Tinapik niya ito sa braso at nginitian ng matamis. Kakatwang hindi na siya nababahala sa kakaibang reaksiyon ng puso niya kapag nasa malapit ang binata. Para bang nasasanay na din siya sa bilis ng tibok ng puso niya at sa kakaibang kuryenteng dumadaloy sa sistema niya kapag nagdadaiti ang mga balat nila ng binata.

"I'm okay, don't worry. Nag-trabaho lang ako, that's all. Hindi n'yo ako dapat inaalala dahil may game kayo ngayong araw. Dapat nagre-relax kayo." aniya.

"Kung ayaw mong mag-alala kami, tigilan mo ang pagtataboy sa mga tao kapag may problema ka." malakas na sabad ni Amani mula sa kusina.

"Shut up, Amani!" saway niya dito. Hindi ba nito naiisip na may ibang tao silang kasama na hindi dapat nakakaalam ng personal na buhay niya? Muli niyang hinarap si Omid, pinanatili ang maluwang na ngiti sa labi. "Let's eat. Sasabay na akong magpunta sa RMS para hindi ko na dadalhin ang kotse ko." yaya niya dito. Umabrisite pa siya sa braso nito bago ito hinila sa kusina.

SHE DEFINITELY has a problem.

Hindi mapigilang mabahala ni Omid sa narinig niyang sinabi ni Amani kaninang nandoon sila sa bahay ni Lia. May problema ito na hindi nito gustong malaman ng ibang tao. Hindi alam ni Omid kung bakit ganoon pero hindi naman din siya puwedeng magtanong. Bago pa lang silang magkaibigan ng dalaga at ayaw niyang masabihan na pakialamero kung sakaling magtanong siya ng napaka-personal na bagay tungkol sa buhay nito.

Papunta na sila nang mga sandaling iyon sa RMS sakay ng kotse ni Amani. As usual, nasa back seat na naman siya pero ang kaibahan lang, kasama na niya doon si Lia. Marahil ay iniiwasan nitong lalong ma-sermunan ng kaibigan nito kaya doon ito pumuwesto. Hindi pa din kasi maipinta ang mukha ng kaibigan na kahapon pa niya napansin.

Nang maghiwalay sila ni Lia ay nakasalubong nilang mag-ina si Amani kasama ang ina at kakambal ni Lia. Napag-alaman niyang iyon pala si Leo, ang minsang pinag-usapan nina Amani at Lia. Nag-alala siya sa dalaga nang malaman niyang nag-walk out ito sa lunch date nito kasama ang pamilya nito. At halos doon na nga siya natulog sa bahay ni Amani dahil tinutulungan niya itong gumawa ng paraan para mabuksan ang bahay ng dalaga ngunit sa huli ay hinayaan na lang nito ang kaibigan. Sinabi nitong kapag nahimasmasan na si Lia, lalabas din ito sa lungga nito.

Sayang nga lang at kaunti lang ang oras na nagkakilala ang mama niya at si Lia. Gusto pa naman ng kanyang ina ang dalaga. Ikinagulat niya iyon dahil hindi ang mama niya ang madaling mag-warm sa ibang taong kakikilala pa lang nito ngunit ang dalaga, hindi pa man din nagtatagal na nakikilala ng kanyang ina ay nakuha na agad ang loob nito. Kung paano iyon nangyari, hindi na lang niya inusisa ang ina dahil baka bigyan pa nito ng ibang kahulugan ang pagtatanong niya.

Bakit, ayaw mo bang isipin ng iba na may something sa inyo ni Lia? tanong ng isang parte ng isip niya.

Iyon ang tanong na paulit-ulit na umiikot sa isip niya hanggang sa makarating sila sa stadium.

"Tumabi ka na lang kina Iyah, okay? Doon kita pupuntahan mamaya. Iiwan ko na lang sa'yo ang cellphone ko, baka mawala na naman." ani Amani sa dalagang tahimik lang na tumango.

"Puwedeng iwan ko na lang din sa'yo ang cellphone ko? Para hindi din ako ma-paranoid?" singit niya sa usapan ng dalawa.

Nakangiting bumaling sa kanya si Lia at tumango. Hinatid nila ito sa mga kaibigan nito bago bumaba sa locker room kung saan nandoon na ang mga teammates nila.

Gusto niyang lalong mapalapit kay Lia. Gusto niyang kahit paano ay magbukas din ito ng damdamin sa kanya, baka sakaling matulungan niya ito kung ano man ang pinagdadaanan nito. Mukhang kailangan nito ng tulong dahil kahit na pagiging matapang ang ipinapakita nito o ang pagiging masayahin, nang dahil sa mga nalaman niya mula kay Amani ay may pakiramdam siyang may itinatagong malalim na pinagdadaanan ang dalaga.

Unexpected Love (Complete)Where stories live. Discover now