Chapter 16

2.6K 87 10
                                    

"Mama, bakit hindi natin kasama si papa?"

Napatingin naman ako kay Shina na padapang nakahiga sa kama at nakapatong ang baba niya sa dalawang kamay na magkasaklop.

"Nandoon siya kung nasaan ang mga magulang niya." Sabay ngiti sa kanya at bumalik na sa pagtutupi ng damit.

"Alam niyo? Ang bait po ni queen Althea. Nilibot niya po ako dito sa palasyo at ang daming magagandang lugar. Meron pa nga po silang parang maze na puro halaman. Muntikan na nga po ako mawala eh. Tapos yung pinakagitna po, puro roses na kulay blue. Ang ganda po!" Masaya kwento niya at nag ikot-ikot pa sa kama.

Napatawa naman ako sa ginawa niya. Kahit nasabi ng reyna na gusto niya dating ipalaglag si Shina, alam kong magiging mabuti siyang lola. Alam ko naman na nagawa niya yun dahil iniisip niya ang sasabihin ng mga tao kay Yoshan pag nalaman nilang may anak kami.

Hypocrite? Pathetic? Eh ano pa ba ang magagawa ko? Pag ba pinagbawalan ko si Shina eh papayag ba sila? I only make things complicated. Knowing Shina, malakas makiramdam yan. Baka siya na naman ang magsakripisyo na hindi niya dapat gawin.

"Shina, baka nakakalimutan mo, anong oras na at wala kang balak matulog?"

Napakamot naman siya ng ulo. "Iba po kaya ang timezone ng Pilipinas dito sa UK."

Napairap naman ako sinabi niya. "Pero hindi mo maalis ang katotohanan na bumiyahe tayo ng malayo at pagod ang mga katawan natin. Kaya wala kang lusot, bubwit. Matulog ka na."

Sumimangot naman siya. "Si mama, parang bata tingin sa akin"

Napatawa naman ako. "Ano ba tingin mo sa sarili mo? Matanda? Matulog ka na"

"Pasalamat ka po at mahal kita." Naka-ngiti niyang sabi habang humihiga nasa kama.

Tumayo naman ako at pinuntahan siya. Ng makahiga siya ng maayos, inaayos ko na ang kumot at hinila yun hanggang sa leeg niya.

"Ang sarap dito mama. Sobrang lambot ng kama tapos sobrang lamig pa. Sobra din pong laki ng kwarto. Feeling ko tuloy prinsesa po ako."

Agad tumigil ang kamay ko sa pag-aayos ng higaan niya ng sabihin niya yun. Napabuntong hininga ako dahil sobrang lakas na ng tibok ng puso ko. What does she mean? Gusto niya ba maging prinsesa? Gusto niya ba na tumira sa lugar na ito? Napatingin ako sa mukha niyang nakangiti habang tinitigan ang ceiling na may chandelier.

Umupo ako sa tabi kung saan siya naka-ulo at hinawakan ang kamay niya. Agad naman siyang napatingin sa akin.

"What do you mean anak?" Tanong ko at laking pasasalamat ko at hindi nanginig ang boses ko.

Pinatong niya ang isang kamay sa kamay ko. "Gusto ko po maging prinsesa kung ikaw po yung magiging reyna."

Parang nabunutan ako ng tinik sa laluman. Hindi ko tuloy napigilan ang sarili kong yakapin siya. Natatawang binatukan niya ako ng mahina bago yakapin din ako ng mahigpit.

"I love you mama, wag ka na pong malungkot. Hindi kita iiwan. Ikaw kaya nagluwal sa akin." Natatawa niyang sabi.

Masuyo kong hinalikan ang noo niya. "Tulog na, papasyal tayo bukas"

"Alam niyo po yung lugar na ito?"

Tumango naman ako. "Yes, kaya kung matutulog ka na ng maaga para maaga ka rin magising."

Tinapik-tapik ko yung bewang niya. Unti-unti ay bumibigat na ang mata niya. Ng naging pantay na ang paghinga niya, inalis ko na ang kamay ko dahil alam kong tulog na siya.

I want to sleep. Pakiramdam ko, sobrang pagod na ako, both physicaly and mentally. Maraming nangyari ngayong araw kaya hindi na ako magugulat kung makatutulog kaagad ako.

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon