*Suntok sa mukha*

Ilan lang 'yan sa nga nakukuha ni Fatnerd sa mga resbak ng boyfriend ni Anica.

"Hoy! Hoy! Tigil." nagulat nalang ako nang dumating ang mga guards ng school.

"P're tara na." sabi nung isa na bumugbog kay Kie.

"Tangina buhatin niyo si boss baka may parating na mga parak."

"Tara na tama na 'yan pre!"

Bigla nalang nagsitakbuhan ang mga lalaki kasama ang boyfriend ni Anica.

Naramdaman ko nalang na may malakas na sumapak sa akin!

d>>_<<b

"Wala kang kwenta!"

dO___ob

Gusto ko man gumanti ay hindi ko magawa dahil ang kaharap ko ay ang lolo ni Kie!

dO____ob

"C-chairman.." takot na sabi ko ngunit sinapak niya lang ulit ako!

d>>>_<<<b

"Tama na 'yan, Chairman." awat ng mommy ni Kie!

Pati siya nandito?

dO____ob

"Tita.."

Sinampal niya ako.

"Wala kang kwentang kaibigan Xuie!" napayuko ako dahil na rin sa takot at gulat sa kanila.

"Sa lahat ng tao dito ikaw ang inaasahan kong magtatanggol sa anak ko, pero anong ginawa mo? Wala!" napaiwas ako kay Tita dahil totoo ang sinasabi niya. Wala akong kwentang kaibigan.

"Kapag may nangyari sa anak ko hindi ko lang alam kung mapapatawad pa kita!"

dO___ob

"T-tita.."

Lumayo si Tita nang tangkain ko siyang hawakan.

"Wag kang lalapit sa kanya Xuie! 'Wag kang lalapit. Hindi ko alam kung ano ang pwede kong magawa sa'yo." banta ng lolo niya.

Naiwan ako dito mag-isa habang nakatingin kay Kie at Fatnerd na kasalukuyang isinasakay sa ambulansya

Ang sama ko.

Wala akong kwentang kaibigan. Hinayaan kong mapahamak si Kie. Wala akong ginawa para protektahan siya, napakasama ko wala akong kwentang kaibigan.

Hindi na dapat pa humantong sa ganito ang lahat kung may ginawa lang ako.

'Patawad Kie, patawad.'

"Naku, nandito na ang lolo ni Kie diba sobrang sungit non?"

Napalingon ako sa mga babaeng nag-uusap habang naglalakad sa may likod ko.

"Sinabi mo pa, eh balita ko isang pagkakamali lang raw ni Kie ay grabeng parusa raw ang natatanggap niyan mula nang bata pa siya."

"Oo nga, naku paano nalang 'yan ngayon panigurado hindi papalagpasin ng lolo niya ang nangyari sa kanya."

"True ka dyan bes, naku kapag nagkataon baka kunin nila si Kie dito at dalhin sa Japan."

"Wag naman sana, kawawa rin kasi si Xuie kung ganon kasi diba siya lang ang bestfriend nito?"

Napasinghal ako sa aking narinig.

"OMG nandito lang pala si Xuie sa harap natin."

"Hala kuya sorry po."

FATNERDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon