CHAPTER NINE

935 18 0
                                    

"AMANI, isabay mo na kasi ako. Tinatamad akong mag-drive eh."

"Stop it, Lia. Huwag ka na nga sinabing pumunta sa training at hindi kita maaasikaso doon. 'Tsaka na lang, okay? Huwag ka nang makulit." naiinis nang sagot nito.

Nagsalubong ang mga kilay niya at humalukipkip. Sumandal pa siya sa hamba ng pinto ng apartment nito. "Alam mo, parang may nagbago sa'yo. Hindi ko lang sigurado kung ano." tatlong araw na niya itong kinukulit na isama siya sa training ng team nito pero tigas ito sa pagtanggi. Kung ano-anong dahilan ang ibinibigay nito sa kanya na noong una ay hindi lang niya pinapansin.

Syempre best friend niya ito, malalaman niya kapag may itinatago ito sa kanya. Ang tanong lang ay ano iyon at parang marunong na itong magtago sa kanya na hindi naman nito ginagawa noon.

Naging malikot ang mga mata nito pagkatapos ay tinalikuran siya at kinuha na ang bag nito bago siya muling hinarap. "Look, busy lang talaga kami kaya hindi kita maisama sa training. 'Wag ka na lang mamilit, okay?" Marahan siya nitong itinulak palabas ng bahay bago nito ini-lock iyon. Seryoso na ito nang muling bumaling sa kanya. "Just..." Tinitigan siya nito sa mga mata ngunit agad ding nagbawi ng tingin at bumuntong-hiningang nilagpasan siya. "Go back inside and work. Or pumunta ka na lang sa office ninyo at doon ka magsulat. Or better yet, umuwi ka sa inyo at bisitahin mo naman ang mga magulang mo lalo na ang daddy mo. Marami kang puwedeng magawa kaysa manood ng walang kuwentang training namin."

Bago pa man siya makapagsalita ay nagmamadali na itong lumapit sa sasakyan nito. Hindi na siya nito muli pang tiningnan kaya wala siyang nagawa kundi ang sundan na lang ng tingin ang papalayong sasakyan ng kaibigan. Ano ba ang nangyayari dito? Ano ang itinatago nito at ayaw siyang isama sa training ng team nito? Kahit naman anong abala nito ay hinahayaan lang siya nito dahil kahit minsan naman ay hindi pa siya naging abala sa mga training o kahit sa mga laro ng Stray Wolves. Nananahimik lang kasi siya kapag nanonood siya sa mga ito kaya hindi niya alam kung ano ang problema ni Amani.

At kung ano man iyon, kailangan niya iyong alamin sa araw na iyon. Nababahala na din naman siya. Iniiwasan niyang i-acknowledge ang pakiramdam na iyon ngunit ganoong weird na din ang ikinikilos ng matalik na kaibigan ay hindi na siya mananahimik na lang. Baka sakaling may dahilan din kung bakit hindi man lang nagre-reply si Omid sa mga text at tawag niya. Kahit nga ang i-seen zone lang siya sa facebook messenger ay hindi nito ginagawa.

Sana, kung ano man ang problema ng mga lalaking 'to ay hindi naman seryoso. Please lang. piping hiling niya bago pumasok sa bahay niya. Pupunta na lang siya sa Sparta kahit na ayaw ni Amani. Aalamin niya kung ano ang maaaring itinatago ng matalik na kaibigan sa kanya.

PAGDATING sa RMS ay hindi agad pumasok si Lia sa loob. Hindi niya alam kung saan nanggagaling ang kabang nararamdaman niya pero may kutob siyang hindi maganda ang kahihinatnan niyon.

Sumandal na lang muna siya sa sasakyan niya 'tsaka humalukipkip at pumikit. May labing-limang minuto pa siya para kalmahin ang sarili. Sana, kung ano man ang kabang nararamdaman niya ay walang ibig sabihin. Ayaw na niyang mabaliw. Nababaliw na nga siya sa trabaho niya, babaliwin pa ba siya ng mga taong 'to?

"Hey, Lia! Bakit hindi ka pa pumapasok sa loob?"

Pagdilat ni Lia ay ang nagtatakang tingin nina Iyah at Elyza ang nabungaran niya. Halatang kararating lang ng mga ito dahil bitbit pa ng dalawa ang kanya-kanyang bag. "Kasabay mo ba si Amani dumating?" tanong naman ni Elyza.

Umiling lang siya. "Hindi niya alam na nandito ako. Ayaw kasi niya akong isama eh." kaswal na sagot niya. Hindi pa din niya mawari kung bakit ganoon ang ikinikilos ni Amani nitong mga nakaraang araw.

Unexpected Love (Complete)Where stories live. Discover now