"Skinny is the 'in' thing with most guys."

"Puwes, hindi ako. Mas gusto ko ay may laman ang aking niyayakap pagtulog."

Napakagat-labi si Annika habang namumula. Ipinagsandok ito ng ulam ni Walter. Paborito ng binata ang ulam. Lechon paksiw. Nabanggit ni Annika na padala iyon ng ate niya at ininit lamang nito. Bagay lamang ipangsabaw sa sunog na kanin.

Gusto pa sana niyang tuksuhin si Annika. Pero nakikita niyang parang maiiyak na ito sa hiya. At naisip niya, sana ang buhay nilang dalawa ay katulad sa sunog na kanin at lechon paksiw. Bagay pagsamahin.

Inabot niya ang gilid ng lips nito at kinuha ang mumo ng kanin na nakadikit doon sabay subo.

Namula na naman ito.

Ang cute lang, naisip niya. Ito ang mukhang hindi niya pagsasawaang makita paggising tuwing umaga.

"Kumain ka lang. Baka matunaw na ako," namumulang wika ni Annika.

"Sa susunod kapag ganitong masama ang panahon at alanganing oras na, huwag kang bibiyaheng mag-isa. Naiintindihan mo?"

Nanulis ang mga labi nito. "Opo."

Grabe talaga 'yong nerbiyos niya kanina. Dinaig pa iyon noong kabuwanan ng Ate Willa niya kay Samantha. Pakiramdam niya ay hindi na tumatapak ang mga paa niya kanina sa lupa habang tumatakbong palabas para sunduin ito. Sa buong buhay niya ay ayaw na ulit niyang maranasan ang ganoong takot. Lalo pa nga at may history na ito sa tangka rito ni Trevor. Ayaw na niyang pagdaanan pa nito ang ganoong klase ng trauma.

"Mabait naman 'yon si Egay kahit hindi kainaman ang karakas ng pagmumukha," nasabi niya para ipalagay ang loob nito.

"I guess I overreacted. Natakot lang kasi talaga ako."

"Understandable. Hihingi na lang ulit ako ng dispensa sa kanya."

"Isama mo ako. Magso-sorry rin ako sa kanya."

"Sige. Nandoon lang naman sila parati sa tambayan. Puntahan natin bukas pagkagaling ko ng school."

"Okay."

Nang makakain ay si Annika na lang ang nagligpit ng kinainan nila. Siya naman ay inilabas ang reviewer at sinimulang mag-review, tatlong subject ang exam niya kinabukasan.

"Here," isang chocolate bar ang ibinigay sa kanya ni Annika.

"Hindi ako mahilig sa matamis," tanggi niya. "Sa'yo na lang."

"It's chocolate with nuts. Maganda ito kapag nagre-review para mas tumalas ang memory mo."

"Ows?"

"It's true. Come on, take it."

"Sige na nga. Baka umiyak ka pa, eh."

Napasimangot ito sabay irap sa kanya.

"Huwag ka nang sumimangot. Heto nga at kinakain ko na."

"You need help?" Nakangiting tanong nito nang maupo sa katabi niyang upuan.

"Hmn, meron sana," mabilis niyang nilunok ang kinakaing tsokolate.

"Ano?"

"Lapit ka nang kaunti."

Umisod naman ito sa kinauupuan niya. Sinapo niya ng isang kamay ang kanang pisngi ni Annika sabay higit sa dalaga at inilapat ang mga labi sa bibig nito. Hindi kaagad ito nakagalaw. Nakiramdam siya. Naghintay ng magiging reaksyon nito. Nang kumibot ang mga labi nito at bahagyang umawang, naakit siyang palalimin ang halik. He slipped his tongue between her pearly white teeth to taste her. Napaungol ito bago kusang sinalubong ang kanyang dila at tinugon ang kanyang halik.

Hindi siya mahilig sa matamis. Pero kung ang mga labi nito ang titikman niya bawat segundo, ayos lang sa kanya kahit magkaroon pa siya ng diabetes. Ang tamis ng mga iyon ay hindi nakakaumay. Sa halip ay nakaka-addict.

Kapwa kinakapos ng paghingang marahan silang nagbaklas makalipas ang ilang saglit. Nahaplos niya ng thumb finger ang upper lip ni Annika dahil parang namamantal iyon matapos niyang panggigilang halikan.

"Hayan, natanggal na ang umay ko sa chocolate."

"A-ano?"

"Nauumay nga kasi ako sa matamis. Pero dahil sa lips mo, nawala na ang umay ko."

"E-ewan ko sa'yo," namumulang tumayo na ito at lumayo sa kanya.

Ngumiti lang si Walter. Hindi siya nag-aalala dahil hindi naman ito mukhang totoong galit. Nagpatuloy na siya sa pagre-review. Si Annika naman ay naglabas ng laptop nito at inabala na ang sarili roon. Sa sumunod na sandali ay wala nang namagitang pag-uusap sa kanila. Pareho na silang naging busy sa kani-kanilang ginagawa.

Hatinggabi na rin nang matapos siyang mag-review. Nang sulyapan niya ang kasama ay nakasubsob na ito sa tabi ng laptop nito. Naiiling na iniligpit na ni Walter ang kanyang mga gamit at isinara na rin ang laptop ni Annika bago binuhat ang dalaga papasok ng kuwarto.

Maingat niya itong inilapag sa kama.

"Hmn, Walt..." parang nananaginip na ungol nito sa pangalan niya.

Napangiti siya. Inayos niya ito ng higa at kinumutan dahil medyo malamig ang gabi.

Patayo na siya nang maramdaman niya ang pagpigil nito sa laylayan ng suot niyang kamiseta.

"Where are you going?" tila inaantok na tanong nito sa kanya.

"Magsesepilyo. Pinakain mo kasi ako ng chocolate."

"Balik ka kaagad," parang naglalambing na ungot nito.

"Oo naman. Tulog ka na. Ido-double check ko lang ang mga kandado natin."

"'Kay," pumikit na nga ito.

Tulad ng sabi niya ay nag-double check lang siya ng mga locks at nagsepliyo. Nang tabihan niya si Annika ay awtomatikong yumapos ang mga braso nito sa kanya bago nagsumiksik sa dibdib niya.

May kasiyahang bumalot sa puso niya nang kabigin ito at hagkan sa noo.

He could easily get used to it.

Pero ang tanong: hanggang kailan niya ito mapapanatili sa piling niya...?

The Heiress and the PauperWhere stories live. Discover now