Ika-15 Kabanata

6.6K 365 38
                                    

Ang tagal ko ng hindi nakakauwi sa bahay namin kaya nasasabik akong makatungtong muli sa bahay. Masasabi kong malaki ang tinuring kong tahanan sa loob ng maraming taon. Dito na rin ako nagkaroon ng muwang at bumuo ng mga masasayang alaala sa mga taong tumanggap sa akin.

" Magandang gabi po " bati sa amin ng mga katulong na nakahilera sa labas ng pintuan.

Nginitian ko sila bilang sagot sa kanilang pagbati. Medyo nagulat nga lang sila sa ginawa ko. Hindi kasi sila sanay na pinapansin ko sila dahil tahimik lamang ako,noon. Pakiramdam ko nga ang laki ng pinagbago ko lalo na sa pakikisalamuha ko sa iba.

" Nandito po ba sya? " tanong ko kila Tita Luciya at Tito Orfeo.

Tumango sila kaya sumunod ako sa paglalakad nila. Nagtungo kami sa isang kwarto kung saan namin pinapatuloy ang mga bisita o di kaya kapag may pag-uusapan kaming mahalaga. Kinakabahan ako ngayon dahil wala akong alam kung sino ang napili ng cryptus ko. Ang daming tumatakbo sa isip ko na puro hindi maganda kaya umiling-iling ako para iwaksi lahat ng 'yon.

" Ikaw na lamang ang pumasok Allaode " hinto ni Tito Orfeo sa harap ng isang pintuan kaya nagtaka ako.

" Kailangan nyong mag-usap ng masinsinan " nakangiting saad ni Tita Luciya ngunit halatang hindi sya masaya.

Tumango na lang ako sa sinabi nila. Umalis na sila kaya ako na lang ang nakatayo sa harap ng pintuan. Huminga muna ako ng malalim bago ko binuksan ang pintuan saka pumasok. Hinanap ko ang napili ng aking cryptus at nakita ko syang nakatayo sa may harap ng bintana habang nakatingin sa buwan ng tumingin ito sa akin.

" K-kuya Easton " banggit ko sa pangalan nya.

Mabilis akong lumapit sa kanya at niyakap sya. Ang tagal naming hindi nagkita ni Kuya Easton. Hinihintay ko syang dalawin nya ako sa paaralan pero alam ko naman na marami syang ginagawa.

Tumingin ako sa kanya at kapansin-pansin na sa maikling panahon ng paghihiwalay namin,  malaki ang pinagbago nya. Hindi ko nga lang alam kung ano 'yon pero ramdam ko na may nagbago sa kanya.

" Nandito ka ba upang samahan akong kilalanin ang pinili ng cryptus ko. Nasaan na ba sya? Sabi ni Tita nandi--- " napahinto ako sa pagsasalita ng maintindihan ko na.

" Umupo muna tayo Allaode upang maipaliwanag ko sa'yo " seryoso nitong sabi at inakay ako sa upuan.

Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Si Kuya Easton ang pinili ng cryptus ko?

" Alam kong naguguluhan ka " panimulang sabi ni Kuya Easton.

" Ano na lang ang sasabihin nila kapag nalaman na ikaw ang pinili ng cryptus ko? Malalaman nilang hindi nyo ako tunay na kadugo " agad kong sabi sa kanya.

Sa mata ng marami, kapatid ko si Kuya Easton. Bukod doon, hindi ko sya kayang mahalin higit pa sa pagmamahal bilang isang kapatid. Lalo pa't may iba akong mahal. Hindi ko kaya...

" Allaode alam kong naguguluhan at natatakot ka ngunit maganda na ito upang malayo ka sa kapahamakan " napatingin ako kay Kuya Easton na parang pinaghandaan na nya ito.

" Anong ibig mo pong sabihin? " alam kong may iba syang gustong iparating.

Umupo sya sa tabi ko at hinawakan ang kamay ko. " Patawarin mo si Kuya Easton mo kung pati sa pagpili ng cryptus ay nangialam ako " saad nya kaya inalis ko ang pagkahawak nya sa kamay ko.

Kita ko ang gulat sa mukha nya sa ginawa ko ngunit ngumiti na lamang sya saka tumayo. Muli syang bumalik sa kinauupuan nya kanina.

" Gumamit ako ng itim na mahika upang ako ang itakda sa'yo " paliwanag nya na ikinabigla ko. Maaari ba iyon gawin?

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now