Ika-26 Kabanata ( Ikalawang parte )

6.4K 316 43
                                    

" Simulan na ang laban! " sigaw ng tagapamagitan.

Masama ang tingin sa akin ng huling lalaban sa kupunan ng putere. Mukhang nagagalit sya sa akin.

" Hindi ako papayag na ang isang mababang lahing katulad nyo ang makatatalo sa amin " banggit nya.

Napayukom ako ng palad dahil sa narinig ko ngunit hindi ako nagpadala sa galit. Sa ngayon ay ganyan ang turing sa amin pero sa oras na makilala kami ay mag-iiba ang pananaw nyo sa amin.

" Kaya tatalunin kita ng saglitan lamang " saad pa nya.

Naghanda na ako dahil akala ko ay susugod na sya pero nagulat ako ng napupunit ang kanyang kasuotan at lumalaki ang kanyang pangangatawan.

Sa isang saglit lang ay naging taong lobo sya. Doble ang laki nito sa akin at sobrang laki nya.

Umalulong pa sya at tumingin sa akin. Sumugod na sya kaya napasangga ako ng braso ko sa ginawa nyang pagkalmot ng matatalim nyang kuko. Mabilis akong napaatras sa ginawa nya.

Ang lakas nya!

Hindi pa ako nakakaayos nang muli syang sumugod at sinuntok ako sa sikmura dahilan para mapasubsob ako sa sahig pero naramdaman ko ang paulit-ulit nyang pag-apak sa likudan ko.

Pinilit kong kontrolin ang mga batong nasa paligid ko at ipinukol ko sa kanya kaya nakalayo ako sa kanya. Sobrang sabik nyang manalo sa laban namin.  Hindi pa tumatagal ang laban ay marami na akong natamong sugat.

" Sumusuko ka na ba? " mayabang nitong tanong.

Tumayo naman ako ng maayos. Sa pamamagitan ng aking isip ay kinontrol ko ang mga batong nakapaligid sa amin na nasira sa pakikipagban ng mga nauna. Mabilis kong ibinato sa kanya ngunit nasasangga nya iyon o di kaya'y napipino nya.

" Iyan lang ba ang kaya mo? " tanong nya. " Hindi mo ako matatalo ng ganyan lang kaya gayahin mo 'to! " sumugod muli sya sa akin at nagpakawala ng malakas na suntok sa sikmura.

Napahawak ako sa aking tyan ng napaluhod ako ngunit tinadyakan nya ako sa mukha kaya napahiga ako sa sahig. Kita ko ang talampakan nyang ibabaon sa aking mukha na mabuti ay nailagan ko. Mabilis akong lumipat sa likudan nya.

" Lumaban ka! " sigaw muli nito sa akin at susugod na.

Mabilis akong gumawa ng pananggal kaya hindi sya makalapit sa akin. Sinusuntok nya ang harang na ginawa ko.

" Anak, gamitin mo ang iyong paruparo bilang sandata "

Pamilyar na boses ang aking narinig kaya napalingon ako sa kumausap sa akin. Kita ko ang awa sa mukha nya kaya agad akong umiwas ng tingin kay Jjani Thyia.

" Huli ka! " hindi ko namalayan na nakapasok sya sa ginawa kong harang.

Nakahawak sya sa aking balikat kasabay ang pagkagat nya sa balat ko. Napasigaw ako sa sobrang sakit. Pilit akong kumakawala sa kanya pero nawawalan ako ng lakas dahil sa ginawa nya.

" Pinuno! " narinig kong sigaw nila Cephas.

Binitawan nya lamang ako ng hindi na ako pumapalag. Napasubsob ako sa sahig dahil hindi ko na kayang lumaban.

Bakit ang hina ko ngayon? Wala pa akong ginagawa para labanan sya. Ano bang nangyayari sa akin?

" Panalo ang kupunang put-- "

" H-hindi pa ako lumalaban " pigil ko sa tagapamagitan.

Pinilit kong tumayo at hinawakan ang balikat ko na patuloy sa pagdurugo. Hindi ko hahayaang matalo ako ng isang katulad nya. Dapat kong ipamukha na mali ang kanyang iniisip tungkol sa amin.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now