CHAPTER SIX

865 22 0
                                    

HINDI lumabas ng bahay si Lia maghapon. Ni hindi siya nag-abalang lumabas kahit halos sirain na ni Amani ang pinto ng apartment niya nang sumapit ang gabi. Ikinabit kasi niya ang bolt ng extra lock para siguradong hindi siya nito masermunan.

Mabuti na lang at kahit paano ay may naitatabi pa siyang mga lulutuing pagkain sa refrigerator kaya hindi siya magugutom. Pinatay din niya ang kanyang cellphone para kung sakaling tumawag ang kahit sino sa mommy o best friend niya ay hindi siya ma-contact ng mga ito.

Hindi niya inasahan ang makita ang kakambal niya. Sana man lang ay na-brief siya ng mommy niya sa mangyayari para kahit paano ay maihanda niya ang sarili sa muli nilang pagkikita. Medyo malaki ang naging kasalanan niya kay Leo at kung puwede lang, gusto niya kapag muli silang nagkita ay handa na siyang humingi ng tawad dito at itama ang mga pagkakamali niya.

Inabala na lang ni Lia ang sarili sa pagta-trabaho. Mabuti na nga lang at naka-tatlong chapters pa siya bago siya tamaan ng antok. Kahit naman hindi niya pinapansin ang matalik na kaibigan ay hindi niya balak na takasan ito sa araw ng laban ng Stray Wolves. She won't miss it for the world. At kahit na kailan, hindi niya ginawa ang mag-absent sa kahit na anong laro ng team.

Tanghali na nang magising si Lia kinabukasan. 'Tsaka lang niya binuksan ang cellphone niya at napangiwi siya nang sunod-sunod na magdatingan ang mga messages. Karamihan sa mga iyon ay galing kay Amani, galing sa mommy niya at galing sa isang numero na nang buksan niya ay napagtanto niyang galing sa kakambal niya. So, matatapos na ang maliligayang araw ng pagtatago niya? Guguluhin na din ni Leo ang nananahimik na kaluluwa niya at wala na siyang magagawa kundi ang harapin talaga ito?

Inilapag niya ang cellphone sa night stand 'tsaka bumangon at nagsimulang kumilos. Sa bahay ni Amani na lang siya kakain kung sakaling nandoon pa ito. Kadalasan kasi ay maaga itong umaalis kapag game day dahil nagte-training pa ang mga ito bago pumunta sa RMS.

Nang matapos mag-ayos ay tinawagan niya ang kaibigan na isang ring pa lang ay sinagot na agad nito. "Ano, buhay ka pa? Pati ba naman ako talagang tinaguan mo pa? Ni-lock mo pa ng maayos talaga ang bahay mo para hindi ako makapasok, ano? Anong gusto mong palabasin sa ginawa mong iyan? Ha, Liandra Camaro?"

Napangiwi na lang si Lia pagkatapos mag-litanya ng kaibigan niya. "Itatanong ko lang sana kung nasa bahay ka pa at kung may pagkain ka pa diyan. Makikikain sana ako at makikisabay na din ako sa pagpunta mo sa stadium." naga-alangang wika niya. Ito ang pinaka-malapit sa kanya kaya ito na ang una niyang aaluin. Hindi dapat ito nas-stress dahil may laban ito, baka iyon pa ang maging dahilan ng pagka-distract nito.

Sandaling natahimik ito sa kabilang linya. Inakala pa nga niyang binabaan na siya nito kaya kinailangan pa niyang tingnan ang cellphone. Ibabalik pa lang niya sa tainga ang aparato nang marinig na niya ang boses ng kaibigan sa labas ng bahay niya.

"Omid is here, open your door. Nandito na ang pagkain mo para hindi ka na mahirapang lumabas pa ng bahay mo." malakas na sabi nito.

Napangiti siya, hindi talaga siya matitiis ni Amani. Mabuti na lang talaga at kasama niya ito kaya hindi siya nahihirapan sa buhay niya.

Tinapos na niya ang tawag pagkatapos ay nagmamadaling binuksan ang pinto. May naga-alalang ekspresyon sa mukha ni Omid samantalang si Amani naman ay hindi maipinta ang mukha. Niluwagan niya ang pagkakabukas ng pinto para makapasok ang mga ito.

Kinuha ni Amani kay Omid ang dala nito 'tsaka sila nilagpasan at nagtuloy-tuloy na sa kusina. "How are you? Okay ka na ba? Ang sabi ni Amani, hindi ka daw lumalabas ng bahay mo simula nang makauwi ka kahapon. Samantalang noong nagkita tayo, nakangiti ka pa." naga-alalang anito.

Unexpected Love (Complete)Where stories live. Discover now