Mariner's Heart 20

4.3K 156 19
                                    

MARINER'S HEART
Written by: MyProperty_

All Rights Reserved 2016




~~~~~

Lance's POV


Dalawang araw narin ang nakalipas simula ng umalis sa Charles. Sa dalawang araw na yan ay halos nasa bahay lang ako. Sinusulit ang nalalabing araw kasi simula next week ay magsisimula na ang sem.

Mag-isa lang ako sa bahay ng may narinig akong busina galing sa labas. Ang aga naman ata ni mommy. Sabi ko sa aking isipan.

Ng sinilip ko ay hindi pala kotse namin ang nakaparada kundi kotse ni Daryl. Pagkalabas ko ay nakita ko ring nagsisilabasan sina Vince at Alfred.


Papunta palang ako sa kinaroroonan ng makita ko sa mga mukha nila ang pagkataranta.

"Oh ano nangyari sa mga mukha niyong yan? Para kayo....."

"Lance si Charles! May balita ka ba?" Hindi ako natapos sa aking pagsasalita ng biglang sumingit si Daryl.

Natigilan ako. Eto na nga ba sinasabi ko. Pano ko to haharapin? Charles naman eh, may iniwan pang assignment eh. Maktol ko sa aking isipan.


"Oo nga. Dalawang araw na bago nung nag bar tayo. Kinabukasan hindi ko na macontact. Kala ko lowbat lang. Pero dalawang araw na pero wala parin." Dugtong naman ni Alfred.

Patay! Pano ko ba sasabihin sa kanila? San ko sisimulan?


"Uhm ayaw niyo bang pumasok? Baka mag eskandalo pa kayo dito sa labas eh!" Pilyo kong alok sa kanila ng nakayamot sa aking batok at pilit na tumatawa.


Sumunod nalang silang tatlo at binigyan ko sila ng maiinom. Panay parin ang usap nila tungkol kay Charles kaya nakisali narin ako. Naupo ako sa tabi ni Vince since sa kanyang tabi lang ang may bakante.

"Pinuntahan namin bahay nila kaso sabi nung kapitbahay ay umalis na raw ng bansa." Naguguluhang sambit ni Daryl.

Ibang bansa? Lakas maka-ibang bansa Charles ah. Pero ang totoo ay nasa probinsya lang sila. Sabat ng aking isipan. Gusto kong sabihin pero di ko alam papano.

Ilang minutong katahimikan. Halos naubos na nga ata nila ang pitchel ng tubig sa kakainom. Halata sa kanilang pagkakaba.

"Lance may alam ka ba sa biglaang pagkawala ni Charles?" Natigilan nalang ako ng biglang sabihin yan sakin ni Alfred. Matagal rin bago ako nakaimik at napako lang ang aking paningin sa sahig.

"Ba't di ka makasagot?! May alam ka ba?" This time, natakot nalang ako bigla dahil sa biglaang pagtaas ng boses ni Alfred. Ng tumingin ako sa kanya ay kitang kita ko ang halo-halong emosyon. Pangungulila, galit at lungkot.


"Tol dahan-dahan ka sa panunumbat mo." Inakbayan ako ng katabi ko habang binibigkas ang mga katagang yun. Mas lalo tuloy akong kinakabahan. Mas lalo akong walang masabi. Parang naka mighty bond ang baba ko kasi di ko kayang maibuka.



"Dahan-dahan? Tol ano ba tayo dito? Parang estatuwa? Tang ina pare! Mas alam pa ng baklang to kung ano nangyari kay Charles kesa satin na kaibigan niya!"


Mariner's Heart (boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon