Mariner's Heart 21

3.4K 131 6
                                    

MARINER'S HEART
Written by: MyProperty_
All Rights Reserved 2016





~~~~~





New beginning






Lance's POV




Nakatunganga akong nakatitig sa aking harapan kung saan maraming pumapasok sa isang napakalaking gate.





Hindi ko mawari, para lang akong freshmen nito, ang aking nararamdaman. Mixed emotions kumbaga dahil sa paglipat ko ng bagong paaralan na mas malaki pa kung ihahambing sa dati kong pinapasukan.






This is it!







New school

New people to meet

&





New friends to make.





Speaking of friends, agad ay sumagi sa akin ang aking dating mga kaibigan. Kamusta na kaya sila? Galit pa rin kaya sila sa akin? O baka mas kinatuwa pa nila ang paglayo ko sa kanila. Hindi ko naman sila masisisi dahil in the first place, alam kong mali ako. Pero inaamin ko, sobrang miss ko na sila. Sana mapatawad niyo na ako.







"Aray!" Napatigil ako sa aking pag-iisip ng may bumunggo sa akin at halatang nagmamadali.






Tumigil ito at yumuko sabay sabing 'Sorry' at walang anuman ay tumatakbo na naman ito papasok sa loob.




"What a weird guy." Sabi ko sa aking isipan at sinimulang tahakin papasok sa loob ng paaralan. Maaga pa lang ay andami ng mga studyante. Lahat ay abala sa kani-kanilang mga ginagawa habang ako ay pinagmamasdan ang isang mapa kung saan naka lagay ang aming deparment building.






Hanap dito, hanap doon.

Lakad dito, lakad doon.

Iwas dito, iwas doon.






Mahigit 30 minutes ko iyong ginawa para lang mapadpad dito sa building na to. Akalain mo naman, iba't ibang building pa ang tatahakin ko para lang mapunta dito sa building na 'to.





'Kung andito lang sana sila baka hindi na ako mahihirapan pang maghanap.' Maktol ko sa aking isip.






As I look into my watch, nagulantang nalang ako dahil almost 15 minutes na pala akong late. Tiningnan ko muna ang aking studyload at tiningnan ko kung anong floor at room ang subject ko at nagsimula na akong maglakad.




Pagkarating ko ay tama nga ang hinala ko. Nagsisimula na sila at parang masungit pa 'tong professor naming ito. Nagdadalawang isip man ay minabuti ko paring pumasok. Better be late than never ika nga.




"Goodmorning Sir." I bowed as sign of respect and without any hesitations ay sinimulan kung maglakad sa bandang dulo kung saan may isang bakanteng upuan.

Mariner's Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon