Chapter 19

1.9K 58 1
                                    

"Ma, pasok na po tayo sa loob."

Bigla akong napalingon kay Shina nung sinabi niya yun.

"Oh, bakit ka nasa labas, baka lamigin ka." Sabi ko sa kanya.

Humalukipkip naman ito at umirap. "Dapat niyo pong sabihin yan sa sarili niyo. Masyado po kayong nagsesenti dito. Pasok na po tayo."

Napatawa na lang ako sa inasta niya. Hinawakan ko na ang kamay niya at naglakad kami papasok sa rest house ni Yoshan. "Oh, nasan papa mo?" Naalala kong tanong.

"Nandoon po sa loob, nag luluto."

Napakunot noo ko, si Yoshan, nagluluto? Aba, tinamaan ng kasipagan yun ah. Marunong naman siya eh, tamad lang talaga. Minsan nag luluto at pag sinabing minsan, sobrang dalang talaga.

"Ano nakain ng papa mo at biglang sumipag?"

Napatawa siya. "Ah, baka ginagawa na po yung pinag-usapan namin."

"Anong pinag-usapan niyo?"

Ngumiti siya ng malaki at nilagay ang isa niyang daliri sa may bibig niya. "Secret po."

"What with you and your father? Laging secret kayo ng secret. Naging malihim na kayo ah?"

"Matuto po kasi kayong maghintay. Malalaman niyo rin po."

Napabuntong hininga na lang ako. Mag-ama nga sila kasi yan din sinabi sa akin ni Yoshan kanina.

Pagkabukas namin ng pintuan, agad sumalubong sa kin ang napakabangong amoy ng niluluto ni Yoshan. Biglang nagningning ang mata ko ng malaman ko ang niluluto niya.

Sumilip si Yoshan mula sa kusina at napangiti siya ng makita niya akong nakangiti ng malaki.

"Oh, hinay lang Shan, tapusin ko lang ito."

"Patikim lang" sabi ko at naglakad papalapit sa kanaya pero agad akong pinigilan ni Shina.

"Isa mama, behave. Upo ka na doon."

"Inuutusan mo ba ako Shina?" Tanong ko habang nakatingin sa kanya.

Ngumiti siya ng napakalaki at napakamot sa batok. "Mama, love you po. Upo ka na roon queen at kami na bahala dito."

Kahit naguguluhan, sinunod ko na lang si Shina kasi nagsabi na ng I love you eh, parang yun yung please niya.

Kinuha ko na lang ang phone ko at nagsusulat uli ng panibagong kwento. Hindi ko alam kung paano ko uumpisahan kaya medyo napatulala pa ako para makagawa ng bago. Kakatapos lang kasi nung isa kong sinusulat at approve naman sa editor ko yung naisip kong plot nun.

Tinignan ko pa yung ibang drafts ko rito pero nakakawalang ganang ipagpatuloy ko ito. Pero sa gitna ng pagscro-scroll ko, napatigil ako sa pinaka matagal ng nakastock dito sa memo ko.

Ginawa ko ito 3 years ago dahil wala akong maisip na gawing story nun. Pero di ko na rin siya na kayang ipagpatuloy dahil parang binubuhusan ko lang ng alcohol ang sugat ko noon. Pero sa di malamang dahilan, hindi ko siya magawang ierase sa memo ko yun.

Napabuntong hininga na lang ako at napangiti, siguro pwede ko na itong ipagpatuloy.

"Ano ba papa! Napakakalat mo, ayusin mo nga yan, puro sauce tuloy damit mo."

"Ang kulit mo kasi eh, ako na bahala dito."

"Eh gusto ko nga po tumulong eh, para mas maganda."

"Mas lalong tatagal kung tutulong ka pa."

"Pero para mas maapreciate ni mama kung dalawa po tayong gagawa."

"Isa Shina"

"Isa papa"

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon