Chapter 18

2.2K 71 5
                                    

"Saan tayo pupunta ngayon?" Tanong ko habang hinihimas ang ulo ni Shina na nakahiga sa hita ko.

"Secret" Sabay tawa ni Yoshan.

Napasimangot na lang ako. "Kanina pa ko nag tatanong dito, pero hanggang ngayon di mo pa rin sinasabi."

"Kung sasabihin ko sayo, edi hindi na secret yun diba?" Sabay taas niya ng kilay.

"Wag mo akong pagtataasan ng kilay mister, baka ahitin ko yan"

"Eto na nga, tatahimik na misis"

Bigla akong namula sa sinabi niya. Seriously, feeling ko biro niya lang yun, there's no way na seseryosohin niya yung sinabi niyang yun. Yes, gusto niya ako but it doesn't mean that he want me to be entangled with me.

"Joke lang, sineryoso mo naman." Sabay tawa niya ng malakas.

Napabuntong hinga na lang ako, buti na lang at hindi ako nag-expect kasi sa huli, ako lang ang masasaktan.

"Pero" dagdag niya "jokes are half meant, right?" Sabay ngiti niya sa akin.

Biglang uminit mukha ko at tumingin na lang sa bintana. Don't expect, don't expect, don't expect, don't expect.

Paulit-ulit ko yang sinasabi s utak ko. Hanggang sa di ko na lang namalayan at nakatulog na ako.

Nagising na lang ako ng may naririnig akong mahinang tawa sa harapan ko. Di ko na lang yun pinansin dahil sa di malamang dahilan, komportable ako sa posisyon ko ngayon kahit medyo nangangalay leeg ko dahil parang may nakapatong.

"Cute po nila no?" Sabi nung batang boses.

"Pardon?" Sabi naman ng parang mama yung boses.

"Ay, nakalimutan ko pa lang speaking dollars to. Aren't they adorable?"

"Yes madam, your correct."

"Do you have your phone with you?"

"Wait" sabi nung mama yung boses, "here madam."

"Hihihihi" impit na tawa nung bata tas may narinig akong nag-pipicture, paulit-ulit. Inaantok pa ako kaya lang akmang babalik na ako sa pagtulog, biglang nawala yung parang nakapatong sa ulo ko.

"Ingay mo Shina, nakikita mo ngang natutulog mama mo eh."

"Wag ka mag alala papa, bibigyan kita ng copy mamaya ng pics niyo."

"Talaga? Sige, balik ako sa pwesto kanina tas kunware tulog ako."

"Humagikgik na naman ito. "Sige pa, dali."

Bumalik uli yung parang mabigat sa ulo ko kaya naging komportable na naman ako. Matutulog na sana uli ako ng pumasok sa isip ko kung ano talagang nangyayari.

Inalis ko ng mabilis ulo ko kaya halos mabuwag sa pagkaka-upo si Yoshan. Agad kong sinamaan ng tingin si Shina na may hawak hawak pa talgang cellphone at nakatutok sa akin.

"Ehem, peace." Sabi niya tas naka peace sign habang nakapoker face.

Tumawa naman ng malakas si Yoshan at inakbayan ako. "O, ang mukha, nakalukot."

"Paanong hindi lulukot kung merong dalawang makukulit sa harapan ko."

"Pero mahal niyo naman po?" Natatawang tanong ni Shina.

Inirapan ko na lang siya bilang sagot. Lumingon ako kay Yoshan na hanggang ngayon ay naka-akbay sa akin. "Nasan na ba tayo?"

Lumingon rin siya sa akin at ngumiti. "Sa first destination natin."

Parehas kaming napatingin sa harapan ng may marinig ako nag shutter. Nakangiti parin si Shina habang may hawak ng cellphone.

"Hehe, pasa ko sainyo to mamaya."

Carrying The Prince's ChildTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon