Huling Kabanata ( Unang parte )

Start from the beginning
                                    

Isinandal ko ang aking ulo at ipinikit ang aking mata. Nakakapagod ang araw na ito. Ang rami kong dinaluhan na pagsasaya at pagpupulong na makakabuti sa aking nasasakupan at lalo na para manatili ako sa kinauupuan ko ngayon. Dahil wala pa akong sunod na tagapagmana ay may nagnanais ng umangkin sa trono ko na iyon ang dinadahilan. Hindi maaaring magtagal ang isang Primnus ng isang dekada kung wala pa itong tagapagmana.  Apat na taon pa lamang akong nakakaupo sa aking trono, ang rami ng may gustong magpaalis sa akin.

Apat na taon na rin pala simula ng tanggapin ko ang tronong ito para sa taong mahal ko. At limang taon naman na hinihintay ko syang bumalik sa akin. Araw-araw akong umaasa na babalik sya sa akin.

" Primnus Xeriol " napadilat naman ako ng marinig kong tinawag ako. Nakita ko ang isang katiwala na nakaluhod sa aking harap. " Nasusunog po ang jartsena Blome " saad nya.

Napatayo ako mula sa aking pagkakaupo. Mabilis akong tumakbo patungo sa sinasabing nasunog. Medyo may kalayuan ito sa aking kinaroroonan ngunit parte pa rin iyon ng aking palasyo. Mabuti na lamang ay may kabayo akong nakita sa harap na agad kong sinakyan at pinarikas ng takbo.

Naghahalo ang aking nararamdaman. Kung kaya ko lang paliparin ang kabayo ay ginawa ko na upang magtungo sa jartsena. Kinakabahan, natatakot at nanginginig ang buong katawan ko na ninanais na makarating kaagad doon.

Malayo pa lang ay nakikita na ang itim na usok kaya mas binilisan ko pa ang pagpapatakbo. Nang makarating ako ay kaagad akong bumaba sa kabayo at nagtungo doon. May ilan ng may kapangyarihan sa tubig ang nag-aapula sa apoy ngunit hindi nila magawang mapaliit man lang.

" P-primnus " gulat nila ng makita ako.

Hindi ko sila pinansin at nagtungo sa loob ng aking jartsena. Sagrado ang lugar na ito para sa akin. Wala ni isang nakakapasok sa loob ng kahit sino. Pinasadya ko ang lugar na ito para sa aking minamahal.

Umiiwas ang apoy sa akin. Hindi rin ako naiinitan kahit na may iilang dumadampi sa aking mga balat. Wala na ang magagandang mga bulaklak na ako pa mismo ang nagtanim at nagdidilig tuwing umaga. Ang mga halaman at puno sa paligid na nagbibigay ng lilim at hangin. Ang magandang lugar sanang bubungad sa aking mahal ay hindi na kaaya-ayang tingnan dahil nababalutan na ito ng mga apoy.

" Mahal ko " tawag ko sa pinakamamahal ko na mahimbing pa rin na natutulog sa ibabaw ng mga iba't-ibang bulaklak.

Mabuti na lamang ay hindi pa umaabot ang apoy sa kinalalagyan nya kaya nakahinga ako ng maluwag na wala syang sugat na natamo. Tinuon ko naman ang pansin sa apoy at hinigop ko ito sa pamamagitan ng aking kamay na walang kahirap-hirap. Nakita ko tuloy ang pinsala ng tinayo kong jartsena para sa kanya.

" Mahal ko, bakit hindi pa ka kasi gumigising? Paano na lamang kung wala ako ngayon, de natupok ka na rin " may paghahalo ko pang biro sa kanya kahit alam kong hindi nya ako naririnig.

Pinagmasdan ko ang mahimbing nyang mukhang natutulog. Pinunasan ko ang alikabok na dumapo sa makinis na kutis ng aking mahal. Hindi bagay na marumihan sya ng kahit anong bagay.

" Mahal ko, huwag kang mag-alala. Bago ka pa man magising ay maayos ko na ang tinitirhan mo. Pagbabayarin ko rin ang gumawa nito " saad ko at hinawakan ang kanyang kamay saka dinampi ko sa aking labi.


-

Matapos ang aksidenteng nangyari sa may jartsena, nagpabantay na ako ng mga kawal mula sa labas upang mabantayan ang mga lumalapit doon at nagtatangkang pumasok. Hindi nila alam na may tinatago ako sa loob dahil ang alam lang nila ay puro mga halaman at bulaklak ang laman ng jartsena. Ayaw ko munang ipaalam sa kanila ang tungkol kay Allaode dahil maaaring gamitin sya ng aking mga kaaway upang patalsikin ako sa aking trono.

Elusive Butterfly (BoyxBoy)Where stories live. Discover now