Huling Kabanata ( Ikalawang Parte )

Start from the beginning
                                    

Gusto ko sana silang paghiwalayin agad ngunit ayaw ko namang sirain ang kanilang pagkikita. Masaya rin naman ako para sa kanila na naitatag na ang kanilang lahi.

Umupo na kami at nag-umpisa na silang mag-usap sa mga lahi nila. Nakikinig lamang ako sa kanilang dalawa sa pagkekwentuhan nila.

" Maaari po ba kayong tumungo sa ika-limang anibersaryo ng pagkakatatag sa ating lahi? " tanong ni Dyo Cephas.

Tumango naman si Allaode. " Oo naman. Isang karangalan na personal akong inimbita ng kanilang pinuno. Aasahan mo ang pagdating namin ni Xeriol sa araw na 'yon " sabay hawak nya sa aking kamay.

Ngumiti naman si Dyo Cephas sa aming dalawa. Kinalaunan ay nagpaalam na kami sa kanya ng nadalaw na rin namin ang mga namayapa noon nyang kalahi. Sunod naming pinuntahan ang pamilyang Letavez na napuno ng masasayang tawanan ang kanilang pagkikita.

Sa wakas ay nakita kong muli ang mga ngiti na dahilan kung bakit ako nahulog sa kanya noon pa man. Kahit hindi sya itinakda ng aking cryptus, sya pa rin ang mahal ko. Walang kinalaman ang cryptus sa pagmamahal ko sa kanya dahil sya ang itinitibok ng aking puso noong una palang.



-

Ginabi na kami ng uwi sa aking palasyo. Halata na rin sa mukha ni Allaode ang pagod sa byahe ngunit kita naman ang saya ng kanyang nararamdaman.

" Xeriol " tawag nya sa aking pangalan ng makapasok kami sa aking silid.

" Bakit? Nagugutom ka ba? " tanong ko sa kanya saka lumapit sa kanya na bigla akong niyakap.

" Hindi ko alam kung paano ako magpapasalamat sa ginawa mo para sa akin. Hindi sapat ang salitang salamat para sa lahat ng iyong ginawa simula pa lang nang una " sinsero nyang sabi.

Kumalas ako ng yakap dahil ramdam ko na umiiyak na naman sya na agad ko namang pinunasan. " Hindi ako naghihintay ng kapalit sa lahat ng ginawa ko dahil lahat ng iyon ay gawa ng pagmamahal ko para sa'yo. Ang tanging gusto ko lamang ay makita kang masaya at nakangiti. Nangangako ako na hindi na mauulit ang mapapait na nangyari sa'yo noon. Ngayon na kasama na uli kita ay hindi ko hahayaang mawala ka pa sa akin " saad ko sa kanya saka sya siniil ng halik.

Tinugon nya ang halik na ginawa ko sa kanya kaya hindi ko na kinontrol ang sarili ko. Mabilis ko syang dinala sa kama ko saka inihiga at siniil muli ng halik. Sya ang may kasalanan nito at hindi ako. Kung ano-ano kasi ang sinabi nya sa akin.

Hinubad ko ang pangtaas na kasuotan ko at nakita ko ang pamumula ng mukha ni Allaode kaya palihim akong napangiti. Sa tingin ko ay hindi na sya aangal sa gagawin namin at higit sa lahat ay wala na syang kawala pa.

" Mahal kita " bulong ko sa kanyang tenga at muling hinalikan sa labi pababa sa kanyang leeg at mula doon ay nilagyan ko sya ng marka na nagpakawala na impit na ungol mula sa kanya.

Hinubad ko na rin ang kanyang kasuotan na syang takip ng kanyang mukha. Tinanggal ko ang kanyang kamay sa mukha at hinalikan ito.

" Bakit ka ba nahihiya? Ako nga hindi nahihiya " saad ko na sya naman ikinasama ng tingin nya.

" Makapal na kasi ang mukha mo kahit noon pa " sagot nya na ikinangisi ko. " Biro lang ang sinabi-- " hindi ko na pinatapos sya ng muli ko syang siniil ng halik. Tingnan natin kung sino ang makapal ang mukha ngayong gabi.









-

Nagising ako mula sa sikat ng araw na tumatama sa aking mata kaya napatakip ako ng braso sa aking mata ng may maramdaman akong gumalaw sa aking gilid. Nilingon ko ang mahal ko na mahimbing na natutulog sa aking tabi at nakayakap pa sa akin. Napangiti ako ng maalala ko ang ginawa namin kagabi. Tatlong beses kong naramdaman ang rurok ng tagumpay kasama sya. Ngunit nag-alala pa rin ako na sumakit ang kanyang katawan kahit pa dinahan-dahan ko.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now