ang buwan at mga halaman sa aming kapaligiran sa aming pagmamahalang ngayong gabi. Bumitaw lang kami ng parehas kaming naghahabol ng hininga.




"Mahal ko, hayaan mo akong iparamdam sayo kung gaano kasarap ang magmahal. Hindi ko man maipapangako ang isang perpektong relasyon, hindi ko man maipapangako na hindi tayo mag-aaway, pero that's love Lance. You are willing to take risk. And I'm willing, just to be with you. After all, noon pa lang kitang mahal at hindi ko hahayaan na mawala ka pa ulit sa akin."







Malaman na sabi nito ngunit parang may iba akong nararamdaman sa huling kataga na kanyang binanggit ngunit pinagsawalang bahala ko nalang ito. Ang importante ay kasama ko siya ngayong gabi, ang lalaking tinitibok ng puso ko.





"Hayaan mo muna akong makapag-isip Vince, pero sige bibigyan kita ng pagkakataon." Nakatitig kong sambit dito at bigla akong niyakap kaya napayakap nalang din ako. Natapos ang gabi na siya ang kayakap ko at kung pwede lang, sana ay hindi na ito matatapos pa.












Pero hindi, kasi may biglang babalik. Mas lilituhin na naman ako ng tadhana.









Vince's POV






Naamin ko na rin sa wakas ang tunay kong nararamdaman kay Lance. Simula sa gabing iyon ay parati na akong bumibisita sa kanila. Hinahatid sundo papuntang paaralan. At sa mga araw na nagdaan ay mas humanga pa ako sa taong mahal ko. Indeed, hindi siya katulad sa iba. Kaya pala talaga ang lakas ng tama niya sa akin.




"Pssst." Pag-aagaw pansin ko ng kumuha ito ng apple sa ref.


"Oh bakit? Ako bumili nito kanina." Hayan na naman siya sa pagtataray niya. Pero mas lalo niya itong kina-cute. Hindi kasi bagay sa kanya ang pagsusungit. If I know mahal ako niyan kaya nagsusungit. Hahaha oo na! Ako na tong over-confidence. Nasa tambayan lang kami dalawa ni Lance dahil lumabas muna ang dalawang ugok para bumili ng makakain.

"Baka naman pwedeng humingi ng isa?" Tanong ko habang nakaupo na ito sa sofa.

"Wala na, naubos ko na. Last na 'to." Kakagat na sana ito ngunit bigla akong tumayo sa kinaroroonan niya at agad hinablot ang apple. Umupo ulit ako at agad kumagat dito. Tiningnan ko ito at parang umuusok ang mukha nitong nakatitig sa akin. Ang cute talaga asarin tong mahal ko.


"Hoooooy gorillaaaaaaa!" Sigaw nito at pilit na kinuha ang apple na hawak ko. Nag-agawan kami pero sa mas malakas pa ako sa kanya ay nahila ko ito. Napahiga ako sa sofa at nadala siya kaya napaibabaw siya ngayon sa akin.

Humihingal kaming dalawa habang tumatama ang mata namin sa isa't isa. Nararamdaman ko ang bawat pintig ng kanyang puso. Ewan ko ba kung nararamdaman rin niya ang akin. Nakakapang-akit talaga ang mga niya. Unti-unting palapit ang mukha namin sa isa't isa. Akmang hahalikan ko na sa sana si Lance ngunit biglang bumukas ang pinto. Napatigil kami at sabay na lumingon sa pintuan at nabigla kami sa kung sino ang pumasok.










Itutuloy.....


Hmmm sino nga ba? Any idea? 🤔🤔

Mariner's Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon