CHAPTER EIGHT

913 20 0
                                    

"SO, baby girl. Where do you want to go?"

Nakasimangot na binalingan ni Lia ang mga kasama niya. Ang inaasahan niya ay si Omid lang ang kasama niyang aalis at magliliwaliw pero ang nangyari, sumama sa kanila sina Leo at Amani. Mabuti na nga lang at umuwi na ang kanyang ina at hinayaan na silang mag-bonding nang sila-sila lang. Iyon naman ang gusto niya, hindi ba? Ang maka-bonding ang kakambal niya? Bakit ngayon, naga-alboroto siya?

"Sa impyerno, kasama kayong dalawa ni Amani." pabalang na sagot niya sa kakambal at eksaheradong inirapan ito.

"Mukhang ayaw tayong kasama ni Liandra. Istorbo daw tayo sa date nila ni Omid." nanga-alaskang wika ni Amani.

"Shut up, Amani!" saway niya sa kaibigan pagkatapos ay bumaling siya kay Omid na nakangising nakatingin din sa kanya habang nakahalukipkip. "What?" asik niya sa binata.

Itinaas nito ang dalawang kamay at painosenteng kumurap-kurap pa habang nakatingin sa kanya. "Nothing. You just look cute when you're irritated and angry."

Natameme siya sa sinabi nito. At ang sira ulong puso niya, hayun at nag-react din. "You're sweet, Omid. Ganyan ang mga lalaking kailangan ng kapatid ko eh. Pero pasensya ka na kung medyo mahihirapan ka dito sa dalaga namin, madaming hang-ups sa buhay 'to eh." Inakbayan pa siya ng talipandas na kapatid na siniko lang niya.

"Shut up, Leonardo. Ano bang problema n'yo at kung ano-ano ang sinasabi n'yo kay Omid? We're friends, assholes." asik niya dito at padarag na inalis ang braso nitong nakalingkis sa balikat niya.

"Ano naman ang masama? At ano ngayon kung magkaibigan kayo? Bakit, hindi ba puwedeng ma-develop kayo sa isa't-isa? Grabe ka naman, Liandra. Hindi mo ba gusto 'tong si Omid? Mukhang okay naman siya ha? Kung ako lang ang tatanungin mo, boto na ako dito." Si Omid naman ang inakbayan nito.

"Alam n'yo, nasira na ang araw ko. Wala na akong ganang makipag-bonding sa kahit na sino sa inyo. Kung gusto n'yo, kayo na lang ang magkakasama uuwi na ako." aniya bago tumalikod at nagmartsa palayo sa mga lalaking walang ginawa kundi buwisitin siya. Bahala ang mga itong umuwi nang nagco-commute. Kotse naman niya ang ginamit nila papunta doon.

Nasa tapat na siya ng elevator nang marinig niya ang pamilyar na boses na tumawag sa kanya pero hindi siya lumingon.

"Lia!" hinihingal pang tawag ni Omid sa pangalan niya.

Pero hindi pa din siya tuminag at hinihintay pa din na magbukas ang elevator. Bakit ba ang tagal yata?

"Look, I'm sorry kung napikon ka sa panga-asar namin sa'yo. Nakikisakay lang naman ako sa kapatid mo at kay Amani. Hindi ko naman kasi alam na hindi pala okay sa'yo ang inaasar ng ganoon." paliwanag nito.

"Inaasar ka sa'kin, hindi ka ba naaasar? Hindi ko nga matagalan kapag inaasar ako ng dalawang iyon nang magkasama, ikaw pa? Kung ibang lalaki iyon, baka nag-walk out na iyon o mas malala sinuntok ang dalawang gagong iyon." nanggigigil namang sagot niya. Hinarap niya ito, salubong ang mga kilay at nagngingitngit pa din siya.

"Ayaw mo bang inaasar ka sa kahit na sinong lalaki o sa'kin lang?" kaswal na tanong nito, nagtatanong ang mga mata.

Natigilan siya. Hindi nga niya inisip ang nararamdaman niya. Ang agad na pumasok sa isip niya nang asarin siya ng kapatid at kaibigan niya sa binata ay ang mararamdaman nito. Alam naman kasi niya ang mga lalaki, pagdating sa mga commitments at pakikipag-relasyon ay allergic ang mga ito. She should know, ganoon si Leo bago nito nakilala ang asawa nito. At madalas din ay ganoon si Amani kapag inaasar niya ito sa mga babaeng baliw na baliw dito.

Unexpected Love (Complete)Where stories live. Discover now