Chapter 2

14 1 0
                                    

SAM'S POV
Habang naglalakad ako papasok ng mall. May namukhaan ako. Kasi parang siya. Lalapitan ko sana pero nakalabas na siya ng mall. Kaya hindi ko nalang pinansin. Dumiretso nalang ako sa mga gowns.

"Welcome ma'am. Ano po hanap niyo?" nakangiting tanong sa akin ng saleslady.

"Gown na color black. Yung maiksi lang, hanggang knees." sabi ko. Gusto ko ng black. Feeling ko nga ako lang ata nakaitim. May patay kasi e HAHAHA. Patay na yung ex ko.

"Ito po, pay nalang po sa counter after niyo pong sukatin kung sakaling nagustuhan po ninyo." ngiting sabi sa akin ng saleslady. Ano ba meron ngayon, ang sasaya niyo ah.

"Sige po, thank you." sabi ko.

After kong sukatin, binayaran ko na sa cashier. After nun pumunta ulit ako sa isang coffee shop. Hilig ko talaga sa kape. Sarao kasi sa pakiramdam. Coffee is life for me. Nakinig na rin ako ng music, pinatugtog ko yung XOXO ng EXO. Bias ko dun si Baekhyun e, akin lang siya bleh. Ganda kasi ng boses niya, kasing ganda ko huehue.

Habang nakikinig ako ng music nagbabasa na rin ako ng libro. Tungkol  siya sa isang babaeng na nagkaboyfriend ng Koreano. Malapit ko na rin matapos, last chapter nalang.

After 20 minutes na pagbabasa natapos ko na rin basahin, sa wakas! Nakakanis yung ending, namatay yung girl. Sana naman may book 2. Yung magmumulto yung girl HAHAHA.

Nung palabas na ako ng coffee shop. May nagtext, di ko kilala. "Hi miss.", nagtaka ako. Sino kaya to, hala nagmumulto na yung babae HAHAHA. Sana wag naman, gusto ko pang mabuhay jusq.

Nagreply ako baka sakaling kilala ko pala tong unknown number na to. "Hello, sino po ito?" tanong ko.

"Secret admirer mo." reply niya pabalik. HALA SINO KAYA TO. Di ko nalang nireplyan, nakakatakot. Baka mamaya killer pala, gusto akong patayin. HAHAHA OA ko naman. Kinakabahan tuloy ako, baka mamaya stalker ko na pala jusmiyo. Umuwi na ako kaagad baka may sumunod sa akin.

Maya-maya nagtext nanaman siya. "Reply ka naman, di ako masamang nilalang." So ano ka lang? Mabait na nilalang? Ang creepy.

Nireplayan ko nalang ulit, kasi feeling ko kilala ko to e. "Ano ba kasi pangalan mo?" reply ko.

"Kapag pumayag ka makipagdate sa akin. Sasabihin ko yung pangalan ko." reply niya pabalik. Wow ah, DATE PA TALAGA? Baka ano gawin nito sa akin. Pinagisipan ko muna, di ko muna siya nireplayan. Baka mamamatay tao talaga to e HAHAHA.

Lumipas ang isang linggo, text pa rin siya ng text. Ayaw niyang tumigil, naiinis na ako.

"Di naman akong masamang tao."
"Pumayag ka na please."
"Kahit isang beses lang."

Grabe kumukulo na dugo ko. Nireplayan ko nalang, baka ako pa mismo pumatay sa kanya e. "Oo na nga! Nakakainis ka! Kaya tumigil ka na! Gusto ko ng mapayapang buhay!"

"Seryoso? Panaginip ba to?" reply niya. Wow ah? Oo panaginip lang to. Sana bangungutin ka, di ka na magising. Nakakanis, papatay ko na angkan nito e.

"Oo nga! Ayaw mo? Edi wag!" galit kong reply. Pabibo pa kasi, nakakainis.

"Joke lang, sorry kung ang kulit ko." reply niya. OO SOBRANG KULIT MO.

"Okay lang." reply ko. Pinakalma ko nalang sarili ko e, baka maisugod pa ako sa hospital e.

"Pwede tomorrow ng 1:00 PM? Sa favorite mong coffee shop?" reply niya. Hala alam niya kung saan yung favorite kong coffee shop? Stalker ata to e.

"OMG, alam mo?" reply ko.

"Oo naman, lagi kita nakikita dun e." reply niya. OMG, wag niyang sabihin na nagtatrabaho siya dun? Ang dami pa namang poging nagtatrabaho dun. Baka kapag may naging boyfriend ako isa sa kanila, baka araw-araw mag free coffee ako. owemji

"Seryoso?!" gulat kong reply. This is it.

"Oo nga haha. Binabasa mo yung book mo. Natapos mo na ata yun noh? Favorite book ko din yun e, pero nung namatay yung girl hindi na." reply niya. Halatang di niya nagustuhan yung story HAHAHA. Same rin naman sa akin, paano ba naman kasi yung bida pinatay ng author.

Wala na akong maisip na irereply HAHAHA. Parang parehas lang kami yata ng taste. Sana di ako mafall sa kanya, mahal ko pa si party boy haha.

"See you tomorrow." reply ko nalang.

"See you <3" reply niya. Wow ah, sa tingin niya maiinlove ako kaagad sa mga heart-heart na yan duhh. Medyo kinikilig nga ako e HAHAHA. Loyal pa rin ako kay party boy.

Love at First SightWhere stories live. Discover now