KABANATA 10

1.8K 67 0
                                    

KABANATA X

Hindi ko alam basta ang gusto ko lumaban siya.

Nakakainis siya!

Bakit ba ayaw niya lumaban? Mas lalong tumatagal, ako ang nahihirapan sa kanya.

Kailangan ko siyang tulungan tutal ako naman ata ang may simula ng lahat. Akala nila nagpapapansin sa akin si Fatnerd pero ang totoo ako ang unang gumawa ng paraan para pansinin niya ako dahil siya lang ang babaeng hindi magawang tapunan man lang ako kahit na kakatiting na tingin.

Buong-pwersa kong inalis ang kamay ng dalawang nakahawak sa akin ngunit ganun nalang ang gulat ko nang nakabulagta na ang dalawang lalaki na may hawak kay Kie.

"Sige na Idol Kie iligtas mo si Fatnerd, kaya mo 'yan."

Sino 'yan? Bakit nandito ang mga players ng baseball?

"Salamat. Teka, pa-arbor ako nito." kinuha niya ang baseball bat nung estudyante na ginamit sa paghampas sa mga nakahawak sa kanya.

Natameme ako.

Hindi masyadong sumasali sa laban si Kie kaya nakakagulat na makitang siya ang humarap sa boyfriend ni Anica na kilalang siga at miyembro ng fraternity.

Walang alinlangang sumugod si Kie sa lalaki at walang awang pinaghahampas ang mukha nito gamit ang baseball bat.

Si Kie ba 'yan?

dO___ob

Ni minsan hindi ko pa nakitang naging ganyan siya sa ex niya at kahit sa lahat.

Ngayon lang.

Pinaghahampas ni Kie ang lalaki ng baseball bat at halos lumuwa ang mata nito sa sakit na natatamo ngunit si Kie ay tila walang naririnig at nakikita.

Nakita ko kung paano tumayo si Fatnerd at inagaw ang baseball bat kay Kie at saka marahan itong itinulak palayo.

Kitang-kita ko sa hitsura ni Fatnerd ang pagod at panghihina.

Malakas pa sa batong binuhat ni Fatnerd ang boyfriend ni Anica kahit na iika-ika ito at walang alinlangang inihagis sa mismong gate!

Basag ang mukha ng lalaki kaya ang sumunod na nangyari ay isa-isang sumugod sa kanya ang kasamahan ng boyfriend ni Anica at saka ito pinagtulungan.

Akala ko okay pa ang lahat na kayang-kaya itumba ni Fatnerd ang lahat 'yan ng walang kahirap-hirap kaso mali ako dahil kaliwa't kanang sapak ang nakikita kong natatamo ni Fatnerd habang humahagis pa ang dugo.

Walang awa nilang pinagsasasapak si Fatnerd at binugbug.

Maging si Kie ay pinagtulungan na rin nila at kita ko kung paano ito natumba at apak-apakan ng mga tatantadong lalaki na nasa harapan ko.

Tila naistatwa ako at hindi ko alam ang aking gagawin.

Si Fatnerd ay walang awa nilang pinaghahampas ng baseball bat na hawak ni Kie kanina at walang awang pinaghahampas ang mukha nito kahit duguan na at tila wala nang malay.

Kitang-kita ko kung paano tila nagslow-motion ang lahat kasabay nun ng malakas na paghampas nila ng baseball bat sa mukha ni Fatnerd.

dO____ob

"Gless.."

"Kie.."

*Sapak sa kanan*

*Sapak sa kaliwa*

*Tadyak sa mukha*

*Untog sa sahig*

FATNERDWhere stories live. Discover now